Mahabang Muog ng Tsina
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Pangkalinangan: i, ii, iii, iv, vi |
Sanggunian | 438 |
Inscription | 1987 (ika-11 sesyon) |
Ang Mahabang Muog ng Tsina o Dakila't Maringal[1][2] na Tabiki ng Tsina (Great Wall of China sa Ingles), ay isang kahanayan ng mga bato at harang sa Republikang Popular ng Tsina, itinayo, muling ipinaayos, at pinanatili sa pagitan ng ika-5 at ika-6 na dantaon upang ipananggalang ang mga paligid na nasasakupan ng Imperyong Tsina noong nanunungkulan ang mga nagpapalitang mga dinastiya. Maraming mga tabiki, na tinaguriang Magiting na Tabiki ng Tsina, ay itinayo mula pa noong ika-5 dantaon BK. Ang pinakatanyag ay ang dinding na itinayo sa pagitan ng 200 BK - 220 BK na ipinasagawa ng unang Emperador ng Tsina, si Qin Shi Huang; kaunti na lamang nito ang natitira; higit na malayo ang abot nito pahilaga kaysa sa pangkasalukuyang dinding, at itinayo noong kapanuhan ng Dinastiyang Ming noong ika-15 siglo.[3]
Umaabot ang haba ng Mahabang Muog[1][2] ng Tsina ng higit sa may 6,508 km (4,000 milya)[4] mula Shanhaiguan sa silangang hanggang Lop Nur sa kanluran, sa may kahabaan ng isang arkong magaspang na humahati sa katimugang gilid ng Panloob na Mongolya, subalit umaabot ng higit sa 6,700 km (4,160 milya) ang kabuuan.[5] Sa panahon ng katanyagan nito, ang Tabiking Ming ay tinatanuran ng higit sa isang milyong mga tauhan.[6] Tinatayang may 2 hanggang 3 milyong Tsino ang namatay sa loob ng panahon ng daan-daantaong proyekto ng pagtatayo ng tabiki.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Dakila't maringal na Great Wall" at "Mahabang Muog" ng Tsina, Great Wall, ABC ng Tsina, Pamanang Pandaigdig, nasa wikang Tagalog, China Radio International, Filipino.cri.cn Naka-arkibo 2008-03-28 sa Wayback Machine., kinuha noong: 10 Marso 2008
- ↑ 2.0 2.1 "Dakila't maringal na Great Wall" at "Mahabang Muog" ng Tsina, Ang Great Wall, nasa wikang Tagalog, China Radio International, Filipino.cri.cn, kinuha noong:10 Marso 2008
- ↑ "Pagtatayo ng Dakilang Tabiki". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-02. Nakuha noong 2008-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Damian Zimmerman, ICE Case Studies: The Great Wall of China, Disyembre 1997
- ↑ "Encyclopedia Brittanica online - Great wall of China".
{{cite web}}
: Unknown parameter|accessmonthday=
ignored (tulong); Unknown parameter|accessyear=
ignored (|access-date=
suggested) (tulong) - ↑ The Great Wall Of China
- ↑ Great Wall of China