Pumunta sa nilalaman

Banyuhing bato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shisto, isang uri ng banyuhing bato
Ang isa sa mga pinakamatatandang bato sa daigdig, ang nays mula sa Acasta sa Canada, ay isang halimbawa ng banyuhing bato
Kininyang (o kwarsita) sa Reyno Unido

Ang mga banyuhing bato o batong metamorpiko (metamorphic rocks sa Ingles) ay isang uri ng mga bato na nabubuo mula sa pagbabagong-anyo ng isang orihinal na bato (na tinatawag na protolit) tungo sa isa pang anyo nang hindi sumasailalim sa pagkatunaw. Ang proseso ng pagbabagong-anyong ito na napananatili ang solidong estado nito ay tinatawa na metamorpismo. Sa prosesong ito, dahan-dahang nagbabago ang istruktura at komposisyon ng minerales na bumubuo sa bato.[1]

Karaniwang nagsisimula ang metamorpismo kapag ang protolit ay nakaranas ng temperaturang higit sa 150 hanggang 200 °C (302 hanggang 392 °F) at minimum na presyur na 100 megapascal (1,000 bar) o higit pa, na nagdudulot ng matinding pisikal o kemikal na mga pagbabago. Sa ilang limitadong kaso, tulad ng pagkakabuo ng batong serpentinayt, ang pagbaba ng presyur at temperatura ay maaaring magdulot din ng metamorpismo[2]. Ang protolit ay maaaring isang batong apuyin (igneous), batong tiningi (sedimentary), o umiiral na batong banyuhin. Maaaring mabuo ang batong banyuhin sa pamamagitan ng napakalalim na pagkakabaon ng protolit kung saan maaari nilang maranasan ang minimum na mga kalagayan para magsimula ang metamorpismo. Maaari rin silang magmula sa umpugan ng mga tektonika plaka, na lumilikha ng matinding presyur at pagkayupi. Ang presensya ng malapit na magma ay maaari ring magdulot ng metamorpismo.

Aabot sa 12% ng ibabaw ng daigdig ay binubuo ng mga banyuhing bato.[3] Pangunahing pinagbubukod-bukod ang mga batong ito ayon sa kanilang panlabas na anyo (tekstura), maging sa kanilang protolit at komposisyong kemikal at mineral. Ang pag-aaral ng mga banyuhing bato ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga kalagayan sa ilalim ng balat ng daigdig.

Ilan sa mga halimbawa ng banyuhing bato ay ang nays (gneiss), sleyt (slate), marmol, shisto (schist), at kininyang o kwarsita (quartzite). Kalakhan sa mga batong ito ay ginagamit sa konstruksyon ng mga gusali[4][5][6] o bilang medium sa paglililok sa kaso ng marmol.[7] Ang pagmamapa ng mga banyuhing bato ay mahalaga sa inhenyeriyang sibil dahil maaaring makaapekto sa kaligtasan ng isang istruktura ang pagtatayo sa ibabaw ng, o malapit sa, mga batong ito.[8][9]

Etimolohiya ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang 'banyuhin'[10] ay mula sa pinagsamang salitang-ugat na 'bago' at 'anyo', na angkop na pagsasalin sa wikang Filipino ng salitang 'metamorphic' sa Ingles, na hinalaw naman mula sa salitang Griyegong 'metamorphosis' na nangangahulagan ng "pagbabago."[11]

Pinanggalingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nabubuo ang mga banyuhing bato kung ang umiiral na bato ay nababago ang pisikal at kemikal na mga katangian nang hindi nalulusaw.[12] Sa proseso, maging ang tekstura at taglay na minerales ng bato ay nag-iiba rin mula sa protolit. Gayunman, ang kahalagahan ng init at presyur bilang mahalagang salik sa metamorpismo ay nahinuha na noon pang 1795 ng healogong Eskoses na si James Hutton.[13] Sa isang eksperimento, sinubok ng isa pang siyentista na si James Hall ang sapantaha ni Hutton. Nang pinainit niya sa pugon ang isang bakal na sisidlang naglalaman ng tisa, napansin niyang ang resultang materyal ay kahawig ng marmol, imbes na isang uri ng apog na dati nang alam na nabubuo kapag iniinit sa bukas na kapaligiran[14].

