Pumunta sa nilalaman

My Brother, My Executioner

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
My Brother, My Executioner
May-akdaF. Sionil José
BansaPilipinas
WikaIngles
DyanraKathang-isip
TagapaglathalaSolidarid Publishing House, Inc.
Petsa ng paglathala
1979

Ang My Brother, My Executioner (Kapatid Ko, Manlilipol Ko)[1] ay isang nobela sa wikang Ingles ng Pilipinong manunulat na si Francisco Sionil José. Ito ang ikatlong bahagi sa tinatawag na saga ng Rosales. Ipinagbawal ito ng pamahalaan ni Ferdinand Marcos noong 1973, ang kapanahunan ng Batas Militar sa Pilipinas.[2][3][4][5][6][7][8][9]

Hindi lamang tungkol sa pag-aaklas ng mga Hukbalahap - o Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon - noong mga dekada ng 1950 sa Pilipinas ang paksang suliranin sa mahabang salaysaying ito, kundi maging sa pagtutunggali ng kaisipan, paniniwala at pananaw ng dalawang magkapatid na lalaki. Naganap ang mga pangyayari sa mga pahina ng nobelang ito sa loob ng isang lipunang makakaugalian ngunit napapasailalim ng malaki at hindi mapipigilang pagbabago. Tumatanggi ang isinaunang panahon sa pagdating ng mga pagbabagong ito. Binubuo ng 192 pahina ang aklat.[2][3][4][5][6][7][8][9][10]

Sinasabing isang gamot na panlunas ang nobelang ito ni F. Sionil José sa pagiging manhid ng tao sa mga paksa ng kahirapan at imoralidad. Naririto ang paglalaban ng dalawang magkapatid na lalaki – sina Luis at Vic. Kapwa magkapatid sila sa ina. Bunga si Luis Asperri ng pagkakaroon ng kaugnayan ng ina nito sa mayaman at mapaniil na si Don Vicente Asperri. Nagkahiwalay ang dalawang magkapatid nang dukutin ni Don Vicente si Luis mula sa piling ng ina nito at sa kapatid na si Vic ng Sipnget, Rosales. Sa pagbabalik ni Luis sa Rosales, noong dalawampung taong gulang na siya, napag-alaman at natagpuan niyang si Vic ay isa nang rebelde laban sa mga may-ari ng lupa. Si Vic pa ang pinakapinuno ng mga ito.[2][3][4][5][6][7][8][9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Kapatid Ko, Manlilipol Ko." Literal na salin sa Tagalog ng My Brother, My Executioner.
  2. 2.0 2.1 2.2 José, F. Sionil. My Brother, My Executioner, Solidaridad Publishing House, Inc., 1979/1988, ISBN 971-884-516-X
  3. 3.0 3.1 3.2 A Short Interpretive Summary of the Work, My Brother, My Executioner by F. Sionil José, FreeForEssays.com, 2008[patay na link], nakuha noong Marso 19, 2008
  4. 4.0 4.1 4.2 Kerkvliet, Benedict J. A book review of My Brother, My Executioner by F. Sionil Jose, The Journal of Asian Studies, volume 41, number 2, February 1982, pages 417-418, Association for Asian Studies, JSTOR.org
  5. 5.0 5.1 5.2 "My Brother, My Executioner by F. Sionil José, a book review, literature and fiction Multiply.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-14. Nakuha noong 2008-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-07-14 sa Wayback Machine.
  6. 6.0 6.1 6.2 Walton, David. Don Vicente: Two Novels (Tree and My Brother, My Executioner) by F. Sionil Jose (published by Modern Library), Books in Brief: Fiction & Poetry, The New York Times, February 6, 2000
  7. 7.0 7.1 7.2 Don Vicente: Tree and My, Brother, My Executioner, book review, Powells.com
  8. 8.0 8.1 8.2 Don Vicente: Tree and My Brother, My Executioner, book reviews from Publishers Weekly and Library Journal, Amazon.com
  9. 9.0 9.1 9.2 Don Vicente: Tree and My Brother, My Executioner, book reviews from Publishers Weekly, Library Journal and Kirkus Reviews, Amazon.com
  10. 10.0 10.1 My Brother, My Executioner, a review, Megaessays.com