Pambansang Pamantasang Sun Yat-sen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pagpasok ng unibersidad
Mga gusali ng campus at Bay ng Sizihwan

Ang Pambansang Pamantasang Sun Yat-sen (InglesNational Sun Yat-sen UniversityNSYSU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na tanyag, na matatagpuan sa komunidad ng Sizihwan, sa lungsod ng Kaohsiung, Taiwan at Kapuluang Pratas, Dagat Timog Tsina. Ito ay binubuo ng marami-raming bilang ng surian sa pananaliksik,[1] , na nakalista bilang isa sa pambansang pitong unibersidad sa pagsasaliksik,[2] at kabilang sa mga nangungunang kolehiyo ng maritime at mga paaralan ng negosyo sa Silangang Asya.[3][4] Merong presensya sa kampus ang pamahalaang pederal ng Estados Unidos, pamahalaan ng Hapon, at Komisyong Europeo.

Itinatag noong 1980 sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga nagtapos sa orihinal na Pamantasang Sun Yat-sen sa Tsina at ng makasaysayang Moscow Sun Yat-sen University sa Rusya, ang NSYSU ay organisado sa anim na mga kolehiyo, higit sa kalahati ng mga akademikong yunit ay sentro ng pananaliksik at institutong gradwado. Ang unibersidad ay tradisyonal na kinikilalang isa sa nangungunang tatlong institusyon sa Taiwan at kalakasan nito ang mga programa sa aplikadong agham, negosyo, agham marino, at agham panlipunan.

Ang kaguruan ng unibersidad ay nagpapanatili ng malakas na koordinasyon sa industriya at mga opisyal ng pamahalaan, marami sa kanila ay naglilingkod din bilang mga burukrata, opisyal sa mga surian ng pananaliksik, at konsultant sa organisasyong di-pampamahalaan o NGO. Bilang karagdagan, ang mga alumni nito ay nagsasama ng isang Pangulo ng Pambatasang Yuan, isang Mayor ng Kaohsiung, at isang malaking bilang ng mga CEO mula sa 500 pinakamalaking kumpanya sa buong mundo.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 出版品 - 國立中山大學中山新聞網
  2. Huang, Muxuan (黃慕萱) (2004). 書目計量與學術評鑑—國內七所研究型大學論文發表概況分析。引文分析與學術評鑑研討會論文集. Taipei. pa. 135–152.
  3. ShanghaiRanking's Global Ranking of Academic Subjects 2019 - Oceanography | Shanghai Ranking - 2019
  4. University and business school ranking in Taiwan
  5. Highly-ranked French engineering school - MINES PARISTECH

Mga koordinado: 22°37′N 120°16′E / 22.62°N 120.27°E / 22.62; 120.27
Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.