Pumunta sa nilalaman

Kilusang Propaganda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Layunin ng Kilusang Propaganda)
Mga kasapi sa Kilusang Propaganda. Mula kaliwa hanggang kanan: Rizal, del Pilar, Ponce.

Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pag garote sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza) noong Pebrero 17,1872 dahil sa pagbintang sa kanila na nanguna sila sa pag- aalsa nila .

 Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong nang matiwasay, pagpapalathala, at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomalya sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa pamahalaang Kastila ng mga reporma sa mapayapang pamamaraan.

Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin.[1] Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--Juan at Antonio--ang ilan sa mga kasapi dito.

Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na unang inilathala sa Barcelona, Espanya noong Pebrero 15, 1889. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan.

Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil kinulangan sila ng pondo (hindi na nag bigay ng pera ang ibang miyembro), hindi sila pinakinggan ng mga prayle, hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang tugunan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Rizal and the Propaganda Movement". Nakuha noong Disyembre 19, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.