Pagmamay-ari (lingguwistika)
Sa larangan ng lingguwistika, ang pagmamay-ari ay isang hindi magkapantay na ugnayan sa pagitan ng dalawang bahagi ng pangungusap, kung saan ang tinutukoy ng isa (ang nagmamay-ari) sa isang paraan ay nagmamay-ari, may bahagi, o may kapangyarihan sa tinutukoy ng isa pa (ang pag-aari).
Maaaring markahan ang pagmamay-ari sa maraming paraan, gaya ng simpleng paglalapit ng dalawang pangngalan, anyong paari, anyong pag-aari, anyong konstrukt (tulad sa Arabe at Nêlêmwa),[1] o sa pamamagitan ng mga pantulong na panlapi o salita tulad ng mga panlapi sa pagmamay-ari, pang-uring paari, at iba pa. Halimbawa, sa Ingles ginagamit ang pang-angkop na klitik na 's, ang pang-ukol na of, at mga pang-uri o panghalip na paari gaya ng my, your, his, her, at iba pa. Sa Tagalog, ginagamit ang "ng" para ipahawatig ang pag-aaari.[2]
Ang mga panaguri na nagpapahiwatig ng pagmamay-ari ay maaaring mabuo gamit ang isang pandiwa (gaya ng pandiwang Ingles na have) o sa ibang paraan, tulad ng mga pahayag na umiiral na karaniwan sa mga wika tulad ng Ruso.
May ilang wika na may higit pa sa dalawang uri ng pagmamay-ari. Halimbawa, sa Papua New Guinea, ang wikang Anêm ay may hindi bababa sa dalawampung uri, at ang wikang Amele ay may tatlumpu’t dalawa.
Paggamit ng may at mayroon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang magkaroon (Ingles: to have) ay isang uri ng partikulo sa pangungusap na may kaugnayan sa pag-iral, pag-aangkin, o pagkakaroon (Ingles: have). Katumbas ito ng may, mayroon, meron, mayron.[3] May kaugnayan din ito sa pag-iral o pamamarati ng isang bagay o katangian.
Kaugnay ng balarila para sa wikang Tagalog o wikang Filipino, may kani-kaniyang tamang kagamitan ang may at mayroon:[4]
May
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang may kapag sinusundan ang may ng isang pandiwa, pangngalan, panghalip na paari, pang-uri, at salitang may pantukoy na sa:[4]
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinusundan ng pandiwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "May ginagawa ba si Rosa?"[4]
Sinusundan ng pangngalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "May mga taong walang utang na loob".[4]
Sinusundan ng panghalip na paari
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "May akin ako, at may kaniya siya." [4]
Sinusundan ng pang-uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinusundan ng salitang may pantukoy na sa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang mayroon kapag may nakasingit na kataga o salita sa pagitan ng pangalan at ng mayroon, o kaya sa gitna ng pandiwa at ng mayroon. Ginagamit din ang mayroon bilang pangsagot sa isang tanong.[4]
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapag nasisingitan ng kataga o salita
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayroon ba tayong panauhin?
- Mayroon bang makakain sa inyo?[4]
Kapag gumaganap na pangtugon sa katanungan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Salitang paari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa wikang Tagalog, ang panghalip na paari ay nagtutukoy ng pagmamay-ari ng isang tao o mga tao ang bagay o mga bagay-bagay.[5] Pamalit ito sa pangngalan ng nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan at maaari itong isahan o maramihan. Halimbawa sa nagsasalita, ang isahan ay "akin" at ang maramihan ay "atin" o "namin". Sa kinakausap naman, ang isahan ay "iyo" at ang maramihan ay "iyo" habang sa pinag-uusapan naman ay "kanya" kapag isahan at "kanila" kapag maramihan.
Halimbawa ng pangungusap na may panghalip na paari:
- Akin ito.
- Iyo ang bahay.
- Kanya ang aso.
Samantala, ang pang-uring paari ay naglalarawan ng pangngalan habang ipinapakita ang pagmamay-ari.
Halimbawa ng pangungusap na may pang-uring paari:
- Dinala ni Maria ang iyong payong para hindi ka mabasa.
- Aking lapis ang ginamit ko sa pagsusulit.
- Nasa mesa ang kanyang kuwaderno.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Isabelle Bril (2012). "Ownership, part–whole, and other possessive–associative relations in Nêlêmwa (New Caledonia)". Mula sa Alexandra Y. Aikhenvald; R. M. W. Dixon (mga pat.). Possession and Ownership (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp. 65–89. doi:10.1093/acprof:oso/9780199660223.003.0002. ISBN 9780191745096.
- ↑ "Pinagkaiba Ng at Nang". www.twinkl.com.ph. Nakuha noong 2025-09-27.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Pagmamay-ari (lingguwistika)". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
- ↑ 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Ang Paggamit ng May at Mayroon, Tungkol sa Balarila". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina vi.
- ↑ Komunikasyon Sa Filipino 2. Rex Bookstore, Inc. p. 129. ISBN 978-971-23-0900-7.