Pumunta sa nilalaman

Koryo-saram

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Koryo-saram (Siriliko: Корё сарам, Hangul:고려사람) ay ang katagang ginagamit ng mga etnikong Koreano sa kanilang mga sarili sa mga lupaing dating sakop ng Unyong Sobyet. Binubuo ng dalawang kataga ang naturang salita: ang "Koryo" na tumutukoy sa Korea mula 918 hanggang 1392 A.D., at ang "saram" na ang ibig sabihin ay "tao". May higit-kumulang 500,000 na etnikong Koreano ang mga naninirahan sa dating Unyong Sobyet, na ngayon ay mga malalayang estado sa Gitnang Asya. Mayroon ding mga malalaking komunidad ng mga Koreano sa katimugan ng Rusya (sa bandang kapalibutan ng Volgograd), sa Kawkaso, at sa timog ng Ukranya. Nagbibigay-bakas ang mga komunidad na iyon sa mga Koreanong naninirahan sa Malayong Silangang Ruso noong bandang ika-19 siglo.

Mayroong ding hiwalay na komunidad ng mga etnikong Koreano sa pulo ng Sakhalin, na kalimitang kanilang tinatawag ang mga sarili nila bilang Koreanong Sakhalin. Ang iba ay tinutukoy nila ang mga sarili nila bilang mga Koryo-saram, habang hindi naman ang iba. Di-katulad ng mga komunidad sa pangunahing lupain ng Rusya, na binubuo karamihan ng mga inmigrante mula bandang huli ng ika-19 siglo at maagang ika-20 siglo, nagmula ang mga ninuno nga mga Koreanong Sakhalin mula sa mga lalawigan ng Gyeongsang at Jeolla mula noong bandang 1930 hanggang 1940, na sapilitang pinagpalingkuran ang pamahalaang Hapones na mag-trabaho sa mga minahan ng uling sa Sakhalin (na kinilala bilang Prepektura ng Karafuto) upang mapunan ang kakulangan ng mga trabahador sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1]

Sariling-ngalan (autonym)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang "Koryo" sa "Koryo-saram" ay nagmula sa pangalang Dinastiya ng Goryeo (Koryŏ) kung saan hinango ang "Korea". Ginamit din ang "Koreanong Sobyet", noon pa bago ang pagbagsak ng Unyong Sobyet.[2] Naisasama rin ng mga Ruso ang mga Koryo-saram sa ilalim ng panlahatang bansag na koreytsy (Ruso: корейцы); ganoon pa man, hindi nagbibigay ng kaibahan ang kagamitang ito para sa lokal na nasyonalidad at sa mga taga Korea mismo (na maaaaring taga Hilaga o Timog Korea).

Sa pamantayang wikang Koreano, ang katawagang "Koryo-saram" ay kalimitang ginagamit bilang pantukoy sa mga pigurang pang-kasaysayan ng Dinastiya ng Goryeo; upang maiwasan ang kalituhan, ginagamit ng mga tagapagsalita ng Koreano ang salitang Goryeoin (Koreano: 고려인; Hanja: 高麗人, na may katulad na kahulugan sa "Koryo-saram") bilang pantukoy sa mga etnikong Koreano sa sa mga estadong dating bahagi ng Sobyet.[1] Ganoon pa man, ang Sino-Koreanong morpemang "-in" ay hindi produktibo sa Koryo-mar, ang wikaing ginagamit ng mga Koryo-saram, at dahil doon, tanging iilan lang (lalo na sa mga nakapag-aral ng pamantayang wikang Koreano) ang tumutukoy sa sarili nila sa katagang iyon; sa halip, Koryo-saram ang higit na piniling katawagan.[3]

