Pumunta sa nilalaman

Whang-od

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Maria Oggay)
Whang-od
Whang-od na nambabatok noong Hunyo 30, 2016
Kapanganakan (1917-02-17) 17 Pebrero 1917 (edad 107)
NasyonalidadFilipino
Ibang pangalanMaria Oggay[1]
Alternatibong baybay ng pangalan:
  • Whang Od
  • Wang Od
  • Wang Od
  • Fang-od
  • Whang-ud
Kilala saPinakahuli at pinakamatandang praktista ng mambabatok na taga-Kalinga.[2][3]
Parangal
Gawad sa Manlilikha ng Bayan

Si Whang-od Oggay (Pagbigkas ng unang pangalan: [ˈɸɐŋ.ˈʔɘd]; ipinanganak noong Pebrero 17, 1917),[4] na kilala rin bilang Maria Oggay,[5] ay isang Pilipinang mambabatok mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga, Pilipinas.[6] Madalas siyang inilalarawan bilang ang "huling" at pinakamatandang mambabatok (tradisyonal na tatuador na taga-Kalinga) at bahagi ng mga Butbut ng mas malaking pangkat etniko ng Kalinga.[7]

Nambabatok siya ng mga mampupugot-ulo at kababaihan ng mga katutubong tao ng Butbut sa Buscalan, Kalinga, mula noong 15 taong gulang siya, ngunit wala na ang mga mandirigma ng Butbut na dating umiipon ng tattoo sa pagpoprotekta sa mga nayon o pagpatay sa mga kaaway. Sa kabila nito, patuloy na inilalapat ni Whang-od ang kanyang tradisyonal na sining sa mga turistang bumibisita sa Buscalan.

Iginawad ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) kay Whang-od ang prestihiyosong Dangal ng Haraya Award sa Tabuk, ang kabisera ng Kalinga, ang etnikong lalawigan ni Whang-od, sa 2018. Hinirang siya para sa Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2017. Pinoproseso pa rin ng NCCA ang kanyang nominasyon.[8][9][10][11]

Si Whang-od kasama ng isang bisitang may tatu.

Sinimulan ni Whang-od ang kanyang pagbabatok noong siya ay 15 taong gulang[12] na natutunan niya mula sa kanyang tatay at mambabatok na si Onggay.[13] Ayon sa kaugalian, pinapayagan lamang ang mga kalalakihan na may kanunu-nunuan ng pagbabatok na matututo ng kasiningan. Isang kataliwasan si Whang-od dahil sa talento na nakita ng kanyang ama. Sa paglaon ng buhay, bumuo lamang ng mga kababaihan ang mga napiling aralan ni Whang-od na nakapaglabag sa tradisyong patrimonial sa kauna-unahang beses sa naitalang kasaysayan ng Kalinga. Sa kabila nito, tinanggap ng kanyang taong-bayan ang kanyang pasya. Siya ay nambabatok, ang tradisyunal na pagtatatung tapik-kamay, ng mga lalaking mampupugot-ulo na nakaiipon ng mga batok sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga nayon o pagpatay sa mga kaaway.[14] Nambabatok din siya ng mga kababaihan ng mga Butbut sa Buscalan, Kalinga, pangunahin para sa mga estetikang layunin.[12][14] Bilang isang tradisyonal na mambabatok ng Kalinga, nanghula at umawit siya dati habang nambabatok.[15] Ang bawat disenyong nilikha niya ay may simbolikong kahulugan na konektado dito.[15] Halimbawa, nagpapahiwatig ang tatu ng agila na matagumpay ang mandirigma sa pagpapatay ng isang kaaway sa kanyang pagbabalik mula sa isang labanan.[16]

