Pumunta sa nilalaman

Masaker sa Maguindanao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Maguindanao massacre)
Pamamaslang sa Maguindanao (Masaker sa Maguindanao)
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan nangyari ang pamamaslang, makikita ang Maguindanao sa kulay na luntian.
LokasyonAmpatuan, Maguindanao, Mindanao, Pilipinas
Petsa23 Nobyembre 2009
alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon (PST, UTC+8)
TargetPamilya Mangudadatu at ang kanilang mga tagasuporta
Uri ng paglusobMasaker o maramihang pamamaslang
SandataMga matataas na kalibre ng baril at isang backhoe
Namatay58 (kumpirmado)
Nasugatan4 (nakaligtas)
Salarin
  • Zaldy Ampatuan[1]
  • Andal "Unsay" Ampatuan Jr.[1]
Kalahok~200[2]

Ang Pamamaslang sa Maguindanao, na kilala rin sa tawag na Masaker sa Maguindanao o Pamamaslang sa Ampatuan (hango sa pangalan ng bayan kung saan natagpuan ang mga bangkay), ay isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao sa pulo ng Mindanao ng Pilipinas noong 23 Nobyembre 2009. Ang insidenteng ito ay isa sa mga pinakamalubhang kaharasang pampolitika. May tuwirang kaugnayan ang insidenteng ito sa halalan sa taong 2010.

Humugit-kumulang 64 na ang mga biktima ng insidente habang 4 ang nakaligtas. Dahil marami sa mga biktima ay mga mamahayag, kinilala ang insidente bilang "pinakamalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag". Matapos ang pangyayari, "ang Pilipinas na ang pinakadelikadong lugar para sa mga mamahayag, daig pa ang Irak".

Pawang mga politiko at mga tagasuporta ng Pamilya Mangundadatu ang mga biktima na ninais kalabanin ang Pamilya Ampatuan na kasalukuyang naghahari sa lalawigan. Kabilang sa mga biktima ang asawa ni bise-alkalde ng Buluan na si Ismael Mangudadatu, Genalyn Tiamzon-Mangudadatu, ang isa pang bise-alkalde ng parehong bayan na si Eden Mangundadatu na isa ring kamag-anak, at 34 mamamahayag. Karamihan sa mga napaslang ay mga kababaihan.[3]

Inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ilagay sa ilalim ng batas militar ng buong lalawigan. Inalaan na rin ang araw ng 26 Nobyembre bilang isang "Pambansang Araw ng Pagluluksa" para na rin sa ikapapayapa ng mga namatay. Nagkaroon na rin ng imbestigasyon ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ukol sa pangyayari.[4]

Hinihinalang ang pamilya Ampatuan, kabilang na ang Gobernador ng Maguindanao, Andal Ampatuan, Sr., at ang kanyang mga anak na sina, Zaldy Ampatuan, Gobernador ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao (ARMM), at Andal Ampatuan, Jr., ang alkalde ng Datu Unsay, bilang mga utak sa pagpatay. Kabilang naman ang mga pribadong milisya at CAFGU sa mga pinagsususpetsahang may kinalaman sa pamamaslang.[5]

Dahil sa kalubhaan ng mga pangyayari, iba't ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa ang nagkondena sa insidente. Kabilang dito ang Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa na si Ban Ki-moon, ang Unyong Europeo, mga bansang Australya, Britanya, Hapon, Indonesya, at Estados Unidos, Reporters Without Borders, Amnesty International, Human Rights Watch, ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR), ang Bishops-Ulama Conference in Mindanao, at ng iba't ibang asosasyon ng mga mamamahayag at mga politiko sa Pilipinas.

Hinuli si Andal Ampatuan, Jr. matapos ang ilang araw na imbestigasyon. Isinumite naman si Ismael Mangudadatu ang kanyang pagkakandidato bilang gobernador noong 27 Nobyembre 2009.

Paunang kaalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang bayan ng Ampatuan, Maguindanao kung saan naganap ang malagim na pamamaslang.
Ang bayan ng Buluan, Maguindanao na pinamumunuan ni Ismael Mangudadatu.
Ang bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kung saan sanang maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ang grupong napatay.

