Pumunta sa nilalaman

Agham pandaigdig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Earth science)

Ang agham pandaigdig ay tumutukoy sa lahat ng mga agham na may kaugnayan sa planetang Daigdig. Maaaring sabihin na isang natatanging kaso sa agham pangplaneta ang agham ng mundo, dahil ang Daigdig lamang ang planetang kilala na may buhay. May parehong reduksiyonista at holistiko sa pag-aaral ng mundo. Ginagamit ang ibang disiplina katulad ng pisika, matematika, kimika at biyolohiya upang makabuo ng pangunawang kantidad sa mga espera ng daigdig:

Dahil sa maramihang interaksiyon sa pagitan ng mga spheres, naging interdisiplinaryo ang pag-aaral nito:

  • Sinusunod ng biyoheokimika at heomikrobiyolohiya ang pagikot ng mga elemento sa pamamagitan ng mga espera na dumadaan sa prosesong biyolohikal at heolohikal, at lalo na sa pamamahagi at pagbuhos sa pagitan ng mga imbakan.
  • Ginagamit ang paleosyanograpiya at paleoklimatolohiya ang katangian ng mga latak, yelong buod, o materyal na biyolohikal para mahulaan ang mga nakaraang estado ng mga karagatan, atmospera o klima.

At saka, pinagaaralan ang buong daigdig bilang isang sistema sa mga makabagong displina na kilala bilang agham ng sistema ng mundo:

  • Pinapaliwanag ng meteorolohiya ang pag-aaral sa taya ng panahon na base sa interaksiyon ng karagatan at atmospera.
  • Pinapaliwanag ng klimatolohiya ang klima sa interaksiyon nito sa pagitan ng mga espera.
  • Pinapaliwanag ng mga teoriyang Gaia ang katangian ng sistema ng daigdig sa impluwensiya nito sa biospera.

Katulad ng mga ibang dalubhasa sa agham, ginagamit din ang makaagham na pamamaraan ng mga dalubhasa sa agham ng mundo. Binubuo nila ang mga ipotesis pagkatapos ng obserbasyon at pagkuha ng mga datos tungkol sa mga likas na pangyayari at saka sinusubok ang mga ipotesis. Sa agham ng mundo, kadalasan malaki ang ginagampanan ng datos sa pagsubok at pagbuo ng ipotesis. Nakakatulong sa mga dalubhasa sa agham at kakayahang maipaliwanag ang nakaraan at maaaring hinaharap na kalagayan ng sistema ng daigdig ang sistemang paraan, na sa pamamagitan ng pinagsamang paggamit ng mga kompyuter model bilang hipotesis na sinubok ng mga global na satelayt at datos sa barko.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.