Nabatok siya mismo noong dalagita siya at ang kanyang unang tatu ay binubuo ng isang hagdan at isang sawa.[17] Ang fatok ay ang salitang ginamit para sa pambabatok ng mga kababaihan upang magpakita ng kagandahan at kayamanan.[18] Kapag nabatok ang braso ng babe tulad ng mga tatu ni Whang-od mismo, obligadong bayaran ng pamilya ng babae ang nambatok ng isang biik o isang bungkos ng naaning palay (kilala rin bilang dalan).[18] Sa kabilang banda, ang fi-ing ay ang salitang ginagamit para sa mga tatu ng mga lalaking mandirigma ng Butbut sa kanilang mga dibdib at braso.[18] Nag-fi-ing si Whang-od hanggang sa pinigilan ang pagpupugot-ulo ng pamahalaan. Huling isinagawa ang fi-ing noong 1972.[18]

Kahit wala na ang mga mampupugot-ulo, nambabatok pa rin si Whang-od ng mga tatu sa mga turista ng Buscalan.[7] Gayunpaman, hindi na siya umaawit habang nambabatok ng mga turista, dahil ang mga awit ay para lamang sa pagpapaganda ng mga kababaihan ng Kalinga at para sa pagdiriwang ng mga tagumpay ng kalalakihan ng Kalinga sa labanan.[15] Kabilang sa mga sikat na parokyano niya sina Rhian Ramos,[19] Drew Arellano,[20] Liza Diño[21] at Ice Seguerra.[22] Mayroon ding mga hindi Pilipino na may tatu na binatok ni Whang-od sa kanilang balat.[23]

Dati, hindi siya kumita sa kanyang mga batok[23] ngunit dahil sa pagdagsa ng mga turista sa kanyang bayan, kumita siya ng hindi bababa sa Php 5,000 kada araw sa pagbabatok noong 2015.[18] Tumatanggap siya ng dalawampu hanggang tatlumpung mga parokyano araw-araw.[15] Lumilikha siya ng mga simpleng tatu na lamang sa kasalukuyan dahil sa kanyang matandang edad. Ang kanyang mga aralan, lahat babae, ay nagpapatuloy ng tradisyon para sa kanya at sa kanilang mga taong-bayan.[24]

Tulad ng iba pang mga kasiningang indihenismo, binubuo ang kanyang tintang pambatok ng mga katutubong materyales: pinaghalong uling at tubig na ibabatok sa balat sa pamamagitan ng tinik o sait ng punong kalamansi o suha.[25] Kumpara sa iba pang mga maginoong pamamaraan, medyo masakit ang sinaunang kasiningan ng batok na nagmula noong isang libong taon bago ang kanyang oras.[25] Gumagamit siya ng mga disenyo na matatagpuan sa kalikasan at ng mga basikong heometrikong hugis.[14] Marami siyang mabunying tatu, ngunit mula noong 2017, ang kanyang mabunying tatu ay binubuo ng tatlong tuldok na kumakatawan sa kanyang sarili at ang kanyang dalawang aralan na inilalarawan bilang pagpapatuloy ng kasiningan mula sa mas matanda patungo sa susunod na henerasyon.[15]

Bukod sa pagiging isang mambabatok, si Whang-od ay isang respetadong matanda sa bayan[26] at tumutugtog ng tongali.[27] Gumagawa rin siya ng mga gawaing pang-agrikultura tulad ng pagpapakain ng mga baboy[15] at manok;[27] at nagtatrabaho sa palayan ng pamilya.[13]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dati, kasintahan ni Whang-od si Ang-Batang, isang mandirigmang Butbut, bilang kanyang kasintahan. Nambatok siya mismo kay Ang-Batang pagkatapos ng kanyang unang tagumpay sa isang digmaan.[28] Sumalungat ang maraming matatanda sa kanyang relasyon kay Ang-Batang dahil marami ang naniniwala na hindi puro ang kanyang dugo.[28] Nagkaroon ng isang napagkasunduang kasal nina Ang-Batang at Hogkajon, ang pinakamatalik na kaibigan ni Whang-od.[28] Kalaunan ay namatay si Ang-Batang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa aksidente sa pagtotroso[14] noong 25 taong gulang pa si Whang-od.[17]

Si Grace Palicas, apong babae ni Whang-od at nakatataas na aralan na gumagawa ng tatung pangmukha at nagpapatuloy sa tradisyon ng batok.

