Pumunta sa nilalaman

Olibin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Olivine)
Piraso ng olibin mula sa Noruwega

Ang olibin ay isang mineral na silikato na nagtataglay ng magnisyo at bakal at may pormulang kemikal na (Mg,Fe)2SiO4. Pangunahing sangkap ito ng pang-itaas na mantel ng Daigdig,[1] isa itong karaniwang mineral sa ilalim ng Daigdig ngunit madaling kumupas sa mga kalagayan sa ibabaw ng daigdig.[2] Napakaraming gamit ang olibin sa kasaysayan, partikular ang isang uri nito na peridot na ginamit bilang alahas.

Larawan ng olibin sa mikroskopyong nasisilawan ng ilaw na cross-polarized (XPL)

Ipinahihiram ng olibin ang pangalan nito sa isang pangkat ng mga mineral (ang pangkat na olibin) na kahawig nito ng istruktura. Ilan sa mga kabilang sa pangkat na ito ay ang mineral na monticellite (CaMgSiO4).

Pagtukoy at pinagmumulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Umiiral ang olibin sa parehong mapiko at ultramapikong apuying bato at bilang pangunahing mineral sa ilang banyuhing bato. Ang olibing mayaman sa mangnisyo ay namumuo mula sa magma na mayaman din sa naturang elemento at mababa sa silika. Ang magmang ito ay siyang nagiging mapikong bato na gabro at basalto.[3] Ang mga ultramapikong bato ay madalas naglalaman ng maraming olibin, at yaong may lamang 40% na olibin ay tinatawag na peridotayt. Ang dunayt naman ay may lamang 90% olibin.[4] Ang olibin at mga kauri nitong umiiral sa mataas na presyur ay bumubuo sa 50% ng itaas na mantel ng Daigdig, at siya ring isa sa pinakakaraniwang mga mineral sa Daigdig ayon sa bolyum.[5] Ang metamorpismo ng di purong dolomita o iba pang tininging bato na may mataas na magnisyo at mababang silika ay nagbubuo naman sa uri ng olibin na mataas sa magnisyo, ang forsterayt.

Ang uri ng olibin na mataas naman sa bakal o ang fayalita ay hindi kasing-karaniwan subalit umiiral sa mga apuying bato sa relatibong maliliit na bahagdan at maaari ring umiral kasabay ng kinyang at tridimita. Samantala, ang forsterayt naman ay hindi maaaring umiral kasabay ng iba pang mineral na mayaman sa silika dahil ito ay makikipagreaksyon upang bumuo ng ortopirokseno ((Mg,Fe)2Si2O6).

Ang forsterayt ay istable sa mga presyur sa lalim na 410 km sa loob ng daigdig. Dahil ito ang maaaring pinakamaraming mineral na matatagpuan sa mantel ng daigdig, ang mga katangian ng olibin ay may malaking impluwensya sa paraan ng pagdaloy o reolohiya ng bahaging ito ng daigdig, samakatuwid, ay may impluwensiya rin sa pagdaloy ng solidong mantel na nagpapagana ng tektonika ng plaka. Sa mga eksperimento, napakita na sa mataas na presyur (12 gigapascal, katumbas ng presyur sa lalim na 360 km), ang olibin ay kayang tumaglay ng 8,900 bahagi kada milyong timbang ng tubig, na siya namang maaaring makatulong sa pagdaloy ng solidong olibin sa naturang kalagayan. Mangyari pa, dahil napakasagana ng olibin sa mantel, maaaring ang tunaw na tubig na nakahalo rito ay mas marami pa kumpara sa dami ng tubig sa mga karagatan ng daigdig.[6]

Mga kristal ng olibin na nakabaon sa bakal, sa kapirasong hiwa ng Esquel, isang pallasite meteorite

Natuklasan din na mayroong olibin na mayaman sa magnisyo sa ilang mga meteorite,[7] sa Buwan,[8] sa Marte,[9][10] sa alikabok sa palibot ng mga bagong-buong bituin,[11] at sa asteroyd na 25144 Itokawa.[12] Sa mga meteorite na may olibin, kasama rito ang mga kondrita (chondrite), mga piraso ng materyal mula sa maagang kasaysayan ng sistemang solar, at mga palasayt (palassite), na nagtataglay ng magkahalong bakal-nikel at olibin. Ang ibabaw ng bihirang uri ng mga asteroyd na "A-type" ay pinaghihinalaang mayaman din sa olibin.[13]

Istruktura ng kristal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang istruktura ng olibin sa iskalang atomiko, mula sa axis a. Ang pulang bilog ay oksiheno, ang silikon ay kalimbahin, at ang magnisyo (o bakal) ay bughaw. Ang projection ng yunit selula ay pinakikita ng itim na parihaba.

