Pumunta sa nilalaman

Okoy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Okoy (lutuing Pilipino))
Okoy
okoy na hipon mula sa Vigan, Ilocos Sur
Ibang tawagukoy
Kursopangunahing pagkain, pamutat
LugarPilipinas
Ihain nangmainit
Mga katuladcamaron rebosado, calamares, bazun khwet kyaw
Wikibooks
Wikibooks
Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Okoy.

Ang okoy o ukoy ay isang uri ng katutubong pagkaing Pilipino na niluto sa mantika. Kabilang sa mga sangkap nito ang hipon (partikular ang maliliit na hipon na tinatawag na hibe[1]), toge, harina, harina ng bigas, na may sawsawang suka at bawang.[2][3] Ang okoy ay isang uri ding ng pagkaing Tsino. Kabilang sa mga sangkap ng okoy na Tsino ang hipon, karne ng baboy, toge, berdeng papaya, kalabasa at sinangag na kanin.[4]

Kinakain ang okoy ng may kanin o wala, tuwing agahan, meryenda, o bilang pampagana. Nilalagyan din minsan ang putahe ng mga buto ng atsuwete para maging makinang na kulay kahel.[5] Tinitinda din ito kadalasan sa kalye at tinuturing na street food o pagkaing kalye.

Maraming mga baryasyon ang okoy gamit ang iba't ibang sangkap kabilang ang pagpapalit sa hipon sa maliliit na isda o kalamares. Maaring gawa ang batido ng okoy sa regular na arina, arinang bigas, o halo ng itlog at gawgaw. Maaring tumukoy din ito sa mga torta na gawa sa minasang kalabasa o kamote, kasama o hindi kasama ang hipon.[6][7]

Okoy na hipon na binebenta sa Pistang Duman sa Santa Rita, Pampanga

Sang-ayon sa lingguwistang Pilipino na si Gloria Chan-Yap, mula ang pangalang okoy sa Hokkien na ō+kuè, na nangangahulugang "keyk na gawa mula sa gabi". Bagaman, magkaiba silang putahe. Gawa ang putaheng Hokkien sa buong-babad na prinitong taro at tinadtad na baboy, habang hindi gumagamit ang putaheng Pilipino ng ganoong sangkap. Ang pagkakatulad lamang ay pareho silang buong-babad na prinito at hugis-pankeyk.[8]

Sa karaniwan resipi ng pagluluto ng okoy, kailangan ng galapong, hipon, toge, kalabasa, asin, paminta, at atsuwete. Pinaghalo-halo ang galapong, asin, paminta, at atsuwete para magkaroon ng batido o batter. Nilalagay ang batido sa mainit na kawaling may mantika. Tapos, nilalagay ang mga natitirang mga sangkap, ang toge, kalabasa at hipon sa ibabaw. Lalagyan uli ito ng batido para isang patong pa nito. Piniprito ang okoy hanggang maging ginuntuang kayumanggi ito na indisikasyon na luto na.[9]

May iba't ibang baryasyon ang pagluluto ng okoy depende sa lugar o rehiyon na pinanggalingan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Legaspi, John (2020-11-24). "Here's the best okoy recipe according to Erwan Heussaff". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Odulio de Guzman, Maria. The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (Ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino), National Bookstore, 1968, isinalimbag noong 2005, ISBN 9710817760, may 197 na mga pahina
  3. Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, may 194 na mga pahina, ISBN 9710800620
  4. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  5. Williams, Sean (2013). The Ethnomusicologists' Cookbook: Complete Meals from Around the World (sa wikang Ingles). Routledge. p. 82. ISBN 9781135518967.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  7. Cailan, Alvin. "Ukoy: A Filipino Fritter Side Dish". The Migrant Kitchen (sa wikang Ingles). KCET. Nakuha noong Disyembre 14, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Chan-Yap, Gloria (1976). "Hokkien Chinese Influence on Tagalog Cookery". Philippine Studies (sa wikang Ingles). 24 (3): 288–302.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Cruz, Jashley Ann (2022-06-04). "Kara David tries to make the Malabonian Okoy". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)