Kalaunan ay nagpasya siyang hindi magpakasal, at sa gayon ay hindi siya nagkaroon ng anak[7] at walang naiwang direktang inapo upang ipagpatuloy ang kanyang legasiya bilang mambabatok. Nagkaroon siya ng mga relasyon sa iba pang mga mandirigma ng Kalinga, ngunit nanatiling soltera dahil sa kanyang pangako. Ayon sa tradisyon, maaari lamang manahin ang kanyang mga kasiningan ng kanyang kadugo.[14] Naniniwala si Whang-od na kung nagsimula sa pagbabatok ang isang hindi niya kadugo, mahahawahan ang tatu.[14] Dahil sa modernong pamumuhay, hindi na naging interesado ang mga kabataan ng kanyang nayon na yakapin ang mga pagbabatok ng kanilang nakagugulang sa loob ng ilang mga dekada, hanggang sa nagbunga ang biglang taas ng pagpapahalaga sa katutubo sa ika-21 siglo ng pangangalaga ng kasiningan sa nayon ng Buscalan. Nagtuturo si Whang-od kay Grace Palicas, ang kanyang apo,[16] at si Ilyang Wigan, isa pang kahaliling kadugo, upang ipagpatuloy ang katutubong kasiningan sa pagbabatok ng kanyang bayan.[26] Marami pang mga kahaliling kadugo ang naging interesado sa sining ng kanilang nayon kalaunan, kabilang ang isang 12 taong gulang na nagngangalang Den Wigan.[29] Gayunpaman, hindi nagsagawa ang mga kahaliling ito ng iba pang mga gawaing mambabatok, at hindi gaanong masalimuot ang kanilang tatu kumpara sa mga tatu ni Whang-od.[15] Bukod dito, ayon sa kay Analyn Salvador-Amores, isang Pilipinang dalubtao, maaaring mawala ang mga iba pang tradisyon ng batok, kabilang ang pag-aawit at paghuhula, at ang simbolikong kahulugan ng mga tattoo kay Whang-od dahil hindi inilipatang mga ito sa kanyang mga kahalili.[15] Maisasagawa lamang itong mga orasyon at paghuhula sa mga taga-Kalinga, hindi kailanman sa mga taong di-kapangkat-etniko. Dahil doon, marahil na si Whang-od ang huling mambabatok ng kanyang nayon, maliban kung (1) kung pormal na nagpasiya ang mga katutubong Kalinga mismo na magpabatok bilang bahagi ng kanilang modernong kultura, at (2) kung nagpakadalubhasa ang kanyang mga aprentis ng napakamadetalye at napakahirap na kasiningan ng orasyon bago siya sumakabilang-buhay.[15]

Ayon sa mga iba't ibang sanggunian, ipinanganak si Whang-od noong Pebrero 17, 1917, at naging 100 taong gulang siya sa 2017,[4][30] kaya naging karapat-dapat siyang makatanggap ng mga benepisyo mula sa pamahalaan ng Pilipinas base sa Centenarians Act of 2016 o Republic Act 10868.[31] Bagaman, nagduda ang gobyerno at ilang mga grupo sa kanyang pag-angkin dahil hindi siya nagpakita ng anumang mga wastong dokumento upang patunayan ang kanyang kapanganakan. Walang mga rekording ng petsa ng kapanganakan sa maraming mga lugar ng kabundukan sa Pilipinas, tulad ng Buscalan, noong panahong sinabing ipinanganak si Whang-od, dahil sa: imposibilidad ng pagdagan ng lugar noong panahong iyon; hindi bahagi ng kultura ng komunidad noon ang mga pagrekord ng mga petsa ng kapanganakan sa papel; at mga nakaraang away-etniko na naglakas ng mga digmaang panlipi.[32] Noong Hunyo 2017, nakatanggap siya ng Pilipinong postal ID na nagpatunay sa kanyang petsa ng kapanganakan at epektibong ginagawa siyang karapat-dapat sa Centenarians Act.[30][33]