Ang mga mineral sa pangkat ng olibin ay namumuo sa sistemang ortorombiko (orthorhombic), sa space group na Pbnm, na may hiwa-hiwalay na tetrahedrang silikato; ibig sabihin, ang olibin ay isang nesosilikato. Ang istrukturang ito ay maaaring ilarawan bilang mala-heksagon, na may mahigpit na magkakakawing na serye ng dagipik ng oksiheno, kung saan kalahati ng mga oktahedral na puwesto ay kinalalagyan ng dagipik ng magnisyo o bakal habang sangkat-walo naman ng mga tetrahedral na puwesto ay kinalalagakan naman ng mga dagipik ng silikon.

Mga polymorph sa matataas na presyur

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa matataas na temperatura at presyur sa ilalim ng Daigdig, ang istruktura ng olibin ay hindi na matibay. Partikular sa mga lalim na mas malalim sa 410 km, sumasailalim ang olibin sa isang eksotermik na reaksyon ng pagbabago ng estado (phase transition) papuntang mineral na wadsleyite (na isang sorosilikato), habang sa lalim na 520 km, nagbabagong-anyo ang wadsleyite bilang ringwoodite, na may istruktura ng spinel. Sa lalim na 660 km, nadudurog naman ang ringwoodite bilang mineral na perovskite ((Mg,Fe)SiO3) at ferropericlase ((Mg,Fe)O) sa pamamagitan ng reaksyong endotermik. Ang mga pagbabago ng estado na ito ay nagdudulot ng paputol-putol na pagtaas sa densidad ng mantel ng Daigdig na naoobserbahan sa pamamagitan ng pagsuri sa alon ng mga lindol (seismic waves).[14]

Olibin na mantle xenolith na sumasailalim sa weathering o pagkupas tungo sa mineral na iddingsite

Ang olibin ang isa sa mga karaniwang mineral na hindi gaano nagtatagal sa ibabaw ng daigdig batay sa Goldich stability series. Dahil sa mabilis na pagkupas o weathering nito, bihira mahanap ang olibin sa tininging bato o sedimentary rocks.[15] Sa presensya ng tubig, kumukupas ito bilang iddingsite, isang mineral na may luwad, mga iron oxide, at ferrihydrite.[16] Ang presensya ng iddingsite sa Marte ay maaaring indikasyon ng dating pag-iral ng likidong tubig doon, at maaaring makatulong sa mga siyentista na matukoy kung kailan pa huling nagkaroon ng likidong tubig sa nasabing planeta.[17]

Ang olibin ay inaaral na potensyal na mineral na maaaring magamit sa pagbuo ng mga paraan ng mas murang proseso ng pagsamsam ng carbon dioxide (carbon sequestration) mula sa atmospera. Napakadali kasi nitong makipagreaksyon sa carbon dioxide.[18][19][20] Ginagamit din itong pamalit sa dolomite sa paggawa ng asero.[21]

Ginagamit naman sa pagpapanday ng aluminyo ang buhanging yari sa olibin sa paghuhulma ng mga produkto. Kailangan ng buhanging olibin nang mas kaunting tubig kumpara sa buhanging silika habang binubuhos ang tunaw na aluminyo sa molde. Ibig sabihin, mas kaunting singaw na tubig ang lalabas sa molde, na siya namang dahilan upang magkaroon ng mas kaunting mga depekto sa istruktura ang produktong hinulma.[22]

Sa Finland naman, ginagamit ang olibin sa mga sauna dahil sa relatibong mataas na densidad nito at pagiging matibay sa paulit-ulit na pagbabago ng temperatura bunga ng pag-iinit at pagpapalamig.[23]

