Pumunta sa nilalaman

Palarong Asyano 1954

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
II Palarong Asyano
Punong-abalang lungsodMaynila, Pilipinas
MottoEver Onward
Mga bansang kalahok19
Mga atletang kalahok970
Disiplina76 sa 8 isports
Seremonya ng pagbubukasMay 1, 1954
Seremonya ng pagsasaraMay 9, 1954
Opisyal na binuksan niRamon Magsaysay
Pangulo ng Pilipinas
Main venueRizal Memorial Stadium
New Delhi 1951 Tokyo 1958  >

Ang Palarong Asyano noong 1954 (1954 Asian Games) ay ang Pangalawang Palarong Asyano o kilala din sa tawag na II Asiad. Ito ay ginanap noong Mayo 1 hanggang Mayo 9 ng taong 1954 sa Lungsod ng Maynila sa bansang Pilipinas.[1][2]

Iginawad ang pagiging punong-abala ng Palarong Asyano 1954 sa Maynila noong Palarong Olimpiko sa Helsinki sa Pinlandiya noong 1952.[1] Si Antonio de las Alas ang naging tagapangulo ng komiteng nag-organisa ng Palarong Asyano 1954.[1][3]

Seremonya ng pagbubukas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal at pormal na binuksan ang Pangalawang Palarong Asyano ni Presidente Ramon Magsaysay, ang Pangulo ng Pilipinas noong taon na iyon.[2] Ito ay ginanap noong Mayo 1, 1954 sa Rizal Memorial Stadium sa Malate sa Lungsod ng Maynila.[2]

Nilahukan ang Palarong Asyano noong 1954 ng siyam na raan at pitumpo (970) na mga atleta na nagmula sa labingsiyam (19) na mga bansa.[2] Ang mga bansang ito ay kinabibilangan ng Afghanistan, Cambodia, Republikang Bayan ng Tsina, Hong Kong, Indonesia, India, Republikang Islamiko ng Iran, Hapon, Israel, Republika ng Korea, Myanmar, Nepal, Hilagang Borneo, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Sri Lanka, Thailand at Vietnam.[2]

Mga isports na pinaglabanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May walong isports na pinaglabanan sa Palarong Asyano 1954.[2] Kasama sa mga isports na ito ay ang akwatiks (aquatics), atletiks (athletics), basketbol (basketball), boksing (boxing), futbol (football), shooting, pagbubuhat ng mga pabigat (weightlifting), pagbubuno (wrestling). Ang diving at swimming ay kasama sa akwatiks samantalang ang field at track ay nasa atletiks.[2]

Mga medalyang napanalunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bansang Hapon na nakapanalo ng kabuuang siyamnapu't walo (98) na medalya (tatlongpu't walo na gintong medalya, tatlongpu't anim na pilak na medalya at dalawangpu't apat na tansong medalya) ay ang bansang nakakuha ng pinakamaraming medalya sa Pangalawang Palarong Asyano.[2] Ito ay sinundan ng bansang Pilipinas na nakapanalo ng kabuuang apatnapu't lima (45) na medalya (labing apat na gintong medalya, labing apat na pilak na medalya at labing pito na tansong medalya).[2] Sumunod naman ang bansang India na nakapanalo ng kabuuang labing tatlong medalya (apat na gintong medalya, apat na pilak na medalya at limang tansong medalya).[2]

  *   Punong-abalang bansa (Pilipinas)

Medalyang Napanalunan sa Palarong Asyano 1954 [2]
RanggoBansaGintoPilakTansoKabuuan
1 Japan (JPN)38362498
2 Pilipinas (PHI)*14141745
3 Pakistan (PAK)4509
4 India (IND)44513
5 Republic of China (ROC)24612
6 Israel (ISR)2114
7 Myanmar (MYA)2024
8 South Korea (KOR)06511
9 Sri Lanka (SRI)0112
10 Indonesia (INA)0033
11 Hong Kong (HKG)0011
12 Afghanistan (AFG)0000
 Cambodia (CAM)0000
 Iran (IRI)0000
 Nepal (NEP)0000
 North Borneo (NBO)0000
 Thailand (THA)0000
 Vietnam (VIE)0000
Mga kabuuan (18 bansa)667165202

Seremonya ng pagsasara

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pangalawang Palarong Asyano ay opisyal na nagsara noong Mayo 9, 1954.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Alinea, Eddie G. (August 12, 2018). "Asian Game: How it came about". The Manila Times. The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 10 November 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 "Manila 1954". Olympic Council of Asia. Olympic Council of Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 13 November 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Alinea, Eddie G. (February 15, 2010). "Antonio de las Alas remembered". The Manila Times. The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 13 November 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)