Pumunta sa nilalaman

Amapola (bulaklak)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Poppy)

Amapola
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Orden: Ranunculales
Pamilya: Papaveraceae
Sari: Papaver
Espesye:
P. rhoeas
Pangalang binomial
Papaver rhoeas

Ang amapola o Papaver rhoeas (Ingles: corn poppy, flanders poppy, red poppy at field poppy) [1][2] ay isang uri ng halamang namumulaklak na kabilang sa mga henerong Papaver. Tumataas itong mas higit sa 50 sentimetro. Tuwid ang tangkay nito na may mga nagsasalitang mga dahon. Matindi at matingkad ang pagkapula ng mga bulaklak nito, at bawat isa ay may apat na mga talulot. Mayroon din itong bungang kulay lunti at matulis.

Matagal na panahon nang may kaugnayan sa larangan ng agrikultura ang amapola. Nakikisunod ang gulong ng buhay nito sa pagtatanim ng mga bungang butil ng ibang halaman (mga cereal). Bagaman itinuturing na pesteng halamang damo (mga yerba), madali itong magapi ng mga karaniwang panupil ng mga salot na halaman.

Nakalalasan ang mga dahon nito sa mga hayop na kumakain ng mga halaman. Pero, ang mga buto nito ay nagagamit ng tao bilang mga dagdag na pampalasa at panimpla sa mga pagkain. Ginagamit na parang gulay ang mga bahaging luntian nito sa mga panaderya at tindahan. Ginagamit namang panghalo sa mga arnibal at inuming walang alak. May mga bahagi din ito - katulad ng mga talulot - na napagkukunan ng alkaloid na rhoeadina, isang sustansiyang may katangiang pampakalma (hindi katulad ng katangian ng Papaver somniferum).

Ang bulaklak ng amapola.

Iba pang mga espesye ng mga papaver

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://es.wikipedia.org/w/index.php?title=Papaver_rhoeas&action=edit
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipedia en español. Sa wikang Kastila, ang katumbas na artikulo ay pinamagatang:

Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.