Pumunta sa nilalaman

Pasalitang Torah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa Rabinikong Hudaismo, ang Pambibig na Torah' o Torah na mula sa Bibig o Batas na Galing sa Bibig (Hebrew: תורה שבעל פה‎, Torah she-be-`al peh, Ingles: Oral Torah) ay mga batas, mga kautusan, at mga legal na interpretasyon ng Pentateuch na tinatawag na "Isinulat na Torah" o "Isinulat na Batas"(Hebreo: תורה שבכתב‎, Torah she-bi-khtav, literal na "Isinulat na Batas). Ito ay itinuturing na preskriptibo at ibinigay sa parehong panahon ng Isinulat na Torah. Ang Pambibig na Torah ay kinabibilangan ng mga ritwal, mga anyo ng pagsamba, interpersonal na ugnayan ng Diyos at tao, mga batas ng Kosher, Shabbat, pagmamasid ng mga pista, mga ugnayan sa pag-aasawa, mga pagsasanay sa agrikultura, at mga pag-aangkin na sibil at mga sa mga pinsala. Ayon sa Rabinikong Hudaismo, ang Pambibig na Torah ay ibinigay nang walang patid sa bawat henerasyon sa pasimula pa nito hanggang sa ito ay wakas na isinulat pagkatapos ng pagkakawasak ng Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE nang maharap ang kabihasnang Hudyo sa paglaho sa pag-iral nito sa birtud ng pagkakalat ng mga Hudyo iba't ibang lugar.

Mga sangkap ng Pambibig na Torah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Ensiklopedyang Hudyo, ang Pambibig na Torah ay mahhaati sa walong kategorya at nirangguhan ayon sa pagiging autoratibo nito na matatagpuan sa loob ng Talmud, Tosefta at Halakhikong Midrashim.[1]

  1. Mga paliwanag ng mga batas ng isinulat na batas na hindi mauunawaan nang walang mga paliwanag at kaya ay nagpapalagay ng isang interpresyong pambibigig. Ang gayong paliwanag ay nauugnay sa Tanakh.
  2. Sinaunang halakhot na walang kaugnayan sa Tanakh na walang kaugnayan rito at kaya ang kanilang autoridad ay hinango lamang sa tradisyong itinuturo kay Moises sa Sinai na kalaunang idinagdag.
  3. Mga batas na matagpua sa Neviim na ang ilan ay nagmula sa panahon ng mga Propeta ngunit ang iba ay mas luma at nanggaling sa bibig at isinulat ng mga Propeta. Ang mga ito ay tinatawag na "Dibre Ḳabbalah" (Mga Salita ng Tradisyon).
  4. Mga interpretasyon at regulasyon na naglalarawan ng maraming mga isinulat na batas na pinormula ng mga maagang skriba sa pasimula ba ni Ezra at tinatawag na "Dibre Soferim" (Mga Salita ng mga Skriba).
  5. Mga interpretasyon at regulasyon na sumasakop sa isinulat na batas gayundin ang bagong Halakhot na hinango ng mga Tannaim mul sa Kasulatan sa pamamagitan ng hermeneutikang Talmudiko o sa mga konklusyong lohikal. May mga pagkakaiba ng opinyon sa mga iskolar patungkol sa mga paliwanag at mga depinisyon ngunit ang mga ito kasing timbang ng isinulat na batas at tinatawag na "Debar Torah" (Regulasyon ng Torah).
  6. Mga kustombre at pagmamasid("taḳḳanot") na ipinakilala sa iba't ibang panahon ng mga iskolar. Ang mga ito ay itinuturong mula kay Moises at sa ilang bahagi ay kay Josue ngunit pangunahin ay sa mga kasapi ng Dakilang Sinagoga na mga Soferim at tinatawag "Dibre Soferim" ("Mga Salita ng mga Skriba").
  7. Mga batas at desisyon ("gezerot") na inatas ng Sanhedrin o hukuman at pangkahalatang tinatanggap. Ang gayong mga batas ay mapapalawang bisa lamang ng isa pang hukuman na mas dakila sa una sa mga bilang at iskolarship.
  8. Mga batas at regulasyon na ang mga iskolar ay walangn tradisyon o alusyon sa Kalusatan ngunit tinatanggap ng mga pamantayan pagkatapos itong hanguin sa mga kustombre at mga batas ng bansa ng kanilang tinitirhan. Ito ay tinatawag na "Hilkhot Medinah" (Mga batas ng bansa).

Ang mga batas sa huling tatlong pangkat ay hindi itinuturing na katumbas sa balidad ng isinulat na batas (De'oraita") ngunit itinuturing lamang na mga regulasyong rabinikal.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Oral Law (תורה שבעל פה)". Jewish Encyclopedia. 1906. Nakuha noong 13 Hunyo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)