Nathan Hartono

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Nathan Hartono
Pangalang Tsino向洋
PinyinXiàng Yáng (Mandarin)
JyutpingHoeng3 Joeng4 (Kantones)
Pe̍h-ōe-jīHiàng Iâng (Hokkien)
Pangalan noong
Kapanganakan
Nathaniel Hartono
Kapanganakan (1991-07-26) Hulyo 26, 1991 (edad 28)
Singgapur
Iba pang
Pangalan/Palayaw
Nathaniel Xiang
Kabuhayanmang-aawit
Tatak/Leybel

Si Nathaniel Hartono (Nathaniel Xiang), higit na kilala bilang Nathan Hartono ay isang mang-aawit at aktor mula sa Singgapur. Nag-debut si Hartono bilang mang-aawit matapos manalo sa Teenage Icon noong 2005 at naglabas ng kaniyang debut album na LET ME SING! Life, Love and All That Jazz noong 2006.[1] Nakipag-sapalaran din si Hartono sa pag-arte at itinampok sa kaniyang kauna-unahang seryeng pantelebisyong Halfworlds noong 2015.[2] Siya rin ang first runner-up sa unang season ng Sing! China.

Kasibulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Hartono sa Singgapur sa mga Tsinong Indones na magulang. Mayroon siyang nakatatandang kuya na si Norman Hartono, at nakakabatang kapatid na babae na si Nydia Hartono. Ang kaniyang ama, si Thomas Hartono, ay isang nangangasiwang direktor sa PT Anandini Vimala, habang ang kaniyang ina, si Jocelyn Tjioe, ang senyoryang pangalawang pangulo ng Tung Lok group na naka-base sa Singgapur, na itinatag ng kaniyang lolo.[3]

Nakapagtapos si Hartono ng kaniyang edukasyong paaralang primarya sa Nanyang Primary School at nagpatuloy sa Anglo-Chinese School (Barker Road) para sa kaniyang sekondaryang edukasyon bago siya nakapagtapos sa Anglo-Chinese Junior College.[4] Noong 2009, na-konskripto siya sa Hukbong Lakas ng Singgapur para sa pambansang paglilingkod.[5] Pagkatapos ay nag-aral siya sa prestihyosong Berklee College of Music na nangunguna sa Produksyon at Inhenyeriyang Musika sa Boston, at pansamantalang huminto sa pag-aaral simula pa noong 2014.[6]

Nabanggit din ni Hartono na kung paano siya na-impluwensyahan ni Frank Sinatra.[7]

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

2005-2009: Teenage Icon at pagsimula sa himigan[baguhin | baguhin ang batayan]

Matapos manalo ni Hartono noong 2005 sa Teenage Icon, nag-debut siyang mang-aawit at inilabas niya ang kaniyang unang album na LET ME SING! Life, Love and All That Jazz noong 2006 na binubuo ng 11 awitin. Itinampok ang album niyang iyon bilang numero uno sa Jazz Chart ng HMV sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng pagkakalabas niyon.[5]

Noong 2007, nagtanghal si Hartono sa Mosaic Music Festival[8] at inilabas ang kaniyang ikalawang album na Feeling Good with Nathan Hartono na isinaplaka sa mismong sandaling iyon sa kaniyang mga sold-out na palabas noong Hunyo ng parehong taon sa Esplanade. Mayroong 12 awitin ang album na iyon, na kasama sa karamihan sa mga awit na itinanghal ni Hartono, kabilang ang "Raindrops Keep Fallin' on My Head", "Everybody's Changing", "Moody's Mood for Love", at "Seven Nation Army" sa kaniyang mga konsyerto.[9]

Talang-awit (Diskograpiya)[baguhin | baguhin ang batayan]

Studio albums[baguhin | baguhin ang batayan]

Album Tala
LET ME SING! Life, Love and All That Jazz[10]
  • Inilabas: Enero 1, 2006
  • Tatak: Yellow Music
Feeling Good with Nathan Hartono[11]
  • Inilabas: 2007
  • Tatak: Yellow Music
Realise[12]
  • Inilabas: January 1, 2009
  • Tatak: Yellow Music

EPs[baguhin | baguhin ang batayan]

Album Tala
Nathan Hartono[13]
  • Inilabas: Setyembre 1, 2012
  • Tatak: Nathan Hartono

Sensilyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Album Tala
Terlanjur Sayang
  • Inilabas: Agosto 15, 2011
  • Tatak: Aquarius Musikindo
I'll Be Home For Christmas
  • Inilabas: Disyembre 20, 2012
  • Tatak: Aquarius Musikindo
Layu Sebelum Berkembang[14]
  • Inilabas: December 20, 2012
  • Tatak: Aquarius Musikindo
Thinkin Bout Love
  • Inilabas: Hulyo 5, 2013
  • Tatak: Nathan Hartono
Pasti Ada Jawabnya
  • Inilabas: Marso 5, 2015
  • Tatak: Aquarius Musikindo
Electricity[15]
  • Inilabas: July 22, 2016
  • Tatak: Nathan Hartono

Soundtracks[baguhin | baguhin ang batayan]

Album Tala
"Layu Sebelum Berkembang"
  • Official soundtrack para sa Indonesian feature film na Langit Ke 7
  • Inilabas: 2012
  • Tatak: Aquarius Musikindo

Talang Palabas (Pilmograpiya)[baguhin | baguhin ang batayan]

Seryeng Pantelebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Network
2015 Halfworlds Coki HBO Asia

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Celebrity Chow with Singapore-born singer-actor Nathan Hartono". Lollipop SG. July 18, 2014. Hinango noong April 2, 2016.
  2. "Nathan Hartono turns loverboy for Halfworlds". Today. December 26, 2015.
  3. Wee, Marie (March 7, 2013). "Power Pairings, Part 4: Treasuring Time Together". Singapore Tatler. Hinango noong April 2, 2016.
  4. "Close up and personal with Nathan Hartono". Hturdekan. September 9, 2008.
  5. 5.0 5.1 Chee, Kenny (September 8, 2009). "Teen jazz sensation Nathan Hartono is looking forward to NS". AsiaOne. Hinango noong April 2, 2016.
  6. Hon, Jing Yi (May 30, 2015). "Nathan Hartono and his "fat kid syndrome"". Today. Hinango noong April 2, 2016.
  7. Lam, Kenneth (August 13, 2007). "The Email Interview: Nathan Hartono". Theurbanwire.com.
  8. "MOSAIC Music Festival 2007 • 9 - 18 Mar 07". Mosaic Music Festival. March 18, 2007.
  9. "Feeling Good with Nathan Hartono". The UrbanWire. October 2007. Hinango noong April 2, 2016.
  10. "Let me sing! : life, love & all that jazz (Musical CD, 2006)". WorldCat. Hinango noong April 2, 2016.
  11. "Feeling Good". All Music. Hinango noong April 2, 2016.
  12. "Realise". iTunes. Hinango noong October 25, 2016.
  13. "Nathan Hartono". iTunes. Hinango noong October 25, 2016.
  14. "Layu Sebelum Berkembang". iTunes. Hinango noong October 25, 2016.
  15. "Electricity". iTunes. Hinango noong October 25, 2016.

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.