Latian ng Candaba
Ang Latian ng Candaba o Lusak ng Candaba (Candaba Swamp sa Ingles) ay matatagpuan sa bayan ng Candaba, Pampanga, 60 kilometro sa hilagang-silangan ng Maynila sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Sinasaklaw nito ang 32,000 ektarya ng mga maliit na lawang tubig-tabang, mga latian at mga lusak (swamps/marshes) na pinaliligiran ng mga damuhang bumabaha nang pana-panahon. Ang buong lugar ay nagiging lubog sa tubig tuwing tag-ulan. Natutuyo ito tuwing mga buwan ng Nobyembre hanggang Abril, at ginagawang lupang-sakahan ng mga nakatira roon ang latian. Karaniwang itinatanim diyan ang pakwan at palay na bumubuo sa behetasyon ng kapatagang-bahaan, kasama na ang mga maliliit na tumpok ng sasa (Nypa fruticans) at ilang espesye ng bakawan.
Nagsisilbi ring likas na lunas ng pagpapanatili (retention basin) ang Latian ng Candaba tuwing tag-ulan. Hinahawak nito ang pag-apaw mula sa limang mga maliit na ilog (Maasim, San Miguel, Garlang, Bulu at Peñaranda), at pagkatapos ay dadaloy sa mas-malaking Ilog Pampanga.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dagumbay, Marna (18 Jun 2005). “Candaba swamp in Pampanga a bird-flu hotspot.” Sun Star Network Online. Accessed on Dec 2012.
- Municipality of Candaba (2007). “Candaba Swamp.” Candaba Official Site. Accessed on Dec 2012.
- Orejas, Tonette (17 Jan 2005). “Asian migratory birds back at Candaba Swamp.” INQ7.net. Accessed on Dec 2012.
- Orejas, Tonette (16 Jan 2006). “Rare Birds Sighted at Candaba Swamp.” BirdWatch.ph. Accessed on 27 Dec 2012.
- Wikipilipinas(2012). "Candaba Swamp." Accessed on 27 Dec 2012.
Coordinates needed: you can help!