Pumunta sa nilalaman

Kalikasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nature)
Talon sa Shaki, Armenya
Bachalpsee sa Swiss Alps
Isang tanawin sa panahong taglamig sa Lapland, Finland
Pagtama ng kidlat sa kasagsagan ng pagsabog ng bulkan ng Galunggung, Kanlurang Java, noong 1982
Buhay sa pinakailalim ng karagatan

Ang kalikasan (Ingles: Nature)[1] sa pinakamalawak na pagpapakahulugan, ay ang gumigitaw at makikitang panlabas na anyo ng mundo o daigdig. Ang "kalikasan" ay maaring mangahulugan sa lahat ng bagay na likas at katutubong mula sa mga kaganapang anyong panlabas ng mundo, at maging sa buhay din. Ang pagaaral at pagsusuri sa kalikasan ay napakamalawak at napakalaking bahagi- kung hindi kasingkahulugan at katumbas mismo ng agham. Bagamat bahagi rin ang tao ng kalikasan, ang mga kagawian, kayarian at idinudulot ng tao at ang pakikihalubilo nito ay di-madalas na itinuturing kabahagi ng kalikasan, at itinuturing hiwalay na mulisip, maliban lamang kung itinutukoy nito ang kalikasan ng tao.[kailangan ng sanggunian]

Ang pangkahalatang dalumat ng kalikasan, na nangahulugan sa liknaying sansinukob, ay isa sa maraming pagpapalawak ng nauunang kaisipan. Nagsimula ito sa iilang pang-ubod na paglalapat ng salitang sinaung Griyegong φύσις, physis ng mga pilosopong nauna kay Sokrates (bagamat ang salitang ito ay namumukod na may maisig at pabago-bagong sukod at palahulogan noon, lalo na kay Heraklitus), at panay na nakatanggap ng malawak na kahulugan magmula noon.

Sa panahon ng pagdating ng makabagong pamamaraang makaagham sa huling ilang siglong nakaraan, ang kalikasan ay naging balintiyak na katotohanan, na isinatatag at pinapakilos ng mga banal na batas. Simula ng Rebolusyong Industriyal, ang kalikasan ay mas panay na tinanaw na bahagi ng katotohanang na walang paglalayon. Itinuring ito na banal ng ilang tradisyon (Rousseau, Amerikanong transendentalismo), o ang palamuti ng banal na pagpapatnubay at kalinga (Hegel) o panggayak at kasangkapan ng pantaong kasaysayan (Marx). Gayunpaman, ang isang buháy at masiglang pananaw sa kalikasan, malapit sa kaisipang ng mga sinaunang pilosopong Griyego, ay muling naisilang at nanumbalik, lalo na pagkatapos ng pagkakalathala ng mga kasulatan ni Charles Darwin.

Kaloob ng maraming paggamit at pakahulugan ng salita sa kasalukuyan, tumutukoy kadalasan ang "kalikasan" sa heolohiya at buhay-ilang. Ang kalikasan ay maaaring tumukoy sa pangkahalatahang pinamumuhayan ng mga halaman at hayop, at sa ilang pagbanggit nito, tumutukoy sa mga saayosan na kaugnay ng di-buhay na mga bagay—ang paraan na ang iilang uri ng mga bagay ay nagpapakaumiral at nagbabago sa kanilang sariling katangian, tulad na lamang ng panahon at heolohiya ng Daigdig. Madalas din na tinatanggap ito na nangangahulugan na ang "likas na kapaligiran" o ang kaparangan—mailang at mabangis na hayop, mga bato, kagubatan, at sa pangkahalatan, tumutukoy sa mga bagay na hindi malimit, masyado, o malakihang pinagbago dahil sa pakikialam o pagyari ng tao, or o mga bagay na umiiral ng hindi nangangailangan nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Kalikasan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.