Pumunta sa nilalaman

Atsuwete

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Atsuwete
Bulaklak ng atsuwete
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Bixaceae
Sari: Bixa
Espesye:
B. orellana
Pangalang binomial
Bixa orellana

Ang atsuwete[1] (Bixa orellana) ay isang palumpong o maliit na puno mula sa rehiyong tropikal ng kontinente ng Amerika. Nagmula ang pangalan nito sa isang salitang Nahuatl: ang achiotl, na nangangahulugang "palumpong". Kilala rin ito sa katawagang aploppas, at sa katawagang Tupi na urucu. Itinatanim ito roon at maging sa Timog-Silangang Asya, kung saan dinala ito ng mga Kastila noong ika-17 dantaon. Kilalang-kilala ito bilang halaman pinagkukunan ng likas na kulay na kung tawagin ay annatto, na mula sa bunga. May kulay-rosas na mga bulaklak ang halamang ito, at mayroon ding mga mapula at may mga tulis na mga bunga na naglalaman ng mga mapupulang mga buto. Natutuyo ang mga bunga na tumitigas para magmukhang mga kulay-kayumangging kapsula. Kapwa tinatawag na atsuwete o annatto[1] ang puno, bunga at buto ng palumpong na ito.

Bagaman hindi nakakain ang mga bunga ng atsuwete, inaani pa rin ang mga ito para likumin ang mga butil ng buto, na naglalaman ng annatto o biksin. Makukuha ang annatto sa pamamagitan ng paghalo ng mga butong nasa tubig. Binababad din ang buto sa tubig, pagkatapos ay pinipiga, o kaya'y inihahagis sa mainit na mantika ng lutuan para mapalabas ang pulang kulay.[1] Ginagamit na pangulay ng mga produkto ang annatto, katulad ng pagkukulay ng mga keso, isda, at langis ng ensalada. Nabibili ito sa anyong madikit na sarsa o pulbos na ginagamit sa pagbibigay kulay sa mga lutuin. Sa Pilipinas o mga tindahang Pilipino, mabibiling nakapakete ang mga pinatuyong buto ng atsuwete.[1] Isa ito sa mga pangunahing sangkap sa mga lutuin ng Mehiko, Amerika Latina, Jamaica, at Pilipinas. Nagiging popular ang paggamit na atsuwete o annatto bilang likas na pangulay ng mga pagkain, kapalit ng mga hindi-likas na mga pangulay. Isa itong mahalagang sahog sa cochinita pibil, isang maanghang na pagkaing may karneng baboy at napatanyag dahil sa pelikulang Once Upon a Time in Mexico. Karaniwang nakapakete na ang mga ipinagbibiling pinatuyong buto ng atsuwete.[1]

Mga katangiang nauugnay sa panggagamot at katutubong kalinangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Matagal nang ginagamit ng mga katutubong Amerikano ang atsuwete para kulayan ang kanilang mga katawan, lalo na ang mga labi, na pinagmulan ng palayaw ng halaman: ang punong lipstik. Ginagamit din itong pangulay ng buhok ng mga kalalakihan ng mga katutubong Tsáchila ng Ecuador, isang dahilan kung bakit sila tinawag na mga Colorado - ang mga may-kulay - ng mga Kastila.

Produktong pangulay mula sa atsuwete

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang bixin, ang pangunahing apocarotenoid ng annatto.

Ang annatto o roucouay ang produktong nakukuha mula sa atsuwete, na ginagamit sa paglikha ng mga mapulang pangulay at pampalasa ng pagkain. Mailalarawan na ang amoy nito ay bahagyang may kaanghangan na may bahid ng nutmeg, samantalang ang lasa ay bahagyang matamis at maanghang.[2]. Nakukuha ang annatto mula sa mamula-mulang laman na nakabalot sa mga buto ng atsuwete. Ginagamit ito sa pagluluto ng maraming mga keso, katulad ng cheddar, red leicester, at brie, maging sa mga margarina, mantekilya, kanin, tinapang isda at pulbos pang-letse plan.Tanyag na pangulay at pampalasa ng mga lutuin sa Amerika Latina at Caribbean ang annatto.

Mga buto ng Bixa orellana.

Sa Venezuela, tinatawag itong onoto, na ginagamit sa paghahanda ng mga hallaca, perico, at iba pang nakaugaliang lutuin. Sa Brazil, tinatawag na urucum ang annatto at ang puno ng atsuwete, bagaman ang produktong pangulay ay kilala sa pangalang colorau. Sa Cuba at iba pang mga kapuluan sa Caribbean, tinatawag na bija, binibigkas na bi-ha, ang bunga at puno ng atsuwete. Bilang pampalasa at panimpla, isa itong pangunahing sahog sa Sazón, isang produkto na may pinaghahalo-halong mga panimpla at ipinagbibili ng kompanyang Goya Foods. Mayroon itong E-bilang na E160b. Tinatawag na bixin (biksin) ang bahagi ng annatto na natutunaw sa taba, samantalang ang bahaging natutunaw ng tubig ay ang norbixin; kapwa may takdang-bilang na E160b ang mga ito.

Hindi pagkagamay sa pagkaing may annatto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga kaso na nauugnay sa pagkaing hinaluan ng annatto, at ito lamang ang kaisa-isang pangulay ng mga pagkaing mula sa kalikasan na nakakasanhi ng alerdyi[3][4] Dahil sa galing nga sa kalikasan, maraming mga kompanya na naglalagay ng tatak na "lahat ay likas, walang kahalong pangulay na di-likas", na makasasanhi ng kalituhan at pinsala sa mga mamimili na alerdyik[3] sa mga tintang pampagkain.

Mga larawan ng atsuwete

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "achuete at anatto". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Epicenter Encyclopedia of Spices". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-17. Nakuha noong 2008-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 English, Leo James (1977). "alerdyi at alerdyik". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Food Intolerance Network Factsheet". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-13. Nakuha noong 2008-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • B. orellana at annatto Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine.
  • Van Wyk, Ben-Erik (2005). Food Plants of the World (Mga Halamang Pagkain ng Mundo). Portland, Oregon: Timber Press, Inc. ISBN 0-88192-743-0
  • Isinali sa lathalaing ito ang mga bahagi mula sa edisyong 1911 ng The Grocer's Encyclopedia, na nasa pag-aari na ng lipunan.
  • The Herb Book, John Lust (Bantam Books, New York, USA, 1984)
  • Cooking With Spices, Carolyn Heal & Michael Allsop (David & Charles, Vermont, USA 1983)
  • The Book of Spices, F. Rosengarten Jr. (Livingston Publishing Co. , Penn., USA, 1969)