Kashrut
Ang kashrut (Ebreo: כשרות) ang mga batas pampagkain ng mga Sinaunang Israelita gayundin din sa Hudaismo. Ang ilang mga pagkain, kasama ang baboy at marisko, ay ipinagbabawal; hindi maaaring ipagsama ang karne at lakteo tulad ng gatas o keso (na maihahambing sa pagbawal ng tradisyong Italyano sa pagsabay ng cappuccino, na nagtataglay ng gatas, at pananghalian, na nagtataglay ng karne, sapagkat nakasasagabal ito sa panunaw);[1][2][3] at ang pagkatay ng karne alinsunod sa ritwal at ang pag-aasin nito upang maalis ang dugo at walang matirang bakas nito. Ginagamit ang alak at tinapay tuwing Shabat at iba pang mga banal na araw. Sari-sari ang mga uri ng lutuing Hudyo sa buong daigdig buhat ng paggamit ng mga lokal na kasangkapan, at malaki ang impluwensiyang naibahagi rito ng mga lokal na gastronomiya.
Mga karumaldumal o maruming hayop na bawal kainin ayon sa Aklat ng Levitico
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga hayop sa tubig na walang kaliskis at palikpik gaya ng hipon, lobster, alimango, hito, tulya, tahong etc. (Aklat ng Levitico 11:9-12, Aklat ng Deuteronomio 14:9-10)
- Mga hayop na parehong hindi ngumunguya ng cud (hindi Ruminantia) at hindi hati ang paa (hindi kasapi ng Artiodactyla) gaya ng baboy, kuneho(ayon sa Levitico 11:6 ay ngumunguya ng cud ngunit ito ay hindi totoo), Kabayo, kamelyo, mga reptilya at mga amphibian(Aklat ng Levitico 11:3-8)
- Mga ibon o owph[4] gaya ng buwitre, lawin, kuwago, heron, stork(Levitico 11:13-14), paniki(hindi ibon), tagak, tariktik, ostrich [5]
- daga, butiki(Levitico 11:29-30)
Mga pagkaing bawal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- dugo
- mga alak na hindi alak na Kosher
- Mga prutas sa unang tatlong taon ng pagtatanim ng isang puno (Levitico 19:23)
- Pinagsamang karne at gatas (Aklat ng Exodo 23:19;34:26, Deuteromio 14:21)
- Mga hayop na lumilipad na may apat na hita(Aklat ng Levitico 11:20,23). Isinalin sa ilang bersiyon na insekto ngunit ang mga insekto ay may anim na hita at hindi apat.
- Mga halaman o bunga na hybrid o Kil'ayim (Levitico 19:19, Deuteronomio 22:9-12) gaya ng okra, kiwi, karaniwang sibuyas, pinya, mani, oat, lemon, buko, kape, carrot, yam(kabilang ang ube), presa, bulak, barley, patatas, macadamia, mansanas, saging, tabako, avocado, pea, seresa, plum, almond, peras, labanos, kastanyas, raspberry, blackberry, kamatis, talong, trigo, mais, ubas[6]
Mga pagkaing puwedeng kainin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga balang
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.jewfaq.org/kashrut.htm
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-03-21. Nakuha noong 2009-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.accentintl.com/brochures/Spring2007.pdf[patay na link]
- ↑ https://www.bibletools.org/index.cfm/fuseaction/Lexicon.show/ID/H5775/%60owph.htm
- ↑ Hulin, 64b
- ↑ https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_plant_hybrids