Kamakalawa, natuklasan at idinagdag ng mga healogong Pranses ang metasomatismo, o ang pagdaloy ng singaw (volatiles), bilang isa rin sa mga prosesong maaaring magdulot ng metamorpismo.[15] Gayunman, maaari rin namang mangyari ang metamorpismo kahit walang metasomatismo.

Proseso ng progresibong metamorpismo ng sheyl, isang uri ng tininging bato, patungong sleyt hanggang shisto

Mga pagbabago sa mga mineral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga mineral ay nananatili lamang sa kanilang matatag na estado sa partikular na kalagayan ng temperatura, presyur, at presensya ng mga kemikal. [16] Halimbawa, sa kondisyong nananatiling pareho ang presyur sa antas ng presyur sa ibabaw ng dagat, ang mineral na kayanayt (kyanite) ay nagiging andalusayt (andalusite) sa temperaturang 190 °C (374 °F) habang magiging silimanita (sillimanite) ang andalusayt pagsapit ng temperaturang 800 °C.[17][18][19] Lahat ng tatlong mineral na ito ay pare-pareho ang kemikal na komposisyon: Al2SiO5. Gayundin, ang forsterayt (forsterite) ay matatag lamang sa presyur at temperatura kapag nasa loob ito ng marmol ngunit nagiging pirokseno (pyroxene) sa kaparehong temperatura at presyur kung nasa loob ito ng batong naglalaman ng plagioklasa (plagioclase) dahil sasailalim ang forsterite sa reaksyong kemikal sa mineral na ito.[20]

Posible ang kumplikadong mga kemikal na reaksyon sa pagitan ng mga minerales sa mataas na temperatura nang hindi sila natutunaw dahil mabilis na kumikilos mula sa isang lugar patungo sa isa pa ang mga atomo sa naturang mga temperatura.[21] Ang pagdaloy ng singaw sa pagitan ng mga butas ng mga mineral ay maaari ring magsilbing mahalagang daluyan ng pagpalitan ng mga atomo.[22]

Mga pagbabago sa tekstura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagbabago sa laki ng mga minerales ng bato sa proseso ng metamorpismo ay tinatawag na rekristalisasyon. Halimbawa, ang maliliit na kalsayt (calcite) sa tininging bato na batong apog (o laymston) ay nagiging mas malaki sa banyuhing porma nito na marmol.[20] Sa batong-buhangin (sandstone), ang orihinal na laman nitong pira-pirasong kinyang ay nagreresulta sa mas siksik na mga piraso ng kinyang sa kwarsita.[23] Habang ginagawang mas madali ng mataas na temperatura ang paggalaw ng mga atomo at dagipik sa loob ng mga solidong kristal, naiipit naman ng mataas na presyur ang indibidwal na mga yunit ng mineral na nagdudulot sa pagkakabago ng kanilang istruktura na siya namang nagbubuo ng bagong uri ng mga mineral.[24]

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga mineral na banyuhin at metamorpikong facies

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil ang bawat mineral ay matatag lamang sa partikular na mga presyur at temperatura, ang presensya ng ilang mineral sa banyuhing bato ay maaaring magamit upang matukoy ang presyur at temperatura na dinanas ng bato sa pagbabagong-anyo nito. Ang mga mineral na ito ay tinatawag na panuntong mineral (index minerals)[25][26][27]. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang silimanita, kayanayt, storolayt, andalusayt, at ilang uri ng garnet[28][20]. Ang metamorpikong facies naman ay ang pangkat ng mga panuntong mineral na nahahanap sa isang partikular na banyuhing bato na tumutukoy sa ispesipikong presyur at temperatura (at samakatuwid, partikular na tektonikong kapaligiran sa daigdig) kung saan ito maaaring mabuo[29].

