Stratum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Goldenville strata sa quarry sa Bedford, Canada. Ang mga ito ay Gitnang Cambrianng sedimentong pang-dagat. Ang pagkakabuong ito ay sumasakop sa higit sa kalahati ng Nova Scotia at itinala na may kapal na 29,000 piye sa ilang mga area.
Ang strata ng panahong Permian hanggang Jurassic sa Colorado Plateau ng timog silangang Utah

Sa heolohiya at ibang mga kaugnay na larangan, ang isang stratum o strata(plural) ay isang patong ng mga batong sedimentaryo o lupa(soil) na may panloob na konsistenteng mga katangian na nagtatangi rito mula sa ibang mga patong. Ang stratum ang pundamental na unit sa isang stratigrapikong hanay at bumubuo ng mga basehan sa pag-aaral ng stratigrapiya.

Batong strata sa Depot Beach, New South Wales
Outcrop ng Itaas na Ordovician batong apog at maliit na shale