Dahil sa katayuan ni Whang-od bilang huling mambabatok ng kanyang henerasyon,[34] ang kanyang papel sa pagsisikat ng isang anyo ng tradisyunal na pagtatatu at paghuhubog ng ilang mga praktikante,[16][26] ipinangampanya siya ng maraming netizen na maging isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Nagsimula ang isang kampanyang hashtag (#WangOdNationalArtist) noong Setyembre 2015 at ibinahagi ang hashtag sa pamamagitan ng social media nang mga 11 libong beses pagkatapos ng halos isang buwan.[35] Sa halip nito, ipinangampanya siya ng ilang mga netizen na bigyan ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan.[36]

Noong 2015, hinikayat naman ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang kanyang mga kasamahan sa Senado ng Pilipinas sa pamamagitan ng resolusyon na dapat na hirangin si Whang-od bilang isa sa Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA), na kapantay sa ranggo ng mga Gawad Pambansang Alagad ng Sining.[37][38] Nagtagubilin sa senado ng Pilipinas si Senadora Nancy Binay sa pamamagitan ng resolusyon sa senado noong Hunyo 2016 na italaga si Whang-od bilang Gawad Manlilikha ng Bayan.[39] Gayundin, sinusuportahan ni Loren Legarda, isang Senadora at emabahadora ng United Nations ang kanyang nominasyon bilang Gawad Pambansang Alagad ng Sining o Gawad Manlilikha ng Bayan sa pamamagitan ng isa pang resolusyon sa Senado.[40]

Ang dating tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na si Felipe de Leon Jr. ay nagpahayag din ng kanyang suporta sa paghirang ni Whang-od at nagtalo na ang papel ng isang mambabatok ay magiging parola sa pagkakakaisa at suporta ng komunidad.[41] Idinagdag din niya na tumutulong siya sa kanyang pamayanan sa pamamagitan ng mga pagbabatok ng turista at nagpapraktis siya ng tradisyonal na kasiningan ng Kalinga bilang hanapbuhay at samakatuwid ay dapat mapili para sa Gawad Manlilikha ng Bayan at Gawad Pambansang Alagad ng Sining.[41] Ayon kay Analyn Salvado-Amores, isang Pilipinang dalubtao at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, Baguio, kahit wala siyang pagsalangsang sa nominasyon ni Whang-od sa GAMABA, maaaring hindi mapagbigyan si Whang-od dahil kumikita siya mula sa pagbabatok at isa sa mga kinakailangan para sa GAMABA ay hindi pinagkikitaan ang kasiningan. Gayunpaman, kung mahahadlangan ang kanyang badya bilang Gawad Manlilikha ng Bayan ng itinaas na isyu, maaari pa rin siyang hirangin para sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining, na may kaparehong ranggo sa Gawad Manlilikha ng Bayan.[29]

Pormal na hinirang si Whang-od sa Gawad Manlilikha ng Bayan noong ika-66 na kaganapan ng Manila Fame noong Oktubre 21, 2017.[42][43] Tinanggap ang nominasyon ng NCCA sa pamamagitan ng isang seremonya sa loob ng kaganapan.[34] Itinatapos ng NCCA ang mga dokumento upang maipagkaloob si Whang-od at papirmahan ang mga ito ng Pangulo ng Pilipinas.[15] Sa sandaling igagawad, makakakuha si Whang-od ng isang gintong medalyon, isang buwanang gastahin na Php 14,000 at isang panimulang gantimpala ng Php 100,000.[15] Noong Pebrero 28, 2018, lubos na nagkakaisang ipinasa ng Senado ng Pilipinas ang resolusyon na sumusuporta at hinihirang si Whang-od para sa GAMABA.[44]

