Pumunta sa nilalaman

Pagsasalsal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Masturbation)
Masturbasyong panlalaki.
Masturbasyong pambabae.

Ang pagbubusi, pagsasalsal/pagsalsal,[1] pagbabati o kolokyal na pagjajakol/pagdyadyakol ay ang sekswal na paraan ng pagbibigay ginhawang sekswal sa sarili ng hindi nakikipagtalik. Ginagawa ito ng mahilig mag pantasya o kaya ng mga taong sobrang malilibog. Tumutukoy ito sa estimulasyon ng sariling aring pang-reproduksiyon (masturbasyong pansarili) na kalimiting umaabot sa sukdulan o orgasmo, at ginagamitan ng kamay (katulad ng paghipo sa ari) o ibang bahagi ng katawan (maliban sa pakikipagtalik), o kaya ng ibang mga bagay o kasangkapan, o kombinasyon ng mga pamamaraang ito.[2] Ito ang pinakapangkaraniwang anyo ng awtoerotisismo o pagbibigay ng ginhawang sekswal sa sarili. Kalimitang ginagamit na magkasingkahulugan (sinonimo) ang dalawang salita, bagaman karaniwan din ang masturbasyon na may kaagapay o katulong (masturbasyong mutwal). Nagaganap din ang masturbasyon sa daigdig ng mga hayop, likas man o alaga ang mga ito.[3][4]

Bilang natural na bahagi ng buhay

Pangkaraniwan itong gawain ng tao, mapalalaki man o babae, partikular na ng mga kabataan o mga batang papasok sa yugto ng pubertad, o pagdadalaga o pagbibinata. Ayon sa mga eksperto, mas mainam ito kaysa pakikipagtalik na walang proteksiyon. Sa gawaing ito, maibibigay ang ginhawang sekswal nang walang panganib na dulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Ginagawa ito upang matugunan ang sekswal na pangangailan ng hindi nakikipagtalik, katulad ng pagbabawas ng tensiyong natatanggap mula sa mga pang-araw-araw na mga trabaho o iba pang gawain.

Sa pananaw ng medisina

Iba-iba ang antas ng gawaing sekswal ng mga kabataan. Nakapagdurulot ng oportunidad para sa eksplorasyon ng sarili ang masturbasyon, at nababahiran ito ng impluwensiya ng kultura o kalinangan at mga inaasahang magiging gampanin nilang kaugnay sa sekswalidad at pangkasarian. Karaniwang nagsisimulang magsalsal ang mga batang lalaki sa kaagahan o umpisa ng kanilang pagbibinata, samantalang nag-iiba-iba naman ang edad kung kailan ito ginagawa ng mga nagdadalagang babae, ngunit marami ang nagmamasturbeyt pagkaraan lamang makaranas ng pagtatalik.[5]

Mga pamamaraan

Pagsasalsal ng isang lalaki.

Marami na ngayong iba't-ibang paraan kung paano isinasagawa ang masturbasyon. Pinakamadalas ginagamit ang sumusunod:

Sa kalalakihan: hinahawakan ang ari sa isang kamay na may pampadulas (katulad ng langis [baby oil] o K-Y Jelly upang hindi masugatan) at hinahagod sa isang ritmikong pataas-baba o kaya ay hinahagod dahan dahan ang ulo ng ari. Ipinapagpatuloy ito hanggang labasan. Karaniwang naglalabas ng tamod ang mga kabataang may gulang na labing-tatlo pataas. Karaniwang ginagawa sa kama at kung madalas sa banyo. Halos siyamnapu't siyam na bahagdan ng mga lalaki ang nagkakangkang, halos apatnapung porsiyento ang mga batang mula 13–23 taon ang edad.

Nakatayo at nakabukakang lalaking nagsasalsal habang nilalabasan (pinabagal).

Sa kababaihan: Karaniwang ginagawa ang pagpasok ng isa o ilang daliri sa loob ng ari, at itinutulak paloob at hinihila ng palabas ng ilang saglit. Karaniwang ginagawa rin sa kama at sa banyo. Maaari rin itong ritmikong paraang naglalabas-masok ng daliri ngunit di-madalas. Halos limampung porsiyento ang nagsasalsal sa mga babae. Karaniwang may pinapasok sa mga ari ng babae upang mapadali ang pagsasalsal.

