Labanan sa Stalingrad
Labanan sa Stalingrad | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Silangang Teatro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig | |||||||
| |||||||
Magkatunggali | |||||||
![]() |
![]() | ||||||
Pinuno | |||||||
![]()
|
![]()
| ||||||
Bilang at Lakas | |||||||
Inisyal: 300,000 sundalo, 250 tangke, 2,000 mga kanyon at mortar, at 400 eroplano Sa kasagsagan ng kontra-opensiba nga mga Sobyet: |
Inisyal: 270,000 sundalo, 400 tangke, 3,000 mga kanyon at mortar, at 500 eroplano Sa kasagsagan ng kontra-opensiba ng mga Sobyet: | ||||||
Nasawi at Nasugatan | |||||||
1,130,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala 4,000 tangkeng nawasak 15,000 kanyon at mga mortar na nawasak 2,700 eroplanong nawasak |
mahigit ~1,000,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala 100,000 nabihag 2,000 tangkeng nawasak 6,000 kanyon at mga mortar na nawasak 1,000 eroplanong nawasak Pagkawasak ng buong Ika-6 Hukbo ng Alemanya |
Nangyari and Labanan sa Stalingrad noong ika-23 ng Agusto hanggang ika-2 ng Pebrero, 1943, sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nagsagupaan ang mga hukbo ng Alemanya at mga kaalyado laban sa mga hukbo ng mga Sobyet para sa kontrol ng Lungsod ng Stalingrad (Volgograd sa kasulukuyan) sa timog-silangang Rusya. Tumagal ang labanan sa 5 buwan, isang linggo at 3 araw.
Kilala ang labanan sa hindi kailanmang matutumbansang bangis ng labanan sa loob ng lungsod, walang humpay na pandadanak ng dugo sa bawat isa, at ang pagwawalang-bahala sa mga biktima sa labanan, mapa-militar man o mapa-sibilyan. Isa ang labanan sa mga pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng daigdig. Napakalaki ang pinaghalong bilang ng mga biktima sa labanan na aabot ng hindi bababa sa dalawang milyon ang namatay, nasugatan at nagkasakit. Naging balakid ang labanan para sa mga Aleman kung saan ito na ang pangwakas na katapusan ng kanilang mga tagumpay sanhi ng dami ng nawalang tauhan at mga kagamitang pandigma para isagawa pa ang pakikidigma sa mga lupain ng Unyong Sobyet, bagkus nawalan ng pagkakaisa para muling magtagumpay sa mga labanan sa Silangang Teatro ng pakikipaglaban sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.