Hisopo (sari)
Itsura
(Idinirekta mula sa Hyssop)
- Para sa ibang gamit, tingnan ang hisopo (paglilinaw).
Hyssop | |
---|---|
Hyssopus officinalis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Lamiales |
Pamilya: | Lamiaceae |
Tribo: | Mentheae |
Sari: | Hyssopus L. |
Species | |
See text |
Ang hisopo (Ingles: Hyssop o Hyssopus) ay isang henerong may mga 10 hanggang 12 uri ng mga mala-yerba o tila-palumpong na mga halamang nasa pamilya ng mga Lamiaceae. Katutubo ito sa Mediteranyo at mula silangan hanggang kalagitnaang Asya. Mababango ang mga ito, na may mga nakatayong sangang humahaba hanggang 60 sentimetro. Mabalahibo ang mga dulo ng mga sangang ito, samantalang payat naman at bilohaba ang mga dahon na may habang 2 hanggang 5 sentimetro. Sumisibol ang mga asul na bulaklak nito sa gawing itaas na bahagi ng mga sanga, sa tuwing sasapit ang tag-araw. Ang Hyssopus officinalis (herb hyssop) ang siyang pinakakilalang uri ng mga hisopo, na itinatanim din sa labas ng Mediteranyo.
- Mga espesye
|
|
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang genus na Agastache, na karaniwang kilala bilang higanteng hisopo (giant hyssop)
- Za'atar, isang pagkaing Arabo mula sa Gitnang Silangan na hinahaluan ng hisopo
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Hyssop " ng en.wikipedia. |