Pumunta sa nilalaman

Pangalang Koreano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Korean name)
Pangalang Koreano
Hangul이름 / 성명
Hanja이름 / 姓名
Binagong Romanisasyonireum /
seongmyeong
McCune–Reischauerirŭm / sŏngmyŏng

Ang isang pangalang Koreano ay binubuo ng apelyido (o pangalan ng angkan) at sinunsundan ng ibinigay na pangalan, na ginagamit ng mga Koreano sa parehong Timog Korea at Hilagang Korea. Sa wikang Koreano, ang ireum o seongmyeong ay kadalasang tumutukoy sa magkasamang pangalan ng angkan (seong) at ibinigay na pangalan (ireum sa isang mababaw na kaisipan).

Ang tradisyunal na Koreanong pangalan ng angkan ay kadalasang isang pantig lamang. Walang silang gitnang pangalan sa konseptong Ingles (o kahit sa Pilipino). Maraming mga Koreano ang mayroong ibinigay na pangalan na binubuo ng isang pantig na pangalang henerasyon at isang pansariling natatanging pantig, bagaman, ang kasanayang ito ay unti-unting nawawala sa mas batang henerasyon. Ang pantig na pangalang henerasyon ay pare-pareho sa magkakapatid sa Hilagang Korea, at sa lahat ng kasapi ng parehong henerasyon ng isang pinalawak na pamilya sa Timog Korea. Pinapanatili ng mga lalaki at babaeng kasal ang kanilang mga pansariling pangalan, at ang mga anak ay minamana ang pangalan ng angkan ng kanilang ama maliban kung pinagkasunduan kapag nirerehistro ang kasal.

Sang-ayon sa senso ng populasyon at pabahay ng 2000 na isinagawa ng pamahalaan ng Timog Korea, mayroong kabuuang 286 na apelyido at 4,179 na bon-gwan o angkan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2000 인구주택총조사 성씨 및 본관 집계결과". 통계청 (sa wikang Koreano). Statistics Korea. Nakuha noong 20 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)