Mga Pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inmigrasyon mula sa Malayong Silangan at Siberya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natanaw sa ika-19 siglo ang unti-unting pagbagsak ng Dinastiyang Joseon (Chosŏn) sa Korea. Pagmamay-ari ng munting pamayanan ng mga mayayamang maharlika ang mga taniman sa bansa, at lubhang nahirapan ang mga mahihirap na magsasaka na mabuhay. Sa panahong iyon, napilitang puma-Rusya ang mga Koreanong nililisan ang bansa, dahil nilagyan ng sanggalan ng Dinastiyang Qing ang prontera (boundary) nito sa Tsina.[4] Ganoon pa man, ang mga unang Koreano sa Imperyong Ruso, na may halos 761 mag-anak na may kabuuan ng halos 5,310 katao, ay nakapag-lipat naman sa teritoryo ng Qing; ang lupaing naisa-ayos nila ay isinuko sa Rusya sa pamamagitan ng Kombensyon ng Peking noong 1860.[5] Itinuring ng maraming magsasaka ang Siberya na isang lupaing kung saan higit na makakapamuhay sila nang matiwasay, kaya naman sa dakong huli ay nagsi-puntahan sila roon. Noong bandang 1863, naitala ang 13 Koreano malapit sa Look ng Novukorut. Kapansin-pansin din ang pagtaas ng iyon, at noong bandang 1869, binubuo ang populasyon ng 20% mga Koreano sa Primorsky Krai (lalawigang pandagat).[4] Bago matapos ang Daangbakal na Trans-Siberyano, hinigitan pa ng mga Koreano ang mga Ruso sa Malayong Silangang Ruso; hinikayat din sila ng mga lokal na gobernador na magpa-naturalisa.[6] Itinatag ang maliit na bayan ng Blagoslovennoe ng mga Koreanong inmigrante noong 1870.[7] Ayon sa Senso ng Imperyong Ruso noong 1897, nakita ang halos 26,005 tagapagsalita ng Koreano (16,225 kalalakihan at 9,780 kababaihan) sa buong Rusya.[8]

Sa kasibulan ng ika-20 siglo, nagkaroon ng alitan sa bansang Hapon ang parehong Rusya at Korea. Kasunod ng katapusan Digmaang Ruso-Hapones noong 1907, isinabatas ng Rusya batas labansa Koreano sa kautusan ng Hapon, kung saan kinumpiska ang mga lupain ng mga magsasakang Koreano at inalis sa trabaho ang mga Koreano.[9] Subalit, nagpatuloy pa ring lumago ang inmigrasyon ng mga Koreano sa Rusya; ipinakita sa pigura noong 1914 na mayroong mga 64,309 Koreano (halos 20,109 sa mga iyon ay mamamayan na ng Rusya). Kahit na noong Rebolusyong Boltsebike noong 1917 ay wala pa ring nagawa upang mapabagal ang migrasyon; sa katotohanan, pagkatapos ng pagsupil ng Kilusang Ika-1 ng Marso noong 1919 sa Korea (na nasa ilalim ng panahong iyon sa pamumuno ng Hapon) ay lalong nagpa-tindi sa migrasyon.[7] Nagbigay ng suporta para sa kilusang kasarinlan ang mga tagapamunong Koreano sa Sinhanchon (Hangul: 신한촌 Hanja: 新韓村, "Bagong Koreanong Nayon") sa Vladivostok, na siyang nagpatalaga bilang sentro ng mga aktibidad na pang-nasyonalismo, kabilang ang tustusing pang-armas; sinugod iyon ng mga Hapones noong ika-4 ng Abril 1920, na nag-iwan ng daan-daang mga nasawi.[10] Noong 1923, lumaki ang populasyon ng mga Koreano sa Unyong Sobyet sa halos 106,817 katao. Sa kasunod na taon, sinimulan ng mga Sobyet ang paggawa ng hakbang upang isa-kontrol ang pag-usad ng populasyon ng mga Koreano sa kanilang teritoryo; subalit, hindi sila naging matagumpay hanggang noong 1931; pagkatapos ng petsang iyon, itinigil nila ang lahat ng nanginignang-bayan na galing mula Korea at kinakailangan ang mga naninirahan na roon na magpa-naturalisa bilang mga mamamayang Sobyet.[7]

  1. 1.0 1.1 Ban, Byung-yool (2004-09-22), "Koreans in Russia: Historical Perspective", Korea Times, inarkibo mula sa orihinal noong 2005-03-18, nakuha noong 2006-11-20{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pohl 1999, p. 18
  3. King, Ross; Kim, German, Introduction, East Rock Institute, inarkibo mula sa orihinal (Microsoft Word) noong 2003-10-30, nakuha noong 2006-11-20{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Lee 2000, p. 7
  5. Pohl 1999, p. 9
  6. Lee 2000, p. 8
  7. 7.0 7.1 7.2 Pohl 1999, p. 10
  8. Russian Census 1897
  9. Lee 2000, p. 14
  10. Lee 2000, p. 15

Mga pinagkuhanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Datos ng Senso

[baguhin | baguhin ang wikitext]