Pagpatay kay Jang Lucero
Ang bayan ng Calamba kung saan natagpuang utas ang mga nasawi | |
| Oras | Unang pagpatay: 28 Hunyo, 22:00:04 (UTC+8) Pangalawang pagpatay: 29 Hulyo, 21:04:10 (UTC+8) Bucal Bypass Road, Maunong |
|---|---|
| Petsa | 28 Hunyo 2020 29 Hulyo 2020 |
| Lugar | Bucal Bypass Road. Maunong, lungsod ng Calamba, Laguna, Pilipinas |
| Mga koordinado | 14°11′15″N 121°10′14″E / 14.1876°N 121.1705°E |
| Uri | 52 saksak sa katawan ang natamo |
| Mga sangkot | di bababa sa 6 (kasama si Adrian) |
| Mga namatay | Jang Lucero Adrian Ramos (isa sa biktima) |
| Libing | 6 Hulyo 2020 |
| (Mga) inaresto | Annshiela Belarmino (pinalaya kalaunan) |
| (Mga) sinuspetsahan | Meyah Amatorio Annshiela Belarmino |
| Mga bintang | Pagtatangkang pananaksak |
| Hatol | wala pa |
| Date of Birth: Pebrero 14, 1986 (Jang) Marso 5, 1997 (Adrian) | |
28 Hunyo 2020 nang natagpuang tadtad sa saksak si Jang Lucero sa kaniyang sariling saksakyan sa Bucal Bypass Road sa baryo Bucal, Calamba, Laguna, matapos kumuha ng pasahero na nagbook sa kaniyang service sa Gil Puyat Avenue, Makati. Nagtamo si Lucero ng 52 saksak sa kaniyang katawan. Ang mga operatiba ay nakarekober sa mga suspek ng cellphone na kinuha nila umano noong dinakip sina Ramos at Amatorio.[1].
Si Meyah Amatorio ay kilalang may-bahay ng nasawi na si Jang Lucero, na isang LGBTQA+ na tubong Oslob, Cebu. Si Adrian Ramos, ay ang pamangkin ni Meyah Amatorio na hininalang mayroon relasyon ang dalawa ayon sa mga netizens na nakalap sa Facebook account nito sa pagbati ng "Happy Birthday" noong Marso 2020.
Noong Hulyo 29 nang mawala si Amatorio at Ramos ay dinukot ng mga armadong lalaki sa kanilang tahanan tanghali ng 12 sa oras na iyon sa Bay, Laguna, Hulyo 29, 2020, 8pm ng gabi ay nagtapuan ang katawan ng hinihinalang pamangkin o nobyo ni Meyah Amatario nobya ni Lucero, na kinilalang si "Adrian Ramos" na naka balot ng tape sa kaniyang bibig, nakagapos ang mga kamay, na may karatulang "Mamamatay Tao, Pusher at Hudlom Ako, Wag Tularan." Natagpuan ang bangkay nito na kung saan natagpuan ang sasakyan na pinangyarihan ng pagkitil kay Jang sa bahagi pa rin ng Bucal Bypass Road sa Maunong, Calamba.[2]
Mga nasawi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Jang Lucero †
[baguhin | baguhin ang wikitext]Jang Lucero | |
|---|---|
| Kapanganakan | Robyn Jang Lucero 14 Pebrero 1986 |
| Kamatayan | (edad 34) Calo, Bay, Laguna, Pilipinas |
| Dahilan | Gamit ang patalim na sanhi ng pananaksak |
| Trabaho | Lady Driver |
| Kinakasama | Meyah Amatorio (nobya) |
Si Robyn Jang Lucero (14 Pebrero 1986 - 28 Hunyo 2020), 34 taong gulang ay isang Lady Driver na tubong Oslob, Cebu at lumaki sa Pasay siya ay kinilalang nobya ni Meyah Amatorio na tubong Bay, Laguna. Si Jang ay Lady driver sa kaniyang sariling sasakyan sa Calamba, Laguna ayon sa kaniyang ina. Ito ay naghahatid-sundo sa mga lungsod sa loob ng Kalakhang Maynila.
Pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hunyo 28, 2020 ang huling biyahe ni Jang mula Gil Puyat Avenue sa Makati pabalik ng Calamba, Laguna, Hunyo 15 ng mag post ito sa kanyang Facebook akawnt na kung "Sino ang gusto sumabay pa Laguna, Byahe ko ngaun pm me, Bago tayo maabutan ng Curfew po.. Sakay na po". Si Jang ay natagpuan utas sa kanyang sasakyan sa Bucal Bypass Road sa Calamba ng gabing iyon.
