Bihon
Ibang tawag | Rice vermicelli, rice noodles, rice sticks |
---|---|
Uri | Pansit bigas |
Lugar | Timog Tsina |
Rehiyon o bansa | Silangang Asya, Subkontinenteng Indiyo, at Timog-silangang Asya |
Pangunahing Sangkap | Bigas |
Baryasyon | Guilin mǐfěn |
|
Ang bihon (Ingles: rice vermicelli)[1] ay isang uri ng mahabang pansit yari mula sa mga puting bigas.[2] Tinatawag din itong rice noodles o rice sticks sa wikang Ingles, ngunit hindi dapat ito ikalito sa sotanghon, isa pang uri ng vermicelli na gawa sa gawgaw-monggo o gawgaw-bigas sa halip ng butil ng bigas mismo.
Mga pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilalang-kilala ang bihon sa Asya sa pamamagitan ng mga kognado ng Hokkien 米粉 (bí-hún). Kabilang dito ang bīfun (Hapon), bihon o bíjon (Pilipinas), bee hoon (Singapore), bihun o mee hoon (Malaysia at Indonesia), num banh chok (Cambodia), bún (Vietnam), at mee hoon (Timog Taylandia).
Pagpapangalan sa Taiwan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simula Hulyo 1, 2014, nagkabisa ang mga batas ng Food and Drug Administration ng Taiwan kung saan maaari lang bansangan at ibenta bilang "米粉" sa Taiwan ang mga produkto na gawa sa 100% bigas. Kung may gawgaw o iba pang pulbos ng butil ang produkto ngunit 50% o higit pa ang nilalamang bigas nito, babansagin ito bilang "調和米粉", na may kahulugang "pinaghalong bihon".[3] Bawal bansagin bilang bihon ang mga produktong gawa sa wala pang 50% bigas.[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bihon". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ www.fda.gov.tw (Disyembre 2, 2013). "市售包裝米粉絲產品標示規定" (sa wikang Tsino). Nakuha noong Hulyo 22, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ www.fda.gov.tw. "食品標示法規手冊" (PDF) (sa wikang Tsino). Nakuha noong Hulyo 22, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.