Hawak ng pamilya Ampatuan ang Maguindanao simula sa taong 2001. Itinuturing na kaalyado ng Lakas-Kampi-CMD at ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamilya ni Andal Ampatuan, Sr. sa mga lalawigan ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao (ARMM), gaya ng gobernador ng ARMM na si Zaldy Ampatuan. Dahil sa lakas ng kanilang impluwensiya sa lugar, halos di sila matalo sa mga halalan nito. Noong pampanguluhang halalan noong 2004, nanalo si Arroyo ng 69% ng mga boto ng Maguindanao habang noong pangkahalatang halalan sa 2007, ang koalisyon ng pangulo ay nanalo ng 12–0 para sa mga halalan para sa mga senador.[6][7]

Hinihinalang may kaugnayan ang pangyayari sa nakaambang halalan sa 10 Mayo 2010. Ang grupo ng mga biktima ay mga politiko na kabilang sa Pamilya Mangundadatu na nakatakda sanang magpasa ng mga mga papeles sa pagkandidato. Sinamahan sila ng kanilang mga tagasuporta, mga abogado, at mga mamamahayag. Nais sana nilang kalabanin sa posisyon ang kasalukuyang gobernador ng Maguindanao na si Zaldy Ampatuan.[8]

Habang patungo ang grupo ng mga Mangudadatu noong 23 Nobyembre 2009 sa kanilang destinasyon ay hinarang sila ng isang armadong grupo. Kinalaunan ay di na sila nakitang muli hanggang sa nahukay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang 21 na katawan, kasama na ang asawa ng Bise-alkalde Ismael Mangundadatu, mga kababaihan, at mga mamamahayag. Hinihinalang isang armadong grupo na konektado sa Pamilya Ampatuan ang may kinalaman sa insidente.[9]

Ayon sa Pamilya Mangundadatu, inakala ng grupo na ligtas na sila dahil may isang kasulatan sa Koran na "bawal saktan ang kababaihan". Alam din nilang may kasama silang mga mamamahayag kaya't maaaring di sila saktan. Tumungo ang asawa ni Bise-alkalde Ismael Mangudadatu, kasama ang grupo, ng umaga ng araw ng ika-23 ng Nobyembre para magparehistro para sa kanyang asawa sa pagka-gobernador. Nang ika-9 ng umaga, nakakuha si Bise-alkalde Mangudadatu ng isang mensaheng teksto mula sa kanyang asawa na may mga 100 armadong lalaking humarang sa kanila. Hindi na muling nalaman ang kinaroonan ng grupo. Kinalaunan ay nakahukay ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ng 21 na bangkay sa isang liblib na lugar sa lalawigan. Agad kinondena ng pamahalaan ang pangyayari.[10]

Kinilala ang mga biktima bilang mga kamag-anak, mga tagasuporta, at mga abogado ng Pamilya Mangudadatu. Kabilang sa mga ito ang asawa ni Ismael Mangudadatu, na si Genalyn Tiamzon-Mangudadatu, pati rin ang 34 mamahayag. Higit-kumulang 64 ang kabuuang bilang ng lahat ng biktima di kasama na ang di pa natatagpuang mga labi. 4 na katao ang nakaligtas sa pagpaslang na kaslukuyang nagtatago sa pangambang sila'y mamamatay.[11][12][13][14] May aabot sa 15 kataong di kasama sa konboy na nasawi na sakay ng isang pulang Toyota Vios at isang asul na Tamaraw FX. Kinilala silang mga kawani sa Lungsod ng Tacurong. Himala namang nakaligtas ang 3 mamamahayag na dapat sanay kasama sa konboy.[15] Noong, 26 Nobyembre 2009, napabalitang isang kawani ng UNICEF ang napatay dahil sa insidente.[16] Sa araw ng ika-28 ng Nobyembre, hinihinalang naglalaro sa mga bilang 57 hanggang 64 na katao ang namatay sa pangyayari.[17][18]

Mga Mangudadatu

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan Paglalarawan
Genalyn Tiamzon-Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, asawa ni Bise-alkalde ng Buluan Ismael Mangudadatu
Eden Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kapatid, Bise-alkalde ng Buluan,
Farida Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kapatid, buntis
Farina Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Manguba Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Rowena Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Farida Sabdula Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Concepcion “Connie” Brizuela Abogado ng Pamilya Mangudadatu
Cynthia Oquendo Abogado ng Pamilya Mangudadatu
Rasul Daud Drayber ng Pamilya Mangudadatu
Mr. Oquendo Ama ni Cynthia Oquendo

