Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ika-11 dantaon"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
Sa [[kasaysayan ng Europa]], tinuturing ang panahon na ito bilang ang unang bahagi ng Mataas na [[Gitnang Panahon]].
 
Pagkatapos ng dagliang pag-akyat, mayroon biglaang paghina ng kapangyarihang [[Imperyong Bisantino|Bisantino]] at ang pagbangon ng pagdomina ng mga Norman sa karamihan ng Europa, kasama ang prominenteng pagganap sa [[Europa]] ng kapuna-punang mga maimpluwensyang [[papa]]. Nagkaroon ang Kristiyanidad ng pormal na sisma o paghahati sa siglo na ito na yumabong noong nakaraang mga siglo sa pagitan ng Romanong Kanluran at Bisantinong Silangan, na nagdulot ng paghiwalay sa dalawang pinakamalaking dominasyon hanggang sa panahon ngayon: ang: [[Romano Katolisismo]] at [[Silanganing Ortodoksiya]]. Sa Hilagang [[Italya]], nagdulot ang paglago ng populasyon sa pag-angat ng unang organisadong [[kapitalismo]] at mas sopistikadong kulturang komersyo noong huling bahagi ng ika-11 dantaon. Sa Silangang Europa, nagkaroon ng [[ginutuang panahon]] para sa prinsipalidad ng [[Kievan Rus]].
 
Sa [[dinastiyang Song]] sa [[Tsina]] at klasikong mundong Islamiko, minarka ng siglong ito ang mataas na punto para sa parehong klasiko Tsinong [[kabihasnan]], [[agham]] at [[teknolohiya]], at klasikong [[Islam]]ikong agham, [[pilosopiya]] at [[panitikan]]. Nilikha ng magkakalabang pampolitikang pangkat sa dinastiyang Song ang patatalo sa mga nangungunang estadista at ministro ng imperyo. Naabot ang taluktok ng militar na kalakasan at internasyunal na impluwensiya ng Kalipatong Fatimid sa [[Ehipto]], ang mga [[Ghaznavid]], at ang [[dinastiyang Chola]] sa [[Indya]]. Ang Kanluraning Imperyong Chalukya (ang kalaban ng Chola) ay bumangon din sa kapangyarihan sa dulo ng siglo.

Nav menu