Ang isa namang uri ng olibin, ang peridot, ay ginagamit na batong hiyas.[24]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Garlick, Sarah (2014). Pocket Guide to the Rocks & Minerals of North America. National Geographic Society. p. 23. ISBN 9781426212826.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Goldich, Samuel S. (1938-01). "A Study in Rock-Weathering". The Journal of Geology (sa wikang Ingles). 46 (1): 17–58. doi:10.1086/624619. ISSN 0022-1376. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. Klein, Cornelis; C. S. Hurlburt (1985).
  4. Philpotts, Anthony R.; Ague, Jay J. (2009). Principles of igneous and metamorphic petrology (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge, UK: Cambridge University Press. pp. 44, 138, 142, 385. ISBN 9780521880060.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. McDonough, W.F.; Rudnick, R.L. (1998). "Mineralogy and composition of the upper mantle". Reviews in Mineralogy. 37: 139–164. Nakuha noong 6 Pebrero 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Smyth, J. R.; Frost, D. J.; Nestola, F.; Holl, C. M.; Bromiley, G. (2006). "Olivine hydration in the deep upper mantle: Effects of temperature and silica activity". Geophysical Research Letters (sa wikang Ingles). 33 (15). doi:10.1029/2006GL026194. ISSN 0094-8276.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Fukang and other Pallasites Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine..
  8. Meyer, C. (2003). "Mare Basalt Volcanism" (PDF). NASA Lunar Petrographic Educational Thin Section Set. NASA. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2016. Nakuha noong 23 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pretty Green Mineral.
  10. Hoefen, T.M., et al. 2003.
  11. "Spitzer Sees Crystal Rain". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-29. Nakuha noong 2023-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Japan says Hayabusa brought back asteroid grains.
  13. Sanchez, Juan A.; atbp. (Enero 2014). "Olivine-dominated asteroids: Mineralogy and origin". Icarus. 228: 288–300. arXiv:1310.1080. Bibcode:2014Icar..228..288S. doi:10.1016/j.icarus.2013.10.006. S2CID 42791787.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Christensen, U.R. (1995). "Effects of phase transitions on mantle convection". Annu. Rev. Earth Planet. Sci. 23: 65–87. Bibcode:1995AREPS..23...65C. doi:10.1146/annurev.ea.23.050195.000433.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Velbel, Michael A. (Oktubre 2009). "Dissolution of olivine during natural weathering". Geochimica et Cosmochimica Acta. 73 (20): 6098–6113. Bibcode:2009GeCoA..73.6098V. doi:10.1016/j.gca.2009.07.024.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Kuebler, K.; Wang, A.; Haskin, L. A.; Jolliff, B. L. (2003). "A Study of Olivine Alteration to Iddingsite Using Raman Spectroscopy" (PDF). Lunar and Planetary Science. 34: 1953. Bibcode:2003LPI....34.1953K. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2012-10-25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Swindle, T. D.; Treiman, A. H.; Lindstrom, D. J.; Burkland, M. K.; Cohen, B. A.; Grier, J. A.; Li, B.; Olson, E. K. (2000). "Noble Gases in Iddingsite from the Lafayette meteorite: Evidence for Liquid water on Mars in the last few hundred million years". Meteoritics and Planetary Science. 35 (1): 107–15. Bibcode:2000M&PS...35..107S. doi:10.1111/j.1945-5100.2000.tb01978.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Goldberg, P.; Chen, Z.-Y.; O'Connor, W.; Walters, R.; Ziock, H. (2000). "CO2 Mineral Sequestration Studies in US" (PDF). Technology. 1 (1): 1–10. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2003-12-07. Nakuha noong 2008-07-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Goldberg, P.; Chen, Z.-Y.; O'Connor, W.; Walters, R.; Ziock, H. (2000). "CO2 Mineral Sequestration Studies in US" (PDF). Technology. 1 (1): 1–10. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2003-12-07. Nakuha noong 2008-07-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Goldberg, P.; Chen, Z.-Y.; O'Connor, W.; Walters, R.; Ziock, H. (2000). "CO2 Mineral Sequestration Studies in US" (PDF). Technology. 1 (1): 1–10. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2003-12-07. Nakuha noong 2008-07-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Mineralressurser i Norge ; Mineralstatistikk og bergverksberetning 2006.
  22. Ammen, C. W. (1980). The Metal Caster's Bible. Blue Ridge Summit PA: TAB. p. 331. ISBN 978-0-8306-9970-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "The olivine stone". Suomen Kiuaskivi. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2021. Nakuha noong 14 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Peridot History". American Gem Society (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)