Pumunta sa nilalaman

Kultura ng Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kulturang Asyano)

Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba't ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon, na nakaugaliang tinatawag bilang isang kontinente magmula sa ka pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang Gitnang Asya, Silangang Asya, Timog Asya (ang "subkontinente ng India"), Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Sa heograpiya, ang Asya ay hindi isang namumukod tanging kontinente; sa kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang kasaysayan para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya.

Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan ng Hinduismo, Taoismo, Confucianismo, Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng mga ito ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na mga bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga kulturang nakaugalian at ang mundo ng Kanluran.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

KulturaAsya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.