Noong Hunyo 12, 2018, inihayag ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga SiningPambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining na ibibigay ang prestihiyosong Dangal ng Haraya Award kay Whang-od sa Hunyo 25 sa Tabuk, Kalinga, ang kabisera ng lalawigan ni Whang-od. Patuloy pa rin ang pangwakas na yugto ng GAMABA.[8][9][10][11]

Mga highlight sa mga kaganapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naroon si Whang-od noong ng Dutdutan Tattoo Expo 2012 na ginanap sa Pilipinas kung saan mayroon siyang sariling kubol.[45] Bahagi ang imahe ni Whang-od sa isang eksibit sa Marangal na Museo ng Ontario sa Canada. Tattoos: Ritual. Identity. Obsession. Art ang pamagat ng eksibit at unang ipinakita ito noong Abril 2, 2016.[46] Pinili ng mga nagtatanghal ang larawan mula sa maraming mga larawan mula sa isa pang eksibit sa Musee Du Quai Branly sa Paris.[46] Hindi nila kilala si Whang-od hanggang sa sinabihan sila ng isang bisita.[46]

Pagbisita sa Maynila 2017

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 2017, pumunta sina Whang-od kasama nina Palicas at Wigan, ang kanyang mga aprentis at apong babae, sa Kalakhang Maynila upang ipakita ang kanilang likhang-sining sa ika-66 na tanghalan ng Manila Fame.[34][47][48] Sinamahan sila ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa pamamagitan helikopter sa kanilang paglalakbay sa Maynila.[49] Bukod sa pagdalo sa tanghalan, nagkita sina Whang-od at Coco Martin, ang kanyang paboritong aktor.[50] Samantala, binisita ni Palicas ang Intramuros kasama ang iba pang mambabatok sa Kalinga.[49]

Binatikos ang mga tagapag-ayos ng Manila Fame matapos lumitaw ang isang larawan na sumikat sa social media.[32] Sa larawan, ipinakita na natutulog si Whang-od sa forum sa tanghalan.[42] Inakusahan ng ilang netizen ang mga nag-ayos ng paggamit kay Whang-od sa pamamagitan ng pagpayag sa kanya na mambtok ng maraming mga kalahok ng kaganapan.[34] Idinagdag din ng mga kritiko na ang pagkadalo ni Whang-od sa tanghalan ay isang komodipikasyon ng kanyang kultura dahil sa sinigilan ng mga bayarin ang mga kalahok.[32][49] Ayon sa Pangulo ng Philippine Tattoo Artists Guild na si Ricky Sta. Si Ana, hindi alam ng mga pinuno ng nayong Buscalan na mambabatok si Whang-od sa kaganapan at hindi bahagi ng kasunduan sa pagitan ng mga pinuno ng nayon at ng mga tagapag-ayos ng Manila Fame ang pagbabatok sa tanghalan.[32] Salungat dito, isinaad sa kontrata na pinirmahan ni Whang-od at ng kanyang mga apo para sumali sa kaganapan ang pagbabatok at mga pagsasalita.[32]

Ipinagtanggol ng Center for International Trade and Expositions and Missions (CITEM), ang tagapag-ayos ng kaganapan, sa pamamagitan ng Executive Director na si Clayton Tugonon, ang pakikilahok ni Whang-od sa Manila Fame.[51] Sinabi niya na dumaan ang pagsasama ng Whang-od sa nasabing kaganapan sa mga matatanda sa nayon ng Kalinga at mga tamang ahensya ng gobyerno: Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, Hukbong Katihan ng Pilipinas, Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan, Kagawaran ng Turismo at ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya.[42] Inaalagaan ang kalusugan ni Whang-od ng isang pangkat na inatasan ng mga tagapag-ayos[51] habang pinrotektahan ang kanyang paglalakbay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.[34] Nilinaw niya na buong pinamahalaan ng mga matatanda sa Kalinga ang lahat ng kita na nakuha mula sa mga pagbabatok ni Whang-od at ang kanyang mga apo noong tanghalan.[42] Itinanggi rin niya na mayroong pagsasamantala dahil iginiit ni Whang-od na mambatok at hindi siya mapigilan ng mga tagapag-ayos.[34] Nagkomento pa siya sa viral photo na kumalat sa social media na nagpapakita kay Whang-od na natutulog at sinabi na nainip lang siya sa paghihintay para matapos ang isang talumpati sa pagtitipon.[34]

