Mga Monggol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga Monggol
Монголчууд
Mongolchuud
ᠮᠣᠩᠭ᠋ᠣᠯᠴᠤᠳ
Kabuoang populasyon

10 milyon (2010)

Mga rehiyong may mahahalagang mga bilang
Majority populations
 Tsina
(Panloob na Mongolia)
5,981,840 (2010) [1]
 Mongolia 2,921,287[2]
 Rusya 647,417 [3]
 Timog Korea 34,000 [4]
 Estados Unidos 15,000–18,000 [5]
 Kyrgyzstan 12,000 [6]
 Republikang Tseko 7,515 [7]
 Hapon 5,401 [8]
 Canada 5,350 [9]
 Alemanya 3,852 [8]
 United Kingdom 3,701 [8]
 Pransiya 2,859 [8]
 Turkey 2,645 [8]
 Kazakhstan 2,523 [8]
 Austria 1,955 [10]
 Malaysia 1,500 [8]
Mga wika
Mongolian language
Pananampalataya
Namamayaning Budismong Tibetano, background ng shamanismo.[11][12][13][14] minority Sunni Islam, Eastern Orthodox Church, at Protestantism.
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Proto-Mongols, Khitan people

Ang mga Monggol (Mongolian: Монголчууд, Mongolchuud) ay isang Gitnang Asya na pangkat etniko na katutubo sa Mongolia at ng Panloob na Mongolia na Awtonomikong Rehiyon ng Tsina. Naninirahan din sila bilang mga minorya sa kahabaan ng Hilagang Asya, kabilang na ang iba pang mga rehiyon ng Tsina at pati na rin sa Rusya, at marami sa dating mga estadong Sobyet. Ang mga taong Monggoliko na kabilang sa pangkat na etnikong Buryat ay maramihang naninirahan sa ngayon sa pangkasalukuyang mayroong awtonomiyang republika ng Buryatia, Rusya. Sa Tsina, pangunahin silang naninirahan sa Panloob na Monggolya o, mas mababa ang bilang sa pangkaraniwan, sa Xinjiang. Pinag-aanib-anib ang mga taong Monggoliko ng isang karaniwang kultura at wika, isang kapangkatan ng magkakaugnay na mga wika na nakikilala bilang mga wikang Monggoliko.

Kahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa mga wikang Tunggusiko, ang pangalang Monggol ay may karaniwang kahulugang "ang mga hindi malulupig", "ang mga hindi matatalo (walang talo)" o "ang mga hindi masusupil". Sa malawak na kahulugan, ang kataga ay kinabibilangan ng talagang kumikilala sa kanilang mga sarili bilang talaga o tunay na mga Monggol (Mongol proper, na nakikilala bilang mga mga Monggol na Khalkha), ang mga Buryat, mga Oirat, mga Kalmyk ng silangang Europa, at mga Moghol (tribong Mughal). Sa ganitong diwa at mahigpit na kahulugan, ang mga Monggol ay maaaring hatiin sa dalawa: ang mga Monggol ng Silangan at ang mga Monggol ng Kanluran.

Ang designasyon o itinalagang katawagang "Monggol" ay maiksing lumitaw sa mga talaan noong ika-8 daantaon ng Tsino na Dinastiyang Tang, na naglalarawan ng isang tribo ng Shiwei, na isang maliit na tribo na noon ay nasa pook ng Ilog Onon. Muling lumitaw ang pangalang Monggol noong huli ng ika-11 daantaon noong panahon ng pamumuno ng Khitan. Pagkaraan ng pagbagsak ng dinastiya ng Liao noong 1125, ang mga Monggol ay naging isang nangungunang tribo sa kapatagan at nagkaroon din ng kapangyarihan sa Hilagang Tsina. Subalit, ang kanilang pakikidigma sa Dinastiya ng Jin at sa mga Tatar ang nakapagpahina sa kanila. Noong ika-13 daantaon, ang lumawak ang salitang Monggol upang maging isang katagang sumusukob o sumasaklaw sa isang malaking pangkat ng mga tribong Monggoliko na nagkaisa sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan.[15]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Demograpiko ng Tsina
  2. "Монголын үндэсний статистикийн хороо". National Statistical Office of Mongolia. http://www.nso.mn/. Hinango noong 2013-11-14. 
  3. 2,656 Mongols proper, 461,389 Buryats, 183,372 Kalmyks (Russian Census (2010))
  4. "'Korean Dream' fills Korean classrooms in Mongolia", The Chosun Ilbo, 2008-04-24, sininop mula sa orihinal na pahina noong September 23, 2008, https://web.archive.org/web/20080923234831/http://english.chosun.com/w21data/html/news/200804/200804240009.html, hinango noong 2009-02-06 
  5. Bahrampour, Tara (2006-07-03). "Mongolians Meld Old, New In Making Arlington Home". The Washington Post. http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2006/07/02/AR2006070200875.html. Hinango noong 2007-09-05. 
  6. President of Mongoli Received the Kalmyk Citizens of the Kyrgyz. 2012
  7. "Latest numbers show 7,500 Mongolians working in Czech Republic", Mongolia Web, 2008-02-19, http://www.mongolia-web.com/content/view/1630/2/, hinango noong 2008-10-04 
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 Mongolia National Census 2010 Provision Results. National Statistical Office of Mongolia (Mongolian)
  9. NHS Profile, Canada, 2011
  10. "Bevölkerung nach Staatsangehörigkeit und Geburtsland [Population by citizenship and country of birth]" (sa German). Statistik Austria. 3 July 2014. http://www.statistik.at/web_de/statistiken/bevoelkerung/bevoelkerungsstruktur/bevoelkerung_nach_staatsangehoerigkeit_geburtsland/. Hinango noong 21 August 2014. 
  11. National Bureau of Statistics of the People's Republic of China (April 2012). Tabulation of the 2010 Population Census of the People's Republic of China. China Statistics Press. ISBN 978-7-5037-6507-0. http://www.stats.gov.cn/tjsj/pcsj/rkpc/6rp/indexch.htm. Hinango noong 2013-02-19. 
  12. China Mongolian, Mongol Ethnic Minority, Mongols History, Food
  13. China.org.cn – The Mongolian ethnic minority
  14. China.org.cn – The Mongolian Ethnic Group
  15. "Mongolia: Ethnography of Mongolia". Encyclopædia Britannica. http://www.britannica.com/eb/article-27420/Mongolia#394579.hook. Hinango noong 2007-07-22.. 


TaoKasaysayanAsya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.