Adrian Ramos †
[baguhin | baguhin ang wikitext]Adrian Ramos | |
|---|---|
| Kapanganakan | John Mark Adrian Amatorio Ramos 5 Marso 1997 |
| Kamatayan | (edad 24) |
| Dahilan | Gamit ang patalim sa pananaksak at sakal gamit ang alambre |
| Trabaho | Fast Food Crew |
| Kamag-anak | Meyah Amatorio |
Si John Mark Adrian A. Ramos (5 Marso 1997 - 29 Hulyo 2020) ay isang Jollibee Fast Food Crew sa Bae, Laguna 24 taong gulang ay isa sa mga kasali sa kaso ni Jang Lucero, na pamangkin/kasintahan umano ni Meyah Amatorio, tubo silang Bay, Laguna na kakilala ni Jang Lucero sila'y magkakakilala ayon sa mga letratong kuha mula sa Facebook akawnt na magkakasama sa gilid ng kanilang tahanan at sa sasakyan ni Lucero.[3]
Pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hulyo 29, nang maglaho sina Adrian at Meyah noong tanghali, tuwirang alas 12, ngunit si Meyah lamang ang nakitang buhay ng mga araw na iyon at wala si Ramos, gabi 8pm nang makita ang isang bangkay sa Bucal Bypass Road kung saan nakita ang katawan ni Jang sa sasakyan makalipas ang isang buwan. Si Adrian ay nagtamo ng pagkakabigti gamit ang alambre, balîng ilong at tadtad ng saksak, [4]huli ito nakita sa isang morgue, na si Ramos nga ang kinilalang tinapon sa lugar na iyon palantadaan sa kaniyang pilay na paa.[5]
Pagsisiyasat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hawak na ng ilang operatiba at NBI ang mga salarin sa kaso ni Jang, Setyembre 2020 hindi bababa sa 6 na kalalakihan ang nadakip nito, isang cellphone mula kay Adrian Ramos ang nakuha sa kaniyang bulsa noong ito'y natagpuang bulagta na pinaslang sa kahabaan ng Bucal Bypass, Hulyo 31, 2020. Ang Police Calamba ay nagsagawa ng agarang pagsisiyasat dahil sa pagkamatay ni Adrian, isang buwan ang nakalipas nang matagpuang wala nang buhay si Jang sa kaniyang sariling sasakyan. Hunyo 6 ang huling bidyo ni Jang sa kaniyang Facebook account sa Fresh garden sa Bae, Laguna kung saan naninirahan si Meyah o Hayem "Poklay" na kaniyang katuwang.
Agosto 2020 isang Earl Gaurino ang lumatang, isiniwalat niya ang kaniyang salaysay sa isang ugnayan sa Messenger, hudyat sa kaniyang pag-ako, inaalam pa ng ilang netizen o ilang Jang Supporters sa Facebook akawnt ang tunay na nangyari at uusigin ang mga suspek. Na ginayak ang pag-patay sa mga biktima na iniwang utas sa lungsod ng Calamba.
Tugon at bunga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umani ng pakikiramay ang karamihan at ang ilang mga netizens sa pagpanaw ni Jang Lucero upang makamit ang katarungan. Maging ang pagkamatay ni Adrian na sangkot umano sa pagpatay kay Jang. Ang mga katrabaho ni Ramos ay nakiramay sa pagpanaw nito tangan[a] sa kaniyang Facebook akawnt. Nagsilabasan ang ilang haka-haka o maling balita na nagpapagulo sa kaso ng 2 nasawi.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Suspect in killing of nephew of Jang Lucero's girlfriend arrested —NBI". MSN News. 14 Oktubre 2020.
- ↑ "NBI has individual who may shed light on disappearance of Jang Lucero's girlfriend". GMA News Online. 8 Oktubre 2020.
- ↑ "Meyah's nephew found dead where Jang Lucero's body was found". GMA News Online. 30 Hulyo 2020.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-28. Nakuha noong 2021-01-16.
{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ "NBI has individual who may shed light on disappearance of Jang Lucero's girlfriend". MSN News. 8 Oktubre 2020.
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ base