Pumunta sa nilalaman

Kiko Matos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kiko Matos
Kapanganakan
Francisco Manabat Perestrelo De Matos

(1990-09-22) 22 Setyembre 1990 (edad 33)
NasyonalidadPilipino-Portuges
Ibang pangalanFrancis, Kiko, Kikay
TrabahoAktor, Modelo
Aktibong taon2013–kasalukuyan
Kilala saKiko, Kikay
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
Anak1
Kamag-anakGonzalo Matos
WebsiteKiko Matos sa Instagram

Si Francisco Manabat Perestrelo De Matos o kilala rin bilang Kiko Matos, ay isang Pilipino-Portuges na aktor. Ilan sa mga unang pelikulang pinagbidahan niya ay ang "Babagwa" (The Spider's Lair) (2013) ni Jason Paul Laxamana, "Mumbai Love" (2014) ni Benito Bautista at "Hukluban" (2014) ni Gil Portes. Bumida si Matos sa "The Superparental Guardians" (2016) bilang Gungster kasama sina Vice Ganda, Coco Martin at Pepe Herrera. Kapatid ni Matos is Gonzalo Matos, ang gumanap bilang Arnold sa "Love is Blind" (2016) ni Laxamana.

Buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Kiko Matos sa Macau noong Setyembre 22, 1990 sa Portuguese na ama at Pilipinong ina. Lumaki si Kiko sa Parañaque. Nag-aral siya sa Ann Arbor Montessori noong siya ay nasa high school. Noong bata pa siya, taon-taon siyang naglalakbay sa bayan ng kanyang ama sa Lisboa, Portugal.

Mayroong YouTube Channel si Kiko na nagngangalang "Kiko Matos".

Karera[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang karera ni Kiko sa telebisyon noong 2004 nang sumali siya sa ABS-CBN talent competition na "TV Idol" kung saan naging isa siya sa mga finalist kasama sina Ahron Villena, AJ Dee, JE Sison at Marc Cortez. Kabilang sa mga aktres na nakatrabaho niya noong kabataan niya ay sina Shaina Magdayao at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na noon ay gumagamit ng screen name na Pia Romero. Ipinakilala si Kiko bilang artista sa pelikula noong 2013 sa "Babagwa" (Spider's Lair). Noong 2014, bumida siya sa "Mumbai Love" katapat ni Solenn Heussaff.

Pagkatapos ng "Babagwa" at "Mumbai Love", naging regular na si Kiko sa mga independent films, Karamihan sa mga ito ay entry sa local at international film festivals. Dati niyang manager ang beteranong entertainment journalist na si Mell T. Navarro.

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Pelikula[baguhin | baguhin ang wikitext]

Year Title Role Director Notes
2013 Babagwa (The Spider’s Lair) Bam Bonifacio Jason Paul Laxamana
2013 Bingoleras Ron Bryant
2014 Mumbai Love Nandi Benito Bautista
2014 Edna Ronnie Lazaro
2014 Hukluban Gil Portes
2015 Partee Jill Singson Urdaneta
2015 Sino nga ba si Pangkoy Ong? Jonah Añonuevo Lim
2015 Of Sinners and Saints Grown-up Alejandro Ruben Maria Soriquez
2015 Gayuma Cesar Hernando
2015 Sekyu Joel Lamangan
2015 Nilalang Mark Pedring Lopez
2015 Dahling Nick Master Novice Sari Dalena
2015 Bukod Kang Pinagpala James Sherdon Dayoc
2016 Love is Blind Anthony Jason Paul Laxamana
2016 Straight to the Heart David Fabros
2016 Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli Don Joaquin Ortega Gil Portes
2016 Unconventional Carl Angelo Ruiz
2016 Expressway Caloy Ato Bautista
2016 Super Parental Guardians Joyce Bernal
2016 Kabisera Real Florido, Arturo San Agustin
2017 Ang Pamilyang Hindi Lumuluha Mes de Guzman
2017 Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa Perry Escano
2017 Instalado Jason Paul Laxamana
2017 Hangyo Toklits Willan Rivera

Tingnan rin[baguhin | baguhin ang wikitext]

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]