Mayroon ding mga mineral tulad ng kinyang na maaaring hindi nabago sa proseso ng metamorpismo dahil matibay pa rin sila kahit sa matataas na presyur o sa kaso ng olibin at pirokseno, matataas na temperatura.[30]

Mala-aklat na tekstura o foliation

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nays sa Noruwega na nagpapakita ng mga tupi at mala-aklat na tekstura

Isa sa pinakanatatanging katangian ng ilang uri ng banyuhing bato ay ang kanilang foliation (mula sa salitang Latin na folia, o "dahon") o mala-aklat na hitsura. Nabubuo ang ganitong tekstura kapag naipit sa isang partikular na oryentasyon ang mga mineral ng bato (o piraso ng dating mga bato) sa proseso ng rekristalisasyon.[31][20] Ang mga malapad na mineral tulad ng mica at klorita ay maaaring maipon at maikot o mapatagilid tungo sa isang direksyon, na bumubuo ng kaanyuang tila kahawig ng pahina ng mga aklat kapag tiningnan sa gilid[31][20]. Sa ibang mga uri ng banyuhin bato, natitipon at naiipit ang mga mineral sa paraang ang resulta ay mga makukulay na hilera o salansan ng mga mineral na bumubuo sa kanila.[31][20] Mayroon ding malinaw na cleavage na nabubuo ang ilan sa mga banyuhing batong ito na madaling mabiyak sa mga malalapad at mala-platong piraso.[31][20]

Ang pinakasimple at karaniwang paraan ng pag-uuri ng mga banyuhing bato ay batay sa kawalan o pagkakaroon nila ng mala-aklat na hitsura o foliation, o sa pagkakaroon ng tiyak na sinusundang oryentasyon ng kanilang lamang mineral o bato.[31][20][32]

Ang mga mala-aklat (o foliated) na banyuhing bato ay ang mga sumusunod[33][34]:

Samantala, ang mga hindi mala-aklat (o nonfoliated) na banyuhing bato ay ang mga sumusunod[37][38][39]:

Maaari ring lagyan ng unlaping meta- ang pangalan ng protolit na sumailalim lang sa mahinang metamorpismo at madali pang makilala ang kanyang orihinal na identidad (halimbawa, metabasalt, sa kaso ng protolit na basalt), [40][41] maliban na lang kung ang protolit mismo ay dating banyuhing bato rin.[42]

Metatuff sa Maine, Estados Unidos

Karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga gusali at istruktura ang mga banyuhing bato. Halimbawa, ang sleyt ay ginagawang mga baldosa sa mga bubong.[43] Samantala, ang kininyang ay maaaring gamitin bilang sahig, dingding, o apakan ng hagdanan.[44] Ang marmol ay ginagamit din sa konstruksyon at maging bilang medium ng mga manlililok,[45][46] maging ang serpentinayt.[47]

