Inferno (Divine Comedy): Pagkakaiba sa mga pagbabago

Jump to navigation Jump to search
(dinagdagan)
=== Ikasiyam na Bilog (Kataksilan) ===
Ang ikasiyam at hulíng bilog ay pinalilibutan ng mga klasikal at Biblikal na [[:en:Giant_(mythology)|higante]], na maaaring kumakatawan sa kahambugan at iba pang kapintasang espiritwal na may ugnayan sa mga gawaing [[:en:Betrayal|pantataksil]].
 
Ang mga taksil ay hinihiwalay sa mga mapanlinlang sa dahilang ang mga nagawa nila ay patungkol sa pantataksil sa isang mahalagang relasyon na ano mang uri. Mayroong apat na konsentrikong sona (o ikot) ang mga taksil. Ang mga ikot ay ayon sa bigat ng pantataksil, mula sa pantataksil sa mga kapamilya, pantataksil sa komunidad, pantataksil sa mga bisita, at pantataksil sa mga ''liege lord''. Taliwas ito sa kadalasang imahen ng impiyerno bílang nag-aapoy, ang mga taksil ay nakakulong sa isang lawang nagyelo na tinatawag na Cocytus, na ang bawat pangkat ay naka-encase sa yelo nang iba-ibang lalim.
* '''Unang Ikot''' - Ang unang ikot ay tinatawag na "Caïna", mula kay [[Cain and Abel|Cain]], ang nagtaksil at pumatay sa sarili niyang kapatid.
* '''Ikalawang Ikot''' - Ang ikalawang ikot ay tinatawag na "Antenora", mula kay Antenor ng Troy, na ayon sa kaugaliang medyebal, ang nagtaksil sa kaniyang lungsod para sa mga Griyego.
* '''Ikatlong Ikot''' - Ang ikatlong ikot ay tinatawag na "Ptolomaea", marahil mula kay Ptolemy, anak ni Abubus, ang nagimbita kay Simon Maccabaeus at sa kaniyang mga anak sa isang saluslo at pinatay ang mga ito.
* '''Ikaapat na Ikot''' - Ang hulíng ikot ay tinatawag na "Judecca", mula kay [[Hudas Iskariote]], na ayon sa Bibliya, ang nagtaksil kay [[Hesukristo]]. Nandito ang mga nagtaksil sa kanilang mga panginoon at benepaktor. Lahat ng mga nagkasalà ay naka-encapsulate sa yelo, at naka-distort sa lahat ng puwedeng maisip na posisyon.
 
== Tingnan din ==

Nav menu