Kontekstong pangpananampalataya

Itinuturing na malaking kasalanan sa Simbahang Romano Katoliko ang masturbasyon, at maging sa iba pang mga relihiyon. Ayon sa Bibliya, pinarusahan ang mga lungsod ng Sodom at Gomora dahil sa matinding sekswal na pamamamaraan at adiksiyon ng mga tao doon. Pinarusahan ang karakter na si Onad dahil dito.

Ayon sa turo ng simbahan, dapat na ginagawa ang seks sa paraan lamang ng pakikipagtalik ng mga mag-asawa o ng mga kasal na sa simbahan. Walang sinuman ang maaaring makipagtalik sa hindi niya asawa at wala rin maaring magsagawa ng seks sa paraang pagsalsal. Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing na ang ginhawang dulot ng seks, maging ng masturbasyon, ay biyayang makukuha lamang kung ginagamit ang seks para magparami ng lahi (prokreasyon).

Praktikalidad

Ginagawa ng halos lahat ng kalalakihan ang masturbasyon, anuman ang relihiyon, nasyonalidad, kultura, o antas nila sa lipunan. Praktikal ito at isang ligtas na paraan upang matugunan ang sekswal na pangangailangan. Hindi tulad ng sa pakikipagtalik, walang panganib ng pagkakasakit o pakikiapid na kaakibat sa gawaing pakikipagtalik. Hindi kailangan ng espesyal na lugar o kagamitan upang maisagawa ito. Tanging sekswal na pagnanasa, mga kamay, at lokasyong pribado ang mga elemento upang maisagawa ito.

Kabutihang pangkalusugan

Ayon sa mga doktor, nakatutulong ang madalas na pagmamasturba upang maiwasan o labanan ang pagkakaroon ng kanser sa prostata. Nakapagdurulot din rin ito pagkakaroon ng normal na sirkulasyon ng dugo, na nakakabuti sa kalusugan ng sistemang kardiyobaskular.

Ayon sa mga sikolohista, nakakaalis ng tensiyon ang madalas na masturbasyon, maging ng pagaalinlangan, lalo na sa mga kalalakihan. Nakapagbibigay ito ng panandaliang ligaya at tiwala sa sarili, lalo na sa mga nag-iisa o wala pang asawa o katipan.

Ayon sa mga sosyolohista, antropolohista, at guro, isa sa mga pangunahing interes ng mga nagbibinata ang paksang masturbasyon. Sa mga estudyante sa hayskul, ang gawaing ito ang madalas pag-usapan ng mga magkakaibigan, na pinagmumulan ng tukso, katuwaan, at iba pang interaksiyong panlipunan na mahalaga sa mga dumaraan sa panahon ng pubertad.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Pagsalsal, salsal, masturbation". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ayon sa "masturbation" sa Merriam-Webster's Collegiate Dictionary, Ika-labing-isang edisyon, Merriam-Webster, Inc., 2003
  3. "Breeding Soundness Examination of the Stallion". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-05. Nakuha noong 2008-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-09-05 sa Wayback Machine.
  4. Bruce Bagemihl: Biological Exuberance: Animal Homosexuality and Natural Diversity. St. Martin's Press, 1999. ISBN 0-312-19239-8
  5. "Sexuality." Wong, Donna L., Marilyn J. Hockenberry, David Wilson, Marilyn L. Winkelstein, at Nancy E. Kline, Wong's Nursing Care of Infants and Children, ika-7 edisyon, Mosby:2003, St. Louis, Missouri, ISBN 0-323-01722-3

Mga kaugnay na babasahin

  • Margarita Holmes, Ph.D. Sexy, Saucy, and Spicy: Payo para sa mga binata at dalaga. Anvil Publishing. 1996.
  • Arsenio Pascual, MD, LL.B. Mga pagtuturo sa larangan ng Medisina at Batas. Far Eastern University. Hunyo 2001-kasalukuyan.
  • Katesismo para sa Katolikong Pilipino. Catholic Bishops Conference of the Philippines. 1996.
  • Katesismo ng Simbahang Katoliko. Simbahang Romano Katoliko. Lungsod ng Vatican, Roma.

Panlabas na kawing