Ang mga mala-aklat na banyuhing bato ay may mga bahaging mahihina, kung kaya bulnerable ang mga dalisdis na binubuo ng ganitong uri ng mga bato sa pagguho.[48][49] Samantala, ang serpentinayt naman ay maaaring magtaglay ng asbestos na kapag nalanghap ay maaaring magdulot ng kanser.[50][51]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Yardley, B. W. D. (1989). An introduction to metamorphic petrology. Harlow, Essex, England: Longman Scientific & Technical. p. 5. ISBN 0582300967.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chipman, D. W. (1990), "RETROGRADE METAMORPHISM, retrogressiveRetrograde metamorphism", Petrology, Encyclopedia of Earth Science (sa wikang Ingles), Boston, MA: Springer US, pp. 509–511, doi:10.1007/0-387-30845-8_214, ISBN 978-0-387-30845-6, nakuha noong 2023-07-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wilkinson, Bruce H.; McElroy, Brandon J.; Kesler, Stephen E.; Peters, Shanan E.; Rothman, Edward D. (2008). "Global geologic maps are tectonic speedometers – Rates of rock cycling from area-age frequencies". Geological Society of America Bulletin. 121 (5–6): 760–79. doi:10.1130/B26457.1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Schunck, Eberhard; Oster, Hans Jochen (2003). Roof Construction Manual : Pitched Roofs (ika-2003 (na) edisyon). München: DE GRUYTER. ISBN 9783034615631.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Powell, Darryl. "Quartzite". Mineral Information Institute. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-03-02. Nakuha noong 2009-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Marble" (PDF). Glossary of Terms. Marble Institute of America. p. 23-15. Nakuha noong 28 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. PROCEEDINGS 4th International Congress on "Science and Technology for the Safeguard of Cultural Heritage in the Mediterranean Basin" VOL. I (sa wikang Ingles). Angelo Ferrari. p. 371. ISBN 9788896680315. white marble prized for use to make sculptures.
  8. Lotfollahi, Sina; Ghorji, Mohamad; Hoseini Toodashki, Vahid (2018-09-30). "An Investigation into the Effect of Foliation Orientation on Displacement of Tunnels Excavated in Metamorphic Rocks". Journal of Civil Engineering and Materials Application (sa wikang Ingles). 2 (3): 138–145. doi:10.22034/jcema.2018.91995. ISSN 2676-332X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Zhang, Xiao-Ping; Wong, Louis Ngai Yuen; Wang, Si-Jing; Han, Geng-You (Agosto 2011). "Engineering properties of quartz mica schist". Engineering Geology. 121 (3–4): 135–149. doi:10.1016/j.enggeo.2011.04.020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "FWP Tagalog at Filipino - Ang mga apuying bato ay bumuo mula sa paglamig ng natunaw na bato. :) Maligayang Buwan ng Wika! Dagdag: apuying bató - igneous rock tininging bató - sedimentary rock banyuhing bató - metamorphic rock batumbakal - basalt batumbesi / tumbesi - granite bugà - pumice obsidiyana - obsidian | Facebook". www.facebook.com. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Definition of METAMORPHOSIS". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2023-07-12. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "What are metamorphic rocks? | U.S. Geological Survey". www.usgs.gov. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "ALEX STREKEISEN". www.alexstrekeisen.it. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Metamorphism". www.geol.lsu.edu. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Thiéry, Vincent (2021-08-01). "Metamorphism of sedimentary rocks recognised by 19th century French naturalists: A case study from the Chavanon sequence marbles, Massif Central, France". Proceedings of the Geologists' Association (sa wikang Ingles). 132 (4): 491–496. doi:10.1016/j.pgeola.2021.05.003. ISSN 0016-7878.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Yardley 1989.
  17. Holdaway, M. J. (1971-09-01). "Stability of andalusite and the aluminum silicate phase diagram". American Journal of Science (sa wikang Ingles). 271 (2): 97–131. doi:10.2475/ajs.271.2.97. ISSN 0002-9599. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Miyashiro, Akiho (1950). "The stability relation of kyanite, sillimanite, and andalusite, and the physical conditions of the metamorphic processes.,". The Journal of the Geological Society of Japan. 55 (650–651): 218–223. doi:10.5575/geosoc.55.218.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Bell, Peter M. (1963-03-15). "Aluminum Silicate System: Experimental Determination of the Triple Point". Science (sa wikang Ingles). 139 (3559): 1055–1056. doi:10.1126/science.139.3559.1055. ISSN 0036-8075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 20.5 20.6 20.7 Yardley, B.W. (1989). An introduction to metamorphic petrology (Sa Ingles). Longman earth science series.