Mga mamamahayag

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan Paglalarawan
Bart Maravilla Bombo Radyo Koronadal, mang-uulat
Andy Teodoro Central Mindanao Inquirer & Mindanao Examiner, manunulat
Henry Araneta DZRH, mang-uulat
Nap Salaysay DZRO, manedyer
Ian Subang Didiangas Times
Leah Dalmacio Forum, manunulat
Joy Duhay Goldstar Daily, manunulat
Alejandro "Bong" Reblando Manila Bulletin, manunulat
Maritess Cablitas Mindanao Focus (isang lingguhang pahayagan sa General Santos City) & Today, manunulat
Gina dela Cruz Mindanao Focus & Today, manunulat
Rey Merisco MindaNews, manunulat
Neneng Montaño Saksi (lingguhang pahayagan) & Today, manunulat
Bienvenido "Jun" Lagarte Sierra News, manunulat
Macario "Macmac" Arriola UNTV, kameraman
Jimmy Cabillo UNTV, mang-uulat
Victor Nuñez UNTV, mang-uulat
Daniel Tiamson UNTV, tsuper
Val Cachuela Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Humberto Mumay Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Ronnie Perante Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Art Belia Malayang mamamahayag
John Caniba Malayang mamamahayag
Noel Decena Malayang mamamahayag
Joel Parcon Malayang mamamahayag
Ranie Razon Malayang mamamahayag

Iba pang nasawi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan Paglalarawan
Eduardo Lechonsito Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Mercy Palabrica Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Daryll delos Reyes Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Cecille Lechonsito Asawa ni Eduardo Lechonsito
Wilhelm Palabrica Drayber

Mga sumunod na pangyayari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa insidente idineklara ang isang "State of Emergency" o Katayuan ng Kagipitan sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, at Lungsod ng Cotabato. Nagsagawa ng isang imbestigasyon ang PNP para matugis na ang mga salarin. Ipinagbawal na rin ang paggamit ng mga armas sa mga lugar na kalapit doon. Inatasan na rin ng pamahalaan ang Comelec na ilipat sa ibang lugar ang pagpasa ng pagkandidato.[19]

Sa mga paunang imbestigasyon, hinihinalang may kaugnayan sa halalan sa taong 2010 ang insidente. Sinasabing may kinalaman ang nagaganap na away-pamilya sa lalawigan. Ang Pamilya Ampatuan, na kasalukuyang namumuno sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao ang itinuturong mga utak sa mga pagpaslang. Wala silang binigay na sagot tungkol sa mga alegasyon.[20] Sa araw ng 25 Nobyembre 2009, tinanggalan ng pagka-miyembro mula sa Partido Lakas-Kampi-CMD ang lahat ng miyembro ng Pamilya Ampatuan, kabilang na si Andal Ampatuan, Sr., Andal Ampatuan, Jr., at si Zaldy Ampatuan.[21] Samantala, napagdesisyunan ng Senado ng Pilipinas na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa Pamilya Ampatuan.[22] Binuwag naman ang samahang CAFGU dahil sa hinalang may kaugnayan sila sa natapos na karahasan habang nagtatag naman ng isang espesyal na tribunal ang pamahalaan para masusing maimbestigahan ang insidente.[23] Nagpalabas naman ng isang paalala na mag-ingat ang kanilang mga mamamayan sa pagpunta sa Mindanao at Kapuluan ng Sulu.[24]

Dahil sa kalubhaan ng pangyayari, idineklara ang araw ng ika-26 ng Nobyembre bilang "Pambansang Araw ng Pagluluksa". Maraming mga mamamahayag ang nagbigay ng kanilang pakikiramay sa mga biktima sa pamamagitan ng pagtirik ng mga kandila at pagmartsa para sa hustisya.[25] Nakiramay rin ang din ang mga malalaking estasyon na GMA Network at ABS-CBN.[26][27]

Noong ika-26 ng Nobyembre hinuli at kinasuhan ng mga kasong pagdakip, pagpaslang, at pagnanakaw si Andal Ampatuan, Jr. dahil sa naganap na insidente. Mariin niyang itinanggi ang mga paratang laban sa kanya at ipinasa ang mga akusasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Maliban sa kanya may halos 20 pang katao ang kinasuhan kabilang na ang ilang opisyal ng pulisya at militar.[28] Itinanggi naman MILF na may kinalaman sila sa insidente at sinang-ayunan ito ng pamahalaan ng Pilipinas. Sinabi naman ng Pamilya Mangudadatu na imposibleng maging kabilang ang bandidong grupo sa pamamaslang.[29]

