Pumunta sa nilalaman

Lutuing Heorhiyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Heorhiyanong siyomay, katutubong tinatawag na khinkali

Ang lutuing Heorhiyano ay katangi-tangi sa paggamit nito ng mga malalakas na panimpla[1] kasabay ng mga sangkap na mahahanap sa lupaing kinasasakupan ng Heorhiya. Naimpluwensiyahan din ang lutuing Heorhiyano ng mga iba't ibang tradisyong panluto ng Gitnang Silangan at Europa.

Kilala ang lutuing Heorhiyano sa malawakang paggamit nito ng mga nogales,[2] at nagtataglay ang lutuing ito ng iilang dosenang uri ng mga sarsa ng nogales.[3]

Iba't ibang uri ng karne ang kinakain sa Heorhiya, mula sa baka hanggang sa baboy.[4] Gayumpaman, bago dumating ang makabagong agrikultura noong ika-20 dantaon, itinuring na luho ang karne at bihira lang kinain sa pang-araw-araw[4] Dahil dito, maraming pamamaraan ang naisip upang mapreserba ang kakakatay lang na hayop.[4] Sa labas ng pagkain nang hilaw sa karne, inasinan, pinatuyo, at tinapa ito ng mga Heorhiyano.[4] Sa kabundukan, pinalamig ng mga pastol ang karne sa pamamagitan ng paglagay nito sa ilalim ng tumatakbong tubig ng mga malalamig na ilog-bundok.[4] Isang sinaunang pamamaraan ng pagpreserba ng karne, na isinasagawa pa rin sa ilang mga rehyon, ang pagbalot nito sa balat ng kapong baka, bago pakuluin sa isang malaking kawa at ibaon nang malalim sa lupa.[4] Maitatago ang karneng ito, tinatawag na gudis kaurma, nang isang taon.[4]

Karaniwang mas ginugusto ng mga Heorhiyano ang isda sa ilog dulot ng pagkakaroon ng mararaming ilog sa kanilang bansa.[5] Trutsa at salmon ang paborito sa mga ito.[5] Kinakain din ang mga isda sa lawa at, dahil mga saradong katawan ng tubig ang mga ito, katutubo at katangi-tangi ang mga isang mahahanap dito.[5] Mula sa Dagat Itim higit na kinagugustuhan ang tatampal,[5] at mula sa Kaspiyo, ang Acipenseridae.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-24. Nakuha noong 2009-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marks, Gil. 2004. Olive Trees and Honey: A Treasury of Vegetarian Recipes from Jewish Communities around the World. Wiley: Hoboken.
  3. Bazha recipe
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-12. Nakuha noong 2009-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-12. Nakuha noong 2009-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.