Pumunta sa nilalaman

Kimtsi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kimchi
Paikot sa kanan mula sa itaas na kaliwa: kkakdugi, pa-kimchi, yeolmu-kimchi, dongchimi, nabak-kimchi, mul-kimchi
KursoBanchan
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Ihain nangMalamig o sa temperatura ng silid
Pangunahing SangkapIba't ibang gulay kabilang ang petsay Baguio at labanos
Karagdagang SangkapSili
BaryasyonBaechu-kimchi, baek-kimchi, dongchimi, kkakdugi, nabak-kimchi, pa-kimchi, yeolmu-kimchi, morkovcha
Kimtsi
Hangul
김치

Ang kimchi ( /ˈkɪm/; Koreano김치; RRgimchi) ay isang tradisyonal na Koreanong pamutat (banchan) na binubuo ng inasnan at binurong gulay, karaniwang petsay Baguio o mu (Koreanong labanos). Isang malawak na seleksiyon ng mga panimpla ang ginagamit, kabilang ang gochugaru (pinulbos na Koreanong sili), murang sibuyas, bawang, luya, at jeotgal (inasnang pagkaing-dagat).[1][2] Ginagamit din ang kimchi sa iba’t ibang sabaw at nilaga. Isa itong pangunahing pagkain sa lutuing Koreano at karaniwang hinahain bilang ulam na pampares sa halos bawat pagkain ng mga Koreano.[3]

Mababa sa kaloriya at kolesterol ang kimtsi, at may mataas na antas ng hibla o pibra. Kung ihahambing sa mansanas, mas mataas ang bilang ng mga bitamina ng kimtsi.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Kimchi". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2022. Nakuha noong 23 Marso 2017.
  2. Chin, Mei (14 Oktubre 2009). "The Art of Kimchi" [Ang Sining ng Kimchi]. Saveur (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2022. Nakuha noong 9 Agosto 2010.
  3. Hongu, Nobuko; Kim, Angela S.; Suzuki, Asuka; Wilson, Hope; Tsui, Karen C.; Park, Sunmin (Setyembre 2017). "Korean kimchi: promoting healthy meals through cultural tradition" [Koreanong kimchi: pagtataguyod ng malusog na pagkain sa pamamagitan ng kultural na tradisyon]. Journal of Ethnic Foods (sa wikang Ingles). 4 (3): 172–180. doi:10.1016/j.jef.2017.08.005. ISSN 2352-6181.
  4. "Kimchi and Bulgogi: Health Food". Facts About Korea. Korean Overseas Information Service at Government Information Service (Seoul, Republika ng Korea), Edisyon ng 2006, ISBN 89-7375-008-9. 1973., Kabanata 20, pahina 244.

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.