Pumunta sa nilalaman

Nudels

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nudels (sangkap))
Para sa ibang gamit, tingnan ang luglog (paglilinaw).
Mga sariwang luglog.

Ang nudels[1] (Aleman: nudel; Ingles: noodle; Kastila: fideos[2]) ay ang pangkalahatang katawagan sa mga maiikli at mahahabang sangkap para sa mga lutuing pansit na yari sa masa ng harina at karaniwang mahahaba o maiikli, at niluluglog - o dagliang binabanlian - ng mainit na tubig o sabaw.[3] Ang salitang pansit ay karaniwang ginagamit na panawag sa mga mahahabang nudel na gawa mula sa bigas.[4][5][6]

Gawa ang mga nudels mula sa mga masa (dough) na walang lebadura na hinugisan para maging payat na mga hibla o bilugang silindro (hugis tubo), at niluluto sa kumukulong tubig. Ayon sa uri, maaaring tuyuin o pinalalamig muna ang mga nudel bago lutuin. Nagmula ang katawagan nito sa Ingles – noodle[7] – mula sa nudel[7] ng wikang Aleman. Sa Ingles, ang noodle ang pinakapanlahatang katawagan para sa mga masang walang lebadura na gawa mula sa iba’t ibang tipo ng mga sahog at kinabibilangan ng sari-saring mga hugis. Pangkaraniwang inihahain ang mga nudels, na kaparis ng mga laso, na may kasamang sarsa o nakababad sa mga sabaw.[7]

Nagmula sa Dinastiya ng Silangang Han – sa pagitan ng AD 25 at 220 – ang unang nasusulat na mga pagbanggit tungkol sa mga nudels. Noong Oktubre 2005, natuklasan ang pinakamatandang nudel mula sa Lajia (kalinangan Qijia) sa may Ilog Dilaw ng Qinghai, Tsina. Sinasabing gawa mula sa foxtail millet at broomcorn millet ang mga luglog na ito na mayroon nang gulang na 4,000 mga taon.[8]

Mga uri ng nudels

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Literal na salin mula sa noodle sa Ingles; Ngunit nagmula ang noodle sa Aleman na kung baybayin ay nudel katulad ng literal na salin sa Tagalog
  2. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Fideos". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Luglog": mula sa English Definition: (noun) a kind of noodle which is dipped in boiling stock, Bansa.org Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at Seasite.niu.edu Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., kinuha noong: Marso 10, 2008
  4. Pansit: long rice noodle, kinuha noong Marso 10, 2008
  5. Pancit: (noun) long rice noodles; (noun) sauteed rice noodle dish, fried rice noodle, Large Tagalog Dictionary, Seasite.niu.edu Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., kinuha noong Marso 10, 2008
  6. mula sa Pansit: rice noodle, Bansa.org Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at Regala, Armando A.B., Geocities.com, kinuha noong Marso 10, 2008
  7. 7.0 7.1 7.2 "Noodle, nudel". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Oldest noodles unearthed in China", BBC News, Oktubre 12, 2005.

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]