Matapos ang apat na araw mula sa insidente, naghain ng kanyang pagkakandidato si Ismael Mangudadatu. Sinabi niyang para ito sa namayapa niyang asawa at nangangako siyang ibabalik niya ang "kalayaan at katarungan" sa lalawigan. Nagpahayag naman ang iba't ibang mga pulitko na nararapat imbestigahan ng Mga Bansang Nagkakaisa ang insidente.[30][31] Tinaas na ang seguridad sa Maynila dahil sa insidente, lalo na't ninanais ng marami na doon na ganapin ang paglilitis tungkol sa kaso.[32] Sa araw naman ng Eid Al-Adha, binatikos ng mga kapwa Muslim ang pangyayari.

Matapos ang ilang araw na imbestigasyon, nakasuhan si Andal Ampatuan, Jr. ng patung-patong na kaso ng pamamaslang, pagnanakaw, at iba't iba pang mga krimen. Ipinagbawalan naman sa pag-alis ng bansa ang kanyang kamag-anak habang hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kaso.[33] Sa unang araw ng buwan ng Disyembre, sinimulan nang kasuhan at hulihin ang iba pang miyembro ng Pamilya Ampatuan.[34] Noong ika-5 ng Disyembre, ipinatingin sa isang duktor sa Lungsod ng Davao si Andal Ampatuan, Sr. para matiyak ang kundisyon ng kanyang kalusugan.[35]

Sinimulang idismantelya ng pamahalaan ang mga armadong grupo sa lalawigan matapos maganap ang pangyayari habang ang lahat ng tauhan ng pulisya sa lalawigan ay sinibak at pinalitan ng panibagong mga tauhan.[36] Nakakuha naman iba't ibang klase ng kalibre ng armas (na aabot sa daan-daan) ang mga autoridad na nag-iimbestiga sa mga tahanan ng mga Ampatuan. Noong ika-5 ng Disyembre, idineklara ang Batas Militar sa buong lalawigan na binatikos naman ng iba't ibang sektor ng lipunan.[37][38] Dahil sa mga pagdedeklara ng Batas Militar, hinikayat ng Commision on Human Rights na respetuhin ng lahat ng sangkot sa imbestigasyon na respetuhin ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan ng Maguindanao.[39] Nagkaroong naman ng pagdududa kung may naganap ngang panggagahasa sa insidente.[40]

Matapos isailalim sa Batas Militar ang lalawigan ng Maguindanao mailban sa mga lugar na saklaw at sakop ng MILF, kinontra ito ng ilang mga politiko dahil sa mahina daw ang mga dahilan para dito.[41] Nagpalabas naman ang pamahalaan ng mga alituntunin na nararapat sundin ng militar at pulisya sa kalagayang ito.[42]

Mga reaksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kaagad nagbigay ng reaksiyon ang Malacañang tungkol sa insidente. Ayon sa kanila, nagulat at nabigla ang Palasyo dahil dito. Inatasan ni Pangulong Arroyo na ilagay sa "State of Emergency" ang buong lalawigan. Bantay-sarado ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sakaling may mahanap pang mga bagong bangkay. Nagbigay naman ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines na ikinalulungkot nila ang mga pangyayari at kinokondena nila ang insidente. Inaasahan nilang malulutas ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nangyaring ito. Ipinaalala din nilang isa itong malaking pagsubok sa demokrasya ng bansa at sana'y mabigyan pa ng mas mahusay na proteksiyon ang lahat ng mamamayan sa bansa, lalo na ang mga mamamahayag.[43]

Kinondena din ng Reporters Without Borders ang mga pamamaslang at sinabing isang "malagim na araw ito para sa mga mamamahayag". Nakisimpatiya din sila sa lahat ng mga mamamahayag sa buong Pilipinas lalo na't may patunay nang mapanganib ang kanilang larangang pinili.[44] Naglabas din ng pahayag ang Amnesty International na kinokondena nila ang pangyayari at hinikayat nila ang pamahalaan na magsagawa ng isang imbestigasyon ukol sa insidente.[45] Sinabi naman ng Human Rights Watch na agaran at mabilisan dapat mapaimbestiga at malutas no Pangulong Arroyo ang insidente.[46] Kinilala naman ng Committee to Protect Journalists ang pangyayari bilang pinakamadugong pangyayari sa kasaysayan" ng kanilang talaan.[47]

