Pumunta sa nilalaman

Pagpapalitan ng katalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagpapalitan ng katambal)
Isang gabi ng pagsasalu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik.

Sa larangan ng seksuwalidad, ang pagpapalitan ng katalik, pagpapalitan ng katambal o pagpapalitan ng kapareha (Ingles: swinging o partner swapping) ay isang hindi pang-monogamiya o hindi pang-isahang asawa[1] na pag-aasal, kung saan ang magkapareha ay kapwa na sa loob ng ugnayang may paninindigan subalit pumapayag, bilang isang isang pares, para sa kapwa magkapareha na makisangkot sa mga gawaing pampagtatalik na may iba pang mga magkakapareha bilang isang pagtatalik na pangrekreasyon o gawaing panlipunan.[2] Ang pagpapalitan ng mga katalik ay maaaring maganap sa isang bilang ng mga diwa o konteksto, na sumasaklaw mula sa kusa o bukal sa kalooban na gawaing seksuwal na nasa isang pagsasalu-salong impormal ng mga magkakaibigan hanggang sa binalak o regular na mga salu-salong pangmadla, at hanggang sa relasyong kasuwal o kasuwal na pakikipagtalik sa mga magkakaparehang may katulad na pag-iisip o pag-uugali habang nasa samahan ng mga nagpapalitan ng katalik (samahan o klab na pampagtatalik) at maaaring kasangkutan ng mga palingkuran o serbisyo ng pagpapakilala na nasa internet.

Ang kababalaghan ng pagpapalit-palitan ng mga katalik, o kahit na ang malawak na pagtalakay at pagsasagawa nito, ay itinuturing ng ilan bilang nagmula sa pagpailanlang ng gawaing seksuwal noong panahon ng rebolusyong seksuwal ng dekada 1960, na nangyari dahil sa pagkakaimbento ng pildorang kontraseptibo at ng paglaganap ng mga gawain ng pagtatalik na hindi mapanganib noong kapanahunang ding iyon.

Ang katagang pagpapalitan ng asawa (o wife swapping sa Ingles), na dating itinuturing na katumbas ng "pagpapalitan ng katambal", ay pinipintasan ngayon bilang androsentriko (nakatuon sa lalaki ang pananaw ng mundo) at hindi tiyak ang paglalarawan ng buong nasasaklawan ng mga gawaing pangpagtatalik kung saan ang mga magkakapareha ay maaaring makiisa, subalit ang kataga ay patuloy na ginagamit, at nagsasalamin ng mga simulain ng diwa kung saan ang mga asawang lalaki ay tinatanaw bilang ang nag-uumpisa ng impormal na pagpapalitan ng kapareha.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Are you open to an alternative lifestyle?
  2. Bergstrand, Curtis; Blevins Williams, Jennifer (2000-10-10). "Today's Alternative Marriage Styles: The Case of Swingers". Electronic Journal of Human Sexuality. 3. Nakuha noong 2010-01-24.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)