Pumunta sa nilalaman

Agham pangkalikasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Natural science)
Ang mahabang tagiliran ng buwan (lunar farside) na nakikita mula sa Apollo 11.

Ang mga agham pangkalikasan[1] (Aleman: naturwissenschaft, Kastila, Portuges: ciencias naturales, Ingles: natural sciences) ay ang pag-aaral sa pisikal, mga aspeto na di para sa tao na tungkol sa Daigdig at ng Sansinukob na nasa paligid natin. Sa pangkalahatan, sinusubok nitong ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-diyos. Ginagamit pantukoy ng katagang agham pangkalikasan ang mga "agham" bilang disiplinang sumusunod sa pamamaraang makaagham (scientific method), salungat sa pilosopiyang pangkalikasan o sa agham panlipunan, na ginagamit ang kaparehong kaparaanang agham upang ilapat sa iba't ibang paksa.

Binubuo nito ang basehan para sa mga nilapat na agham. Kapag pinagsama, ang pangkalikasan at nilapat na mga agham ay natutukoy sa mga agham panlipunan sa isang banda, at sa humanidades, teolohiya at mga sining sa iba pang banda. Sa kanyang sarili, hindi agham pangkalikasan ang Matematika, ngunit nagbibigay ng mga kagamitan at balangkas na ginagamit sa loob ng agham pangkalikasan.

Katabi ng tradisyunal na gamit, kamakailan lamang ang salitang "agham pangkalikasan" ay ginagamit minsan sa kaparaanang kalapit ng pang-araw-araw na kahulugan, nagsisimula sa natural na kasaysayan. Sa ganitong kaisipan, maaaring maging alternatibong pananalita ang "agham pangkalikasan" para sa mga agham biyolohikal, sumasangkot sa prosesong biyolohikal, o marahil din sa mga agham pandaigdig, na maaaring matukoy na iba sa mga agham pisikal (mas direktang sangkot sa pag-aaral ng pisikal at kimikal na batas sa sansinukob).

Mga agham pangkalikasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "agham pangkalikasan, natural science". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]