Nagbigay na ng reaksiyon ang Commision on Human Rights tungkol sa pangyayari. Ayon sa kanila, "malahalimaw" ang mga gumawa ng karumaldumal na pangyayari. "Walang kapantay sa kasaysayan ng Pilipinas" ang naganap na pamamaslang. Mariin daw nilang" kinokondena ang pangyayari lalo na ang napabalitang pagpugot, pagkatay, at paggahasa sa mga biktima.[48] Nagpahayag naman ang Bishops-Ulama Conference in Mindanao na mariin nilang tinututulan ang pagdakip at pagpatay sa mga biktima at nakikisimpatya sila sa mga pamilyang ng mga namatay sa pamamagitan ng pag-alay ng mga dasal.

Dahil sa kalagiman ng mga pangyayari, nagbigay na ng iba't ibang pahayag ang mga internasyunal na organisasyon. Ayon sa Unyong Europeo, kinokondena nila ang mga pangyayari at inaatasan nila ang pamahalaan ng Pilipinas na imbestigahan kaagad ito.[49] Nakisimpatiya na rin ang Mga Bansang Nagkakaisa sa pamamagitan ni Ban Ki-moon sa mga biktima ng insidente. Sinabi naman ng International Federation of Journalists na ikinalulungkot nila ang mga nangyari at isinaad na "ang Pilipinas na ang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, daig pa ang Irak".[50] Ipinaalala naman ng Human Rights Watch na sana'y maging patas ang Pangulong Arroyo sa imbestigasyon.[51] Nagbigay na rin ng mensahe si Kristie Kenney ng Embahada ng Estados Unidos at sinabi niyang isang "brutal at di-makataong paglabag sa karapatang pantao at demokrasya ang pangyayari". Inaasahan nilang magiging mabilis at patas ang padala ng hustisya.[52] Nabigay na rin ng pakikiramay ang mga bansang Awstralya, Britanya, Hapon, at Indonesya.[53]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Ampatuan brothers, several others found guilty in Maguindano massacre". ABS-CBN News. Nakuha noong Disyembre 19, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Maguindanao Massacre – How it Happened". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Nobyembre 22, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Arroyo vows justice as massacre toll hits 57". Inquirer.net. 25 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-28. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Death toll rises to 57 in Philippines". CNN. 25 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-26. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Philippines: Arrests likely soon in killings". CNN. 25 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-26. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Maguindanao governor modern-day Godfather". INQUIRER.net. 2007-03-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-01. Nakuha noong 2009-11-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "21 killed in Maguindanao". INQUIRER.net. 2009-11-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-26. Nakuha noong 2009-11-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 21 Filipinos Are Reported Dead in Election Violence. Conde, Carlos H. 23 Nobyembre 2009. New York Times. 23 Nobyembre 2009.
  9. Philippines political violence leaves 21 dead. 15:42 GMT, Monday, 23 Nobyembre 2009. BBC News. nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
  10. Maguindanao massacre claims at least 36 lives. 23 Nobyembre 2009. GMA News. 23 Nobyembre 2009.
  11. Philippines Declares Emergency After Violence. Conde, Carlos H. 24 Nobyembre 2009. New York Times. 24 Nobyembre 2009.
  12. "Slain lawyers among most ardent peace advocates in Mindanao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-27. Nakuha noong 2009-11-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) 24 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 24 Nobyembre 2009.
  13. Emergency rule in 2 provinces, 1 city. Dalumpines , Jose G. 25 Nobyembre 2009. Mindanao Examiner. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
  14. Philippines massacre: journalists' death toll rises to 21. Greens, Roy. 25 Nobyembre 2009. the Guardian. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
  15. "Innocent motorists among massacre victims in Ampatuan". GMANews.tv. 25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. UN man shot dead near Philippine massacre: police. 24 Nobyembre 2009. Agence France Pressse. 24 Nobyembre 2009.
  17. Massacre death toll reaches 64 Naka-arkibo 2009-11-30 sa Wayback Machine.. 28 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 28 Nobyembre 2009.
  18. "List of victims in Maguindanao massacre". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-25. Nakuha noong 2009-11-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 4 survivors tag Ampatuans in Maguindanao massacre. 24 Nobyembre 2009. GMA News. 24 Nobyembre 2009.
