Pumunta sa nilalaman

Plano (heometriya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lapya (heometriya))

Sa heometriya, ang plano ay isang patag, dalawang-dimensyong kalatagan na humahaba ng walang hanggang layo. Ang isang plano ay ang dalawang-dimensyong analogo ng isang punto (serong dimensyon), isang linya (isang dimensyo) at tatlong-dimensyong espasyo. Maaraing manggaling ang mga plano bilang sub-espasyo ng ilang mas mataas na dimensyong espasyo, tulad ng isa sa mga pader ng isang silid, na pinahaba ng walang hanggang, o maaring natatamasa nila ang isang malayang pag-iral sa kanilang sariling karapatan, tulad ng tagpo sa heometriyang Euclidiyano.

Kapag gumagawa ng ekslusibo sa dalawang-dimensyon na espasyong Euclidiyano, ginagamit ang tiyak na artikulo, kaya tumutukoy ang plano sa buong espasyo. Ginagampanan ang maraming pundamental na gawain sa matematika, heometriya, trigonometriya, teoriya ng grap at paggragrap ang dalawang-dimensyong espasyo, o, sa ibang mga salita, sa plano.

Heometriyang Euclidiyano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagbigay-alam ni Euclid ang unang mahusay na palatandaan ng kaisipang pangmatematika, isang aksyomatikong pakikitungo sa heometriya.[1] Pinili niya ang isang maliit na buod ng mga walang depinisyong katawagan (tinatawag na karaniwang nosyon) at sinaligan (o inaksyom) na ginamit niya pagkatapos upang patunayan ang iba't ibang pangungusap na pangheometriya. Bagaman, ang plano sa kaniyang makabagong kaisipan ay hindi direktang nabigyan ng kahulugan sa aklat na Elements, inisip na maaring bahagi ito ng karaniwang nosyon o pagkaunawa..[2] Hindi kailanman na gumamit si Euclid ng bilang upang sukatin ang haba, anggulo, o lawak. Sa ganitong paraan, hindi ganap na magkatula ang planong Euclidiyanod at planong Kartesiyano.

Tatlong magkahilerang plano.

Ang isang plano ay isang pinanutong kalatagan o ruled surface.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Eves 1963, pg. 19
  2. Joyce, D.E. (1996), Euclid's Elements, Book I, Definition 7 (sa wikang Ingles), Clark University, nakuha noong 8 Agosto 2009{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Heometriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.