Pambansang Unibersidad ng San Marcos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Pambansang Unibersidad ng San Marcos (Kastila: Universidad Nacional Mayor de San Marcos, UNMSM; Ingles: National University of San Marcos) ay ang pinakamahalagang institutusyon sa mas mataas na edukasyon sa Peru. Ito ay paulit-ulit na niraranggo na kabilang sa dalawang nangungunang unibersidad sa bansa.[1][2][3][4][5][6] Ang pangunahing kampus, ang University City, ay matatagpuan sa Lima. Ito ay binigyan ng tsarter noong 12 Mayo 1551, sa pamamagitan ng isang maharlikang atas ni Carlos V, Banal na Emperador Romano, na siyang dahilan kaya't ito ang pinakamatandang unibersidad sa Kaamerikahan ayon sa opisyal na pagkakatatag at, isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa mundo.[7] Ang San Marcos ay may 60 akademiko-propesyonal na mga paaralan,[8] na organisado sa 20 fakultad, at 6 akademikong erya. Ang lahat ng mga fakultad ay nag-aalok ng mga digri sa antas undergraduate at gradwado. Ang student body ay binubuo ng higit sa 30,000 undergraduate at 4,000 graduate students mula sa loob ng bansa, pati na rin ang ilang mga mag-aaral mula sa labas. Ang unibersidad ay may mga pampublikong institusyon sa ilalim ng pamamahala nito tulad ng San Marcos Cultural Center at Museum of Natural History of Lima. 

Ang prestihiyo ng San Marcos sa Amerikang Latino ay buhat sa mga kilalang guro at alumni nito. Ito ang tanging unibersidad sa Peru na may isang Nobel Prize winner na alumni: Mario Vargas Llosa (Panitikan).

Gallery[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Ranking universitario en el Perú" (PDF). Asamblea Nacional de Rectores (ANR) and UNESCO. Hinango noong 11 Pebrero 2013.
  2. "QS Latin American University Rankings 2013". Hinango noong Hulyo 24, 2013.
  3. "University Ranking by Academic Performance (2013): Top Perú". URAP Center. Hinango noong Hulyo 24, 2013.
  4. "Ranking Web of Universities: Peru". Webometrics. Hinango noong Hulyo 4, 2013.
  5. "SIR World Report 2013" (PDF). SCImago. Hinango noong Hulyo 24, 2013.
  6. "UNMSM recibe acreditación internacional".
  7. "Foundation of the University of Lima".
  8. http://www.unmsm.edu.pe/sanmarcosaldia/semanarios/165.pdf