  20. Maguindanao massacre toll rises to 39. 24 Nobyembre 2009. ABS-CBN News. 24 Nobyembre 2009.
  21. Ampatuans kicked out of Lakas-Kampi over massacre. 25 Nobyembre 2009. GMA News. 25 Nobyembre 2009.
  22. Senate probe on Maguindanao massacre sought Naka-arkibo 2009-11-27 sa Wayback Machine.. 25 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 25 Nobyembre 2009.
  23. "DOJ creates panel on Maguindanao massacre". ABS-CBN News. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Travel Alert: Philippines". United States Department of State. 24 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-26. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Day of mourning declared for massacre victims. 25 Nobyembre 2009. GMA News. 25 Nobyembre 2009.
  26. Statement of GMA Network on the Maguindanao massacre. 25 Nobyembre 2009. GMA News. 25 Nobyembre 2009.
  27. ABS-CBN statement on the Maguindanao massacre. 25 Nobyembre 2009. ABS-CBN News. 25 Nobyembre 2009.
  28. 9 Ampatuans suspects in Maguindanao massacre. 26 Nobyembre 2009. ABS-CBN News. 26 Nobyembre 2009.
  29. MILF Denies Ampatuans Claims. 27 Nobyembre 2009. ABS-CBN News. 27 Nobyembre 2009.
  30. Sexual Mutilation Alleged in Philippines Massacre. 27 Nobyembre 2009. New York Times. 27 Nobyembre 2009.
  31. Leftwing solons hit Arroyo’s ‘kid-gloves’ treatment for Ampatuans[patay na link]. 27 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 27 Nobyembre 2009.
  32. in MManila on heightened alert over Ampatuan detention. 27 Nobyembre 2009. GMA News. 27 Nobyembre 2009.
  33. Philippines massacre suspects placed on watch list. 3 Disyembre 2009. BBC News. 3 Disyembre 2009.
  34. Main suspect in Philippines massacre charged. 1 Disyembre 2009. BBC News. 1 Disyembre 2009.
  35. Ampatuan Sr. admitted for medical check up in Davao. 4 Disyembre 2009. Manila Bulletin. 5 Disyembre 2009.
  36. Over 1,000 cops sacked, 400 militiamen disarmed in Maguindanao. 5 Disyembre 2009. GMA News. 5 Disyembre 2009.
  37. Martial law in Philippines province after massacre. 5 Disyembre 2009. BBC News. 5 Disyembre 2009.
  38. Ampatuan armory found. 4 Disyembre 2009. Manila Bulletin. 5 Disyembre 2009.
  39. Human rights chief urges 'extra vigilance'. 5 Disyembre 2009. ABS-CBN News. 5 Disyembre 2009.
  40. DOJ: Rape charges can be filed vs perpetrators of massacre. 4 Disyembre 2009. GMA News. 5 Disyembre 2009.
  41. FVR: Arroyo repeating Marcos mistakes in martial law declaration. ika-7 ng Disyembre. ABS-CBN News. Nakuha noong ika-7 ng Disyembre.
  42. Armed services issue rules of conduct for troops implementing martial law[patay na link]. ika-6 ng Disyembre. Manila Bulletin. Nakuha noong ika-7 ng Disyembre.
  43. Maguindanao massacre[patay na link]. Mananghaya, James. 23 Nobyembre 2009. Philippine Star. nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
  44. Twelve journalists killed on Mindanao island in "dark day for press freedom" Naka-arkibo 2009-11-27 sa Wayback Machine.. 23 Nobyembre 2009. Reporter Sans Frontiers. nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
  45. Abduction and killings of journalists and politicians in the Philippines must be investigated Naka-arkibo 2010-04-14 sa Wayback Machine.. 23 Nobyembre 2009. Amnesty International. nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
  46. Philippines: Massacre Shows Arroyo’s Failure to Address Impunity. 24 Nobyembre 2009. Human Rights Watch. nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
  47. Philippines: Maguindanao death toll worst for press in recent history. 25 Nobyembre 2009. Committee to Protect Journalists. nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
  48. Mrs. Arroyo declares state of emergency in 2 provinces and 1 city. 24 Nobyembre 2009. Manila Bulletin. nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
  49. "EU condemns 'barbaric' Philippines massacre". Canwest News Service. 24 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-27. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "UN chief condemns massacre; body count now at 52". Manila Bulletin. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Philippines 'poll-related' deaths reach 57". BBC News. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Death toll in Philippines massacre rises". the Guardian. 25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "World condemns Maguindanao massacre". GMA News. 25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)