Pumunta sa nilalaman

Siberya

Mga koordinado: 60°0′N 105°0′E / 60.000°N 105.000°E / 60.000; 105.000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Siberya

Сибирь
Rehyong pangheograpiya
Mga koordinado: 60°0′N 105°0′E / 60.000°N 105.000°E / 60.000; 105.000
LupalopAsya
BansaRusya
Mga bahagi
  • Kanlurang Siberya/Distritong Pederal ng Ural Federal
  • Gitnang Siberya
  • Silangang Siberya
Lawak
 • Kabuuan13,100,000 km2 (5,100,000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2023)
 • Kabuuan36.8 milyon[1]
 • Kapal2.8/km2 (7/milya kuwadrado)
DemonymMga Siberiyano
Kabuuang Produktong Pangrehiyon
(2021)[2]
 • Kabuuan35.360 trilyon
(US$480 bilyon)
 • Bawat kapita₽953,871
(US$12951)

Ang Siberya o Siberia (Ruso: Сибирь, romanisado: Sibir', Pagbigkas sa Ruso: sʲɪˈbʲirʲ) ay isang malawak na rehiyon pangheograpiya na binubuo ng lahat ng Hilagang Asya, mula sa Bulubundukin ng Ural sa kanluran hanggang sa Karagatang Pasipiko sa silangan.[3] Nabuo ito bilang bahagi ng teritoryong soberanya ng Rusya at iba't ibang naunang estado bago ang dantaong habang pananakop ng Siberya, na nagmula sa pagbagsak ng Kanato ng Sibir noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon at natapos sa pagsasanib sa Chukotka noong 1778. Malawak at kalat-kalat ang populasyon ng Siberya, na sumasakop sa higit sa 13.1×10^6 km2 (5,100,000 mi kuw), subalit tahanan ito ng isang-kalima ng populasyon ng Rusya. Ang Novosibirsk at Omsk ay ang mga pinakamalalaking lungsod sa lugar.[4]

Dahil ang Siberya ay isang konseptong heograpiko at hindi isang entidad pampolitka, walang tumpak na nag-iisang kahulugan ang mga hangganang pangteritoryo nito. Sa tradisyon, bumabagtas ang Siberya sa buong lawak ng lupain mula sa Bulubunduking Ural hanggang sa Karagatang Pasipiko, kasama ng Ilog Ural na kadalasang binubuo ang pinakatimog-kanlurang bahagi ng kanlurang hangganan nito, at kinabibilangan ng karamihan ng palangganang paagusan ng Karagatang Artiko. Dinadagdagan pa ang kahulugan nito bilang ang kahabaan mula sa mga teritoryo sa loob ng Bilog ng Artiko sa hilaga tungo sa hilagang mga hangganan ng Kazakhstan, Mongolia, at Tsina sa timog, bagaman karaniwang sinasama din ang mga burol sa hilagang-gitnang Kazakhstan.[3][5] Hinahati ng pamahalaang Ruso ang rehiyon sa tatlong distritong pederal (mga pagpapangkat ng mga nasasakupang pederal na Ruso), na ang tangi ang sentral lamang ang opisyal na tinatawag na "Siberiyano"; ang dalawang iba pa ay ang mga pederal na distrito ng Ural at Malayong Silangan, na ipinangalan sa mga rehiyon ng Ural at Malayong Silangang Ruso na tumutugma ayon sa pagkakabanggit sa kanluran at silangang katlo ng Siberya sa isang mas malawak na kahulugan.

Kilala ang Siberya sa mahaba at malupit na tagniyebe, na mayroon ang Enero ng katamtamang temperatura na −25 °C (−13 °F).[6] Bagaman nasa Asya ito sa heograpiya, ginawa ang rehiyon ng soberanya at kolonisasyong Ruso simula noong ika-16 na dantaon na Europeo ang kalinangan at etnisidad..[7] Higit sa 85% ng populasyon nito ang may lahing Europeo,[8][9] na pangunahing mga Ruso (na binubuo ng mga Siberiyano na pangkat sub-etniko), at Silangang Eslabiko ang mga impluwensiyang pangkalinangan na nangingibabaw sa buong rehiyon.[7] Sa kabila nito, mayroong kalakihan ng mga minoryang pangkat-etniko, kabilang ang iba't ibang pamayanang Turko—na karamihan sa kanila, tulad ng mga Yakut, Tuvan, Altai, at Khakas, ay katutubo—kasama ang mga Mongolikong Buryat, etnikong Koreano, at maliliit na pangkat ng Samoyediko at Tungusiko (na ilan sa mga ito ay inuuri bilang katutubong may maliit na bilang ng pamahalaang Ruso), bukod sa iba pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Предварительная оценка численности постоянного населения на 1 января 2023 г." (sa wikang Ingles). Federal State Statistics Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2023. Nakuha noong 21 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Валовой региональный продукт по субъектам Российской Федерации в 2016-2021гг" (sa wikang Ruso).
  3. 3.0 3.1 "Siberia". Encyclopædia Britannica Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Largest Cities in Siberia". Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Сибирь — Большая советская энциклопедия (The Great Soviet Encyclopedia, sa Ruso)
  6. "Arctic Oscillation and Polar Vortex Analysis and Forecasts" (sa wikang Ingles). Atmospheric and Environmental Research, Verisk Analytics. Nakuha noong 20 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Haywood, A. J. (2010). Siberia: A Cultural History (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780199754182.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "ВПН-2010". Perepis-2010.ru (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-18. Nakuha noong 2016-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "ВПН-2010". Gks.ru (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Marso 2013. Nakuha noong 2016-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)