Nagakute
Nagakute 長久手市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Sityo ng Expo 2005; Linimo; Gusaling Panlungsod ng Nagakute; Panoramang urbano ng Nagakute | |||
| |||
Kinaroroonan ng Nagakute sa Aichi Prefecture | |||
Mga koordinado: 35°11′2.4″N 137°02′55.3″E / 35.184000°N 137.048694°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Ippei Yoshida | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 21.55 km2 (8.32 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Oktubre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 61,503 | ||
• Kapal | 2,900/km2 (7,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras sa Hapon) | ||
- Puno | Arse | ||
- Bulaklak | Satsuki azalea | ||
Bilang pantawag | 0561-63-1111 | ||
Adres | 60-1 Yazako, Shironouchi, Nagakute-shi, Aichi, Japan 480-1196 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Ang Nagakute (長久手市 Nagakute-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon na 61,503 katao ang lungsod sa 24,352 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 2,854 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 21.55 square kilometre (8.32 mi kuw). Kasapi ang Nagakute ng Alyansa para sa Malusog na mga Lungsod (AFHC) ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO).[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong panahong Sengoku, naganap ang Labanan sa Komaki at Nagakute sa lugar na ito. Noong panahong Edo ang lugar ng kasalukuyang Nagakute ay bahagi ng mga lupain ng Dominyong Owari. Itinatag ang nayon ng Nagakute sa loob ng Distrito ng Aichi noong Mayo 10, 1906 sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga nayon ng Nagakute (ibang baybay sa Hapones: 長湫村), Kamigō at Yazako. Itinaas ito sa katayuang pambayan noong Abril 1, 1971. Naging malaking tulong ang pagdaraos ng Expo 2005 para sa pampook na ekonomiya, at humantong sa pagtatayo ng Linimo, isang komersiyal na tren na linear motor, upang i-ugnay ang lugar sa Nagoya metropolis. Naging lungsod ang Nagakute noong Enero 4, 2012.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Nagakute sa mga burol ng Owari ng gitnang Prepektura ng Aichi, sa taas na 43 hanggang 184 mga metro, at hinahangganan ng metropolis ng Nagoya sa kanluran. Labintatlong mga ilog ang dumadaloy sa lungsod.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] mabilis na lumalaki ang populasyon ng Nagakute sa nakalipas na 50 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1940 | 5,138 | — |
1950 | 6,638 | +29.2% |
1960 | 6,639 | +0.0% |
1970 | 11,317 | +70.5% |
1980 | 18,610 | +64.4% |
1990 | 33,714 | +81.2% |
2000 | 43,306 | +28.5% |
2010 | 52,399 | +21.0% |
Kapatid na mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nagakute City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Alliance for Healthy Cities official home page
- ↑ Nagakute population statistics
- ↑ "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 March 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Nagakute, Aichi sa Wikimedia Commons
- Opisyal na websayt (sa Hapones)