Medalyang Pierre de Coubertin
Itsura
Ang medalyang Pierre de Coubertin, na kinikilala ring bilang medalyang De Coubertin o medalyang Tunay na Diwa ng Mabuting Pakikipaglaro, ay isang tanging medalya na ibinibigay ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa mga manlalaro na nagpapamalas ng diwa ng mabuting pakikipaglaro sa mga kaganapang Olimpiko.
Ang medalya ay ipinasinaya noong 1964 at ipinangalan bilang parangal kay Pierre de Coubertin, ang nagtatag ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko. Ayon sa Museong Olimpiko, "ito ay isa sa mga pinakamarangal na sanghaya na maihahandog sa Olimpikong manlalaro."[1]
Mga tumanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Manlalaro | Bansa | Kaganapan | Petsa | Lugar |
---|---|---|---|---|
Lutz Long | Alemanya | Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936 | Iginawad pagkatapos ng kamatayan | Berlin, Alemanya |
Emil Zátopek | Tsekoslobakya | Palarong Olimpiko sa Tag-init 1952 | 6 Disyembre 2000 (Iginawad pagkatapos ng kamatayan) | Helsinki, Pinlandiya |
Eugenio Monti | Italya | Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964 | 1964 | Innsbruck, Awstrya |
Karl Heinz Klee | Awstrya | Palarong Olimpiko sa Taglamig 1976 | Pebrero 1977 | Innsbruck, Awstrya |
Franz Jonas | Awstrya | - | Hulyo 1969 | - |
Lawrence Lemieux | Kanada | Palarong Olimpiko sa Tag-init 1988 | Setyembre 1988 | Seoul, Timog Koriya |
Raymond Gafner | Suwesya | - | 1999 | |
Tana Umaga | Bagong Selanda | 2003 Labanang Pagsubok ng Ragbi | Hunyo 2003 | Cardiff, Gales, Mga Nagkakaisang Kaharian |
Spencer Eccles | Mga Nagkakaisang Estado | Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002 | Pebrero 2002 | Lungsod Salt Lake, Utah, Mga Nagkakaisang Estado |
Vanderlei de Lima | Brasil | Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 | 29 Agosto 2004 | Atenas, Gresya |
Mga kasabihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Hindi nanalo si Nash nang dahil ibinigay ko ang bara. Nanalo siya dahil siya ay may pinamabilis na takbo."
- —Si Eugenio Monti nang ipinanayam pagkatapos ibinigay ang bara mula sa kanyang karetang pangyelo sa kanyang mga mananaligsa, ang kuponang Britaniko ng karetang pangyelo, sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964. Iginawad si Monti ang medalya ni Pierre de Coubertin para sa kanyang mabuting pakikipaglaro.
- "Maaari ninyong itunaw ang lahat ng mga medalya at kopa na mayroon ako at hindi nila mababalutian ng dalawampu't-apat na kilates na pagkakaibigan na nararamdaman ko kay Lutz Long sa sandaling iyon."
- —Si Jesse Owens pagkatapos payuhan ng kanyang mananaligsa, Lutz Long, sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936. Si Long ay iginawad ng medalya ni Pierre de Coubertin pagkatapos ng kanyang kamatayan para sa kanyang mabuting pakikipaglaro.[kailangan ng sanggunian]
- "Hindi ko matanggap ang medalya ni Emmanuel. Masaya na ako kung anong mayroon sa akin, ito'y tanso subali't ibig sabihin ay ginto"
- —1 Hulyo 2005, Brasilyanong manlalaro sa pambaybaying balibol na si Emanuel Rego, na nanalo ng gintong medalya sa Palarong Olimpiko ng Tag-init 2004, ay ibinigay ng kanyang gintong medalya kay Vanderlei de Lima sa telebisyon. Dahil sa mataimtim na bagabag na damdamin, isinauli ito ni Vanderlei.