  21. "GG101 Metamorphic Rocks". www.honolulu.hawaii.edu. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Fluids and metamorphism". csmgeo.csm.jmu.edu. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Jackson, Julia A., pat. (1997). "Metaquartzite". Glossary of geology (ika-Fourth (na) edisyon). Alexandria, Virginia: American Geological Institute. ISBN 0922152349.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Vernon, Ron H., pat. (2018), "Microstructures of Metamorphic Rocks", A Practical Guide to Rock Microstructure (ika-2 (na) edisyon), Cambridge: Cambridge University Press, pp. 135–227, ISBN 978-1-108-42724-1, nakuha noong 2023-07-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Panchuk, Karla (2019). "10.5 Metamorphic Facies and Index Minerals" (sa wikang Ingles). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Geology - rocks and minerals". rocksminerals.flexiblelearning.auckland.ac.nz. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Barrovian metamorphism". csmgeo.csm.jmu.edu. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. https://www.earth.ox.ac.uk/~oesis/atlas/metmins/
  29. Bucher, K. (2005-01-01), Selley, Richard C.; Cocks, L. Robin M.; Plimer, Ian R. (mga pat.), "METAMORPHIC ROCKS | Facies and Zones", Encyclopedia of Geology (sa wikang Ingles), Oxford: Elsevier, pp. 402–409, ISBN 978-0-12-369396-9, nakuha noong 2023-07-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Klein, Cornelis; Hurlbut, Cornelius S. Jr. (1993). Manual of mineralogy : (after James D. Dana) (ika-21st (na) edisyon). New York: Wiley. pp. 449, 480, 483, 497, 516, 518, 529, 539, 543. ISBN 047157452X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 31.2 31.3 31.4 Blatt, Harvey; Tracy, Robert J. (1996). Petrology [Petrolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). W.H. Freeman. ISBN 978-0-7167-2438-4.
  32. "Metamorphic Rocks - Geology (U.S. National Park Service)". www.nps.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Panchuk, Karla (2019). "10.3 Classification of Metamorphic Rocks" (sa wikang Ingles). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Geological Society - Metamorphic Rocks". www.geolsoc.org.uk. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "10 Different Kinds of Metamorphic Rocks – Open Petrology" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Fazio, Eugenio (2019-01-01), Billi, Andrea; Fagereng, Åke (mga pat.), "Chapter 10 - Recognition of Structures in Mid-crustal Shear Zones and How to Discern Between Them", Developments in Structural Geology and Tectonics, Problems and Solutions in Structural Geology and Tectonics (sa wikang Ingles), Elsevier, bol. 5, pp. 119–128, nakuha noong 2023-07-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Metamorphic Rocks - Geology (U.S. National Park Service)". www.nps.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. https://www2.tulane.edu/~sanelson/eens1110/metamorphic.htm
  39. "10 Different Kinds of Metamorphic Rocks – Open Petrology" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Robertson, S. (1999). "BGS Rock Classification Scheme, Volume 2: Classification of metamorphic rocks" (PDF). British Geological Survey Research Report. RR 99-02. Nakuha noong 27 Pebrero 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. https://www2.tulane.edu/~sanelson/eens212/metaclassification&facies.htm
  42. https://www.ugr.es/~agcasco/personal/IUGS/pdf-IUGS/scmr_how_r4_Howtonameametamorphicrock.pdf#page=12
  43. Schunck, Eberhard; Oster, Hans Jochen (2003). Roof Construction Manual : Pitched Roofs (ika-2003 (na) edisyon). München: DE GRUYTER. ISBN 9783034615631.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. https://essuir.sumdu.edu.ua/bitstream-download/123456789/31365/1/myroshnychenko.pdf;jsessionid=A45CA3AA062E0718F78F5948FAFC20F8
  45. "Marble" (PDF). Glossary of Terms. Marble Institute of America. p. 23-15. Nakuha noong 28 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. PROCEEDINGS 4th International Congress on "Science and Technology for the Safeguard of Cultural Heritage in the Mediterranean Basin" VOL. I (sa wikang Ingles). Angelo Ferrari. p. 371. ISBN 9788896680315. white marble prized for use to make sculptures.
  47. https://www.guruve.com/african-art-culture/stone/
  48. "The Hebgen Lake, Montana, earthquake of August 17, 1959". U.S. Geological Survey Professional Paper. Professional Paper. 435. 1964. doi:10.3133/pp435.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Igwe, Ogbonnaya (2015-01-17). "The geotechnical characteristics of landslides on the sedimentary and metamorphic terrains of South-East Nigeria, West Africa". Geoenvironmental Disasters. 2 (1): 1. doi:10.1186/s40677-014-0008-z. ISSN 2197-8670.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Pereira, Dolores; López, Ana Jesús; Ramil, Alberto; Bloise, Andrea (2023-01). "The Importance of Prevention When Working with Hazardous Materials in the Case of Serpentinite and Asbestos When Cleaning Monuments for Restoration". Applied Sciences (sa wikang Ingles). 13 (1): 43. doi:10.3390/app13010043. ISSN 2076-3417. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  51. dtsc.ca.gov (PDF) https://dtsc.ca.gov/wp-content/uploads/sites/31/2017/11/Garden-Valley_REP_Slodusty.pdf. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)