Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang Halsema

Mga koordinado: 16°34′30″N 120°44′11″E / 16.5750°N 120.7363°E / 16.5750; 120.7363
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lansangang-bayang Halsema
Daang Benguet–Lalawigang Bulubundukin
Daang Baguio–Bontoc
Cordillera Mountain Trail
Lansangang-bayang Halsema, sa pinakamataas nitong antas sa Atok, Benguet.
Impormasyon sa ruta
Haba150.0 km (93.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaDaang Nueva Vizcaya–Ifugao–Mountain Province sa Bontoc
Dulo sa timogAbenida Magsaysay at Daang Bell Church sa La Trinidad
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBaguio
Mga bayanAtok, Bakun, Bauko, Bokod, Bontoc, Buguias, Kabayan, La Trinidad, Mankayan, Sabangan, Sagada, Tublay
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Lansangang Bayan ng Halsema (Ingles: Halsema Highway; kilala rin bilang Daang Benguet-Lalawigang Bulubundukin, Daang Baguio-Bontoc o Mountain Trail[1]) ay isang pangunahing lansangang bayan sa Hilagang Luzon na umaabot mula hangganan ng lungsod ng Baguio[2] hanggang sa munisipalidad ng Bontoc, Lalawigang Bulubundukin.[3] Sa pinakamataas na antas nito na halos 7,400 talampakan (halos 2,256 m) sa Atok,[4] iyon ang lansangang-bayang may pinakamataas na altitud sa Pilipinas.[5] [6]

Sinasakop ng lansangang bayan na may haba ng halos 150 kilometro[5] ang 95 kilometro (59 milya)[7] ng lalawigan ng Benguet at tumatawid sa mga walong munisipalidad nito (La Trinidad, Tublay, Atok, Bokod, Kabayan, Buguias, Bakun, at Mankayan). Nasasakupan din nito ang apat na bayan ng Lalawigang Bulubundukin (Bauko, Sabangan, Bontoc, at Sagada).[8] Pumapahati ito sa dalawa sa bandang munting bayan ng Dantay sa Bontoc, kung saan ang isang kahati nito ay papunta naman sa gitnang bayan (downtown) ng Bontoc.[4] At ang isa pa ay papunta sa bayan ng Sagada, na mayroong haba ng 29 km na higit na malayo mula sa pinagsangahan niyon.[6]

Kasaysayan

Ipinangalan ang lansangang bayan mula sa inhinyerong Amerikano na si Eusebius Julius Halsema[1][9], na naglingkod na alkalde ng Baguio mula 1920 hanggang 1937. Sa ilalim ng termino ni Halsema, nagsimula ang konstruksyon niyon noong 1922 at natapos noong 1930 sa tulong ng mga katutubo roon, at nagsilbing daanang panglakaran (foot trail)[6] lamang.

Peligro

Lubhang mapanganib ang ilan sa mga bahagi ng lansangan, lalo na tuwing tag-ulan, kung saan karaniwan ang pagguho ng lupa at nagiging madulas ang mga inaspaltong bahagi.[5][9] Noong Marso 2013, itinala ng List25 ang lansangang-bayang ito bilang ika-9 sa 25 Pinaka-mapapanganib na mga Daanan sa Mundo.[5] [10]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Halsema, James. "History and Biography of Euseibus Julius Halsema". Halsema.org. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aure Galacgac, Aure (6 Pebrero 2014). "Halsema Highway to be made 'tourist friendly'". Sun.Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sy, Marvin (9 Hunyo 2010). "NEDA: Vegetable prices to rise during rainy season". The Philippine Star. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Caluza, Desiree (26 Mayo 2014). "Mountain Trail leads to culture, nature hubs". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Halsema Highway". Dangerous Roads. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "Halsema Highway". Ethnic Groups of the Philippines. 29 Agosto 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Province of Benguet". Department of Interior and Local Government (Philippines) - Cordillera Administrative Region. DILG-CAR. 7 Marso 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Halsema Hway". Mapcentral. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Nobyembre 2020. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Glover, Morgan (27 Hulyo 2014). "Halsema Highway: Most Dangerous Driving Roads". Elephant Car Hire. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "25 Most Dangerous Roads in the World". List25. 11 March 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobiyembre 2017. Nakuha noong 29 September 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

16°34′30″N 120°44′11″E / 16.5750°N 120.7363°E / 16.5750; 120.7363