Nagkomento si Analyn Salvador-Amores, isang Pilipinang dalubtao sa isyu at sinabing dapat may nagtanong kay Whang-od mismo kung talagang pinagsamantalahan siya.[29] Hinimok din niya na dapat magkaroon ng sensibilidad at pagkamapagdamdam sa kultura, at paggalang sa tradisyon ng mambabatok, hindi alintana kung saan matatagpuan ang praktikante.[29] Pinuri niya ang mga nag-organisa para sa paghatid kay Whang-od at para sa lahat ng kinakailangang paghahanda ngunit maaaring mas mahusay itong pinlano.[29] Inalimura niya rin ang mga nag-organisa para sa pagkokordon ng mga mamambatok na nagmukha sila na tilang binayaran na pampublikong tagapaglabas.[29] Iminungkahi niya na maaaring maging mas maganda sana ang kaganapan kung maraming mga pakikipag-ugnay at hindi eksklusibo.[29]

Sa gitna ng debate ng eksplotasyon, nagpadala si Palicas ng isang mensaheng SMS sa mga tagapag-ayos na nagsasabi sa kanila na pinarangalan silang dumalaw sa Maynila at ninais ni Whang-od na makaranas ng iba't ibang kultura.[43] Sinabi rin niya sa isang post sa social media na pumirma sila (ang mga mambabatok) ng isang kontrata para sa kaganapan at nambatok sa kaganapan sa kanilang kagustuhan.[52] Idinagdag din niya na mamumukha silang mga hangal na tao kung magpatuloy ang mga isyu tungkol sa mga kaganapan.[52] Nagpaskil sa social media si Eva Oggay, isa pang kamag-anak ng Whang-od, na masaya ang mga Kalinga na bahagi ng kaganapan na dumating sa Maynila at masaya si Whang-od na nakapagkilala siya ng mga tao sa Maynila.[43]

Mga tampok sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dumalaw sa Kalinga si Lars Krutak, isang Amerikanong dalubtao, noong 2007 at dinokumento ang mga pagbabatok ni Whang-od.[13] Ang itinampok na episodyo ng Tattoo Hunter, isang serye ni Krutak na may 10 bahagi sa Discovery Channel ay naging simula ng pagpapahayag ng kulturang Kalinga at Whang-od sa pandaigdigang madla.[15] Noong 2010, itinampok din siya sa i-Witness, isang dokumentaryong programa sa telebisyon ng GMA Network, na dinokumento ni Kara David.[53]

