Pumunta sa nilalaman

Orgiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Orgia)
Isang dibuho ni Édouard-Henri Avril na naglalarawan ng isang orgiya.

Sa pangkaraniwang paggamit, ang Orgia o Orgiya, na kilala sa Ingles bilang orgy, ay isang pangyayari kung kailan mahigit sa dalawang tao ang nagtatalik na magkakasama, na minsang tinatawag na pangkatang pagtatalik o pampangkat na pagtatalik. Sa ibang kahulugan, ang orgiya ay isang gawain o aktibidad na isanasagawa na walang limitasyon o hangganan o pagbabawal. Orihinal na nagmula ang salita mula sa Latin, na may orihinal na kahulugang tumutukoy sa isang piyesta o malaking salu-salo at handaan ng isang mayamang mamamayan. Kapag kumakain ang sinaunang mga Romano, sila ay halos nakahiga na, at ang pagkain ay dinadala sa kanila ng mga alipin. Ang mga aliping ito ang nagbibigay din ng kaaliwan na pangkaraniwang kinasasangkutan ng tugtugin at sumasayaw na mga alipin.

Sa makabagong paggamit ng salita, ang orgiya ay isang handaang pangpagtatalik o piging ng pagtatalik kung saan ang mga panauhin ay nagsasagawa at nakikilahok sa walang pakundangan (promiscuous o promiscuity sa Ingles, walang delikadesa) o sari-saring gawaing pampagtatalik o pagtatalik na pampangkat. Ang orgiya ay kahalintulad ng Pag-aalibugha o Paglalango (debauchery sa Ingles), na tumutukoy sa labis na pagkalulong sa kamunduhan o kaligayahang pangmundo at walang tuos na pamumuhay, partikular na ang pagpapasasa sa mga kaligayahang sensuwal at seksuwal.

Naiiba ang orgiya mula sa ilang mga handaan ng mga nakikipagpalitan ng katalik o kapareha (mga swinger o partner swapper sa Ingles) dahil sa ang mga magkakapareha sa maraming mga pagsasalu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pandalawahang tao na pagtatalik o kaya kumbensiyonal na mga gawaing pampagtatalik, bagaman hindi sa kanilang pampalagian o permanenteng katambal sa pagtatalik. Ang orgiya ay katulad ng ibang mga uri ng mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik sa diwa na ang mga magkakatambal sa ilang mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pagtatalik na katalik ang samu't saring iba pang mga katalik pati na ang pakikipagpalitan ng mga kapareha.

Ang pakikiisa sa isang orgiya ay isang karaniwang pantasyang seksuwal, at ang mga orgiya ay kinakatawan sa mga panitikang popular at mga pelikula, natatangi na sa mga pelikulang pornograpiko.

Sa iba pang paggamit, ang katagang orgiya ay ginagamit din sa mga ekspresyon o pananalita na nagpapahiwatig ng sobra o walang pinipili, katulad ng mga pariralang "orgiya ng mga kulay" o kaya ang "orgiya ng pangwawasak".

Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.