Pumunta sa nilalaman

Mga Medo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Median Empire)
Dinastiyang Media
Mādai
c. 678 BCE–c. 549 BCE
KabiseraEcbatana
Karaniwang wikaWikang Media
Relihiyon
Sinaunang Relihiyong Iraniano (nauugnay sa Mithraismo, maagang Zoroastrianismo)
PanahonPanahong Bakal
• Naitatag
c. 678 BCE
• Sinakop ni Dakilang Ciro
c. 549 BCE
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Neo-Asirya
Urartu
Imperyong Akemenida

Ang mga Medo,Medes, Imperyong Medes, Imperyong Media o mga Mede ( /midz/)[2] (mula sa Matandang Persa (Persian): Māda-) ang naging mga pinuno ng Iran, Armenya, gitnang Turkiya, Apganistan, at hilagang-silangang Pakistan mula 625 BK hanggang 549 BK. Sila ay mga sinaunang taong Iranyano[4] na nanirahan sa isang pook na nakilala bilang Media at nagwiwika ng isang wikang Iranyano ng hilagang kanluran na tinutukoy bilang wikang Mediano. Ang pagdating nila sa rehiyon ay mayroong kaugnayan sa unang alon ng mga tribong Iraniko noong hulihan ng ikalawang milenyo BKE (ang pagbagsak ng Panahon ng Tansong Dilaw) hanggang sa pagsisimula ng unang milenyo BKE.

Magmula noong ika-10 daantaon BKE hanggang sa hulihan ng ika-7 daantaon BCE, ang Medes na Iraniko at ang mga Persiyano ay bumagsak at napailalim sa pangingibabaw ng Imperyong Neo-Asirya na nakahimpil sa Mesopotamya.[5]

Ang pagguho ng Panahong Bronse ay nag-iwan ng ilang mga munting kaharian at mga estadong-siyudad. Ang mga sentrong Hittie ay nanatili sa hilagaang Syria kasama ng mga puertong Phoenician sa Canaan na nakatakas pagkawasak at umunlad s amga dakilang kapangyarihang pangkalakal. Noong 1200 BCE, ang karamihan ng looban nito gayundin ng Babilonya ay sinunggaban ng mga Arameo samantalang ang baybayin sa ngayong Gaza Strip ay tinirhan ng mga Pilisteo. Sa panahong ito, ang ilang mga inobasyon sa teknolihiya ay kumalat na ang pinakakilala ang paggawa sa bakal at alpabetong Penisyo na pinaunlad ng mga Penisyo o mga Cananeo noong 1600 BCE. Sa pag-akyat sa kapangyarihan ni Adad-nirari II noong 911 BCE, ang Imperyong Neo-Asirya ay sumakop sa buong Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE na gumawa sa imperyong ito na pinakamalaking imperyo sa kasaysayan at itinturing ng mga historyan na ang kauna-unahang imperyo ng mundo sa kasaysayan. Ito ay namuno sa buong Mesopotamia, Levant, Ehipto, mga bahagi ng Anatolia, Iran at Armenia. Sa panahon ng pamumuno ng haring Asiryong si Sinsharishkun (622–612 BCE), ang mga basalyo ng Asirya gaya ng Medes, Babilonya, Ehipto, Lydia, at Aram ay tumigil sa pagbibigay ng tributo sa Asirya. Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak sa magkasanib na puwersa ng Medes sa pamumuno ni Cyaxares at ng Imperyong Neo-Babilonya sa pamumuno ni Nabopolassar noong 609 BCE. Noong mga 550 BCE, ang Medes sa pamumuno ni Astyages ay bumagsak sa Persiyanong si Dakilang Ciro na nagtatag ng Persiyanong Imperyong Akemenida. Ang Imperyong Neo-Babilonya ay bumagsak kay Dakilang Ciro noong 539 BCE. Sa sumunod na ilang mga dekada ay idinagdag sa mga sakop nito ang Lydia sa Anatolia, Damascus, Babilonia at Ehipto gayundin ang pag-iisa ng kontrol nito sa talampas na Iranian na halos kasing layo India. Ang malawak na kaharian ay nahati sa iba't ibang mga satrapiya at pinamahalaan ayon sa modelong Asiryo ngunit may mas magaan na kamay. Sa panahong ito, ang Zoroastrianismo ang nanaig na relihiyon sa Persiya.

Inksripsiyong Behistun

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang ang Medes sa sinakop ng Persiyanong Imperyong Akemenida ayon sa Inskripsiyong Behistun.

Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ang aking ama ay si Hystaspes [Vištâspa]; ang ama ni Hystaspes I ay si Arsames [Aršâma]; ang ama ni Arsames ay si Ariaramnes [Ariyâramna]; ang ama ni Ariaramnes ay si Teispes [Cišpiš]; ang ama ni Teispes ay si Achaemenes [Haxâmaniš]. Sinabi ni Dario I ng Persiya: Kaya kami tinawag na mga Akemenida mula sa sinaunang panaho, kami ay maharlika, sa sinaunang panahon. Kami ay mga hari. Sinabi ng Dario I ng Persiya:Ang walo sa aking dinastiya ay mga hari bago ko, Ako ang ikasiyam. Ang siyan sa pagkakahalili ay mga hari. Sinabi ni Dario I ng Persiya: Sa biyaya ni Ahura Mazda, ako ay isang Hari, Ipinagkaloob sa akin ni Ahura Mazda ang Kaharian.

Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ito ang mga bansa na aking nasasakupan at sa pamamagitan ni Ahura Mazda, Ako ay naging hari sa kanila: Persiua [Pârsa], Elam [Ûvja], Babilonya [Bâbiruš], Asirya [Athurâ], Arabia [Arabâya], Ehipto [Mudrâya], mga bansa sa karagatan na [Tyaiy Drayahyâ], Lydia [Sparda], Mga Griyego [Yauna (Ionia)], Medes [Mâda], Armenia [Armina], Cappadocia [Katpatuka], Parthia [Parthava], Drangiana [Zraka], Aria [Haraiva], Chorasmia [Uvârazmîy], Bactria [Bâxtriš], Sogdia [Suguda], Gandhara [Gadâra], Scythia [Saka], Sattagydia [Thataguš], Arachosia [Harauvatiš] at Maka [Maka];dalawampu't tatlo sa lahat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. OED Paglahok na nasa internet na "entry Mede, n.".:
  2. from OED's entry: "Mede < classical Latin Mēdus (na ang karaniwang anyo ng maramihan ay Mēdī) < sinaunang Griyego (Atika at Ionika): Μῆδος (Sipriyotang ma-to-i Μᾶδοι, kapag maramihan) < Lumang Persiya: Māda"[1]
  3. Encyclopædia Britannica Online Media (ancient region, Iran)
  4. (A)"..and the Medes (Iranians of what is now north-west Iran).." EIEC (1997:30). (B) "Archaeological evidence for the religion of the Iranian-speaking Medes of the .." (Diakonoff 1985, p. 140). (C) ".. succeeded in uniting into a kingdom the many Iranian-speaking Median tribes" ( mula sa Encyclopædia Britannica [3]). (D) "Proto-Iranian split into Western (Median, ancient Persian, and others) and Eastern (Scythian, Ossetic, Saka, Pamir and others)..." (Kuz'mina, Elena E. (2007), The origin of the Indo-Iranians, J. P. Mallory (ed.), BRILL, p. 303, ISBN 978-90-04-16054-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)) ...
  5. Georges Roux - Ancient Iraq


TaoKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.