Noong 2017, itinampok si Whang-od sa seryeng Dayaw ng NCCA at ABS-CBN News Channel, kung saan inilahad ni dating NCCA Chairman Felipe De Leon Jr at Senadora Loren Legarda ang kanyang mga kontribusyon sa pambansang pagkakakilanlan at pamana ng bansa.[41] Itinampok ang kanyang kwento ng buhay sa Wagas, isang seryng drama sa GMA News TV noong 2017, kung saan nagpanggap si Janine Gutierrez bilang si Whang-od.[28]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Catalan, Maria Elena (Oktubre 5, 2016). "Chasing Whang–od, the oldest Kalinga Mangdadamo". Sun Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2018. Nakuha noong Pebrero 28, 2017. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Melanes, Maurice (Setyembre 10, 2013). "Skin as archive of history, culture, identity". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Whang-Od". National Geographic. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2014. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Kapuso Mo, Jessica Soho: Munting Obra para kay Apo Whang-Od" [Kapuso Mo, Jessica Soho: Small Art for Apo Whang-Od]. Official YouTube channel of GMA Public Affairs (Video of the February 26, 2017 episode of Kapuso Mo, Jessica Soho where the host said that Whang-od turned 100 on February 17, 2017). GMA News. Pebrero 26, 2017. Nakuha noong Pebrero 28, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Catalan, Maria Elena (Oktubre 5, 2016). "Chasing Whang–od, the oldest Kalinga mambabatok". Sun Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2018. Nakuha noong Pebrero 28, 2017. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Whang-od, el mito de la última tatuadora de la tribu filipina Kalinga" [Whang-od, the Myth of the Last Tattoist from the Philippine Kalinga tribe]. La Vanguardia (sa wikang Kastila). Spain. Agosto 12, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Almendral, Aurora (15 Mayo 2017). "At 100 or So, She Keeps a Philippine Tattoo Tradition Alive". The New York Times. Nakuha noong Oktubre 19, 2017 – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-22. Nakuha noong 2019-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-11-04. Nakuha noong 2019-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 http://news.abs-cbn.com/life/06/13/18/whang-od-to-receive-award-for-contribution-to-ph-culture-arts
  11. 11.0 11.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-10. Nakuha noong 2019-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Springer, Kate (Agosto 6, 2017). "Meet Whang Od Oggay: The Philippines' oldest tattoo artis". CNN. Nakuha noong Oktubre 19, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Krutak, Lars (2009). "Lars Krutak | The Last Kalinga Tattoo Artist of the Philippines | Lars Krutak". www.larskrutak.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 14.5 Lowe, Aya (Mayo 27, 2014). "Reviving the art of Filipino tribal tattoos". BBC. United Kingdom. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.00 15.01 15.02 15.03 15.04 15.05 15.06 15.07 15.08 15.09 15.10 15.11 Buccat, Rhys. "How an old woman tattooed an age-old tradition on the global map". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 Howard, Anne Collins (Enero 18, 2016). "The rebirth of a 1,000-year tradition". BBC. Nakuha noong Agosto 22, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Daveney, Susan (Marso 29, 2017). "This 100-Year-Old Female Tattoo Artist Is Cool AF". HuffPost UK. Nakuha noong Oktubre 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 18.3 18.4 Albano Jr., Estanislao (Nobyembre 11, 2015). "Saving Kalinga's dying art of tattooing". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "LOOK: Rhian Ramos gets traditional tattoos". ABS-CBN News. Philippines. Disyembre 5, 2014. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "'Biyahe ni Drew' heads to Kalinga, meets Apo Whang-Od". GMA News. Philippines. Mayo 9, 2014. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "LOOK: Liza Dino gets traditional tattoo". ABS-CBN News. Pebrero 19, 2017. Nakuha noong Pebrero 28, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Gianna Francesca Catolico (Pebrero 20, 2017). "LOOK: Aiza Seguerra, Liza Diño visit centenarian Apo Whang-od". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 13, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 "The lost tribe and the 'tattoo master'". news.com.au. Australia. May 27, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 7, 2015. Nakuha noong October 19, 2015. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  24. Valencia, Angelyn (Pebrero 13, 2017). "Apo Whang-Od, maayos na ang kalusugan". ABS-CBN News. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 Henson, Joaquin (Hulyo 20, 2017). "NBA star to get body tattoo from local artist". The Philippine Star. Nakuha noong Oktubre 19, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 26.2 "Indelible moments with Whang-od, a living legend". Rappler. Philippines. Oktubre 13, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 Lejano, Don (Oktubre 25, 2017). "Apo Whang-od behind the ink and lemon thorns". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 28.2 28.3 "Ang pag-ibig ni Whang Od ngayong Sabado sa 'Wagas'" [The Romance of Whang Od this Sunday at 'Wagas']. www.gmanetwork.com. GMA Network. Marso 1, 2016. Nakuha noong Abril 20, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 29.2 29.3 29.4 29.5 29.6 Salvador-Amores, Analyn (Oktubre 25, 2017). "Whang-od as a brand name". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 Pablo, Faye (Hunyo 17, 2017). "PHLPost gives Kalinga tattoo artist, tribe first ID cards | BusinessMirror". businessmirror.com.ph (sa wikang Ingles). BusinessMirror. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Garcia, Grace (Mayo 4, 2017). "Centenarians increasing worldwide; benefits await those born in PH | INQUIRER.net". usa.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 32.2 32.3 32.4 Rey, Aika; Serafica, Raisa (Oktubre 22, 2017). "VIRAL: Was Whang Od exploited at Manila FAME?". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 22, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Fabian, Larry (Hunyo 16, 2017). "Whang-od receives postal ID". Sun.Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 34.4 34.5 34.6 Bondoc, Marlly Rome (Oktubre 22, 2017). "Netizens say Manila FAME trade show exploited tattoo artist Apo Whang-Od". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Campaign to declare Whang-Od as National Artist hits 11k mark". Philippine Daily Inquirer. Philippines. Oktubre 1, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Tupaz, Voltaire (Setyembre 30, 2015). "'Cordilleran tattooer should get Nat'l Living Treasure, not Nat'l Artist Award'". Rappler. Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 3, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Miriam: Wang-od Oggay and Ligaya Amilbangsa, national living treasures". Rappler. Philippines. Oktubre 2, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Miriam urges colleagues to nominate Wang-Od, Amilbangsa as 'National Living Treasures'". GMA News. Philippines. Oktubre 2, 2015. Nakuha noong Oktubre 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Binay, Maria Lourdes S. (Hunyo 30, 2017). "NATIONAL LIVING TREASURES AWARD". Senate of the Philippines. Nakuha noong Oktubre 18, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Press Release - Legarda Pays Tribute To Kalinga's Oldest Traditional Tattoo Artist". www.senate.gov.ph. Oktubre 5, 2015. Nakuha noong Oktubre 18, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. 41.0 41.1 41.2 "Dayaw Season 2: Our Knowledge, Our Pride". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 20, 2017. Nakuha noong Abril 20, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. 42.0 42.1 42.2 42.3 "Manila FAME issues statement on Apo Whang-Od 'exploitation' issue". InterAksyon (sa wikang Ingles). Oktubre 23, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 43.2 Rey, Aika. "Whang Od not 'exploited,' says Manila FAME organizers". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-23. Nakuha noong 2017-10-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Legaspi, Amita (Pebrero 28, 2018). "Whang-Od nominated for Gawad Manlilikha ng Bayan". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 22, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Tribal Gear/Dutdutan - Tattoo Festival". dutdutan.com.ph. Nakuha noong Hunyo 9, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. 46.0 46.1 46.2 De la Cruz, Jhong (Abril 16, 2016). "Kalinga tattoo artist's work draws raves in Toronto museum". Philippine Daily Inquirer. Global Nation. Nakuha noong Agosto 22, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Traditional Filipino tattoo artist Apo Whang Od is in Manila | Coconuts Manila". Coconuts Manila (sa wikang Ingles). Oktubre 19, 2017. Nakuha noong Oktubre 20, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Centenarian Tattoo Artist Draws Thousands of Young Fans in the Philippines". www.laht.com. Latin American Herald Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 49.0 49.1 49.2 Buccat, Rhys (Oktubre 22, 2017). "Honored or exploited? Whang-ud's trip to Manila stirs online debate". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "IN PHOTOS: Tattoo artist Whang-od meets Coco Martin". Rappler (sa wikang Ingles). Oktubre 19, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. 51.0 51.1 "Manila FAME organizers defend 100-year-old Whang-Od's participation". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Oktubre 22, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2017. Nakuha noong Oktubre 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 Adel, Rosette (Oktubre 24, 2017). "Whang-Od's grandniece shuts down 'exploitation' claims". The Philippine Star. Nakuha noong Oktubre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "'Ang Huling Mambabatok' (Documentary by Kara David)". GMA News Online (sa wikang Ingles at Tagalog). Hulyo 17, 2010. Nakuha noong Oktubre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)