Pumunta sa nilalaman

Pitaka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang tatiklupang pitaka na may kompartimento para sa mga salaping papel at tarheta, at lalagyan para magpakita ng dokumento ng pagkakakilanlan (ID)

Ang pitaka, bulsiko, o kartamuneta ay isang maliit at patag na lalagyan na maaaring gamitin upang magdala ng mga personal na bagay tulad ng pera, tarheta de taranta, at mga dokumento ng pagkakakilanlan (lisensya sa pagmamaneho, tarhetang pagkakakilanlan, tarhetang gantimpala, atbp.), litrato, permisong panlipat, tarhetang panregalo, tarhetang pangnegosyo at iba pang papel o tarhetang nakalamina. Karaniwang gawa sa katad o tela ang mga pitaka at kadalasang sukat ng bulsa ang mga ito ngunit hindi palaging matitiklupan.

Pitakang Aleutianas pandadala ng pampangingisda.

Sinaunang Gresya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilunsad ni klasistang A. Y. Campbell ang pagsasagot sa tanong, "Saan ba...sa sinaunang panitikan, ginagamit ang pitaka?" Inihayag niya, bilang isang Teokritang iskolar, na "ang pitaka ay ang maibibitbit na paminggalan ng mga mahihirap na tao, o, bukod sa karalitaan, ito ay isang imbakan ng mga probisyon."[1] Natuklasan niya na kung minsan ginagamit ito bilang lalagyan ng pagkain ngunit naglalarawan ang mga pinakakaraniwang sanggunian sa pagiging "punong-puno tulad ng reserba" niya, hindi tulad ng baon (pantanghalian) ngunit tulad ng survival kit.

Ang Renasimiyento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilkha ang mga pitaka pagkatapos ng pagpapakilala ng salaping papel sa Kanluran noong ika-17 siglo. (Ipinakilala ang unang salaping papel sa Bagong Mundo sa Kolonyang Look ng Massachusetts noong 1690.) Bago ang pagpapakilala ng salaping papel, ginamit ang mga lukbutan (karaniwang mga simpleng drawstring na lukbot na gawa sa katad) ay para sa pag-iimbak ng mga barya . Ang mga unang wallet ay kadalasang ginawa mula sa katad ng baka o kabayo at mayroong kasamang maliit na supot para sa mga nakalimbag na tarhetang pantawag.[kailangan ng sanggunian]

Sa pagsaysay sa buhay ng negosyanteng Isabelino na si John Frampton, inilalarawan ni Lawrence C. Wroth ang mangangalakal bilang "isang lalaking Briton na dalawampu't limang taon, nakabihis nang disente, ..., may suot na tabak, at nakakabit sa kanyang sinturon, isang bagay na tinawag niyang 'bowgett' (o budget), iyon ay, isang katad na lukbutan o pitaka kung saan tinatago niya ang kanyang salapi, ang kanyang book of accounts, at maliliit na bagay pang-araw-araw na pangangailangan".[2]

Ika-19 na siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bukod sa pera o salapi, ginamit din ang pitaka para sa pagdala ng pinatuyong karne, pagkain, "kayamanan", at "mga bagay na hindi mailantad". Orihinal na ginamit ang mga pitaka ng mga maagang Amerikanong industryal. Itinuring na "semi-sibilisadong" sa panahon ng ika-19 na siglo sa Amerika ang pagkabit ng isang pitaka sa sinturon. Sa kapanahunang ito, itinuturing na walang kabihasnan at hindi pangkaraniwan ang pagdadala ng tao ng mga kalakal o pitaka sa bulsa.[3]

Sa Espanya, ang pitaka ay naging lalagyan para sa mga paninigarilyo: "Magdadala ang bawat tao ng isang maliit na tungkos ng puting papel pati isang maliit na pitakang katad na naglalaman ng pingkian at bakal kasama ng kaunting yesca, isang pinatuyong hibla ng gulay na agad-agad na papagningasin ng kislap."[4]

Kasalukuyang panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinamantayan ang modernong pitakang ditiklop na may maraming "lalagayan ng tarheta" noong unang bahagi ng dekada 1950 noong kailang ipinakilala ang mga unang tarheta de taranta. Kabilang sa mga makabagong-likha ang pagpapakilala ng mga velcro-closure wallet sa dekada 1970. Nananatiling popular ang mga pitakang sinlaki ng bulsa sa kasalukuyan.

Para sa mga salaping kripto na umiiral lamang sa sayberispasyo bilang mga entrada sa ilang online ledger, ang "pitakang pangkripto" ay isang instrumentong pangkuwenta at ang layunin nito ay panatilihing ligtas ang palihim na susi (Ingles: secret key) ng may-ari, patotohanan ang may-ari, at pahintulutan ang may-ari na lumagda ng mga transaksyon nang ligtas. Ang "pitakang hardwer" ay isang kompyuter na may tanging layuning gawin ito nang mas ligtas.

Mga kapanahong halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang dinidisenyo ang mga pitaka upang humawak ng mga papel de bangko at mga tarheta de taranta at magkasya sa isang bulsa (o hanbag). Maaaring iuri ang mga maliliit na lalagyan para sa protektahan ng mga papel de bangko na walang espasyo para sa mga tarheta de taranta o mga tarhetang pagkakakilanlan bilang mga pang-ipit ng pera: maaari rin itong gamitin upang ilarawan ang mga maliliit na lalagyan na idinisenyo upang hawakan ang mga tarhetang ISO/IEC 7810 lamang.

  • Dibdib-pitaka o breast wallet (tinatawag ding "pitakang pansekretarya" o "secretary wallet"): isang pitaka kung saan hindi nakatiklop ang mga papel de bangko. Nilalayon ang mga ito para sa bulsa sa dibdib sa panlalaking dyacket, o para sa hanbag. Madalas na naglalaman ang mga dibdib-pitaka ng mga tseke at iba pang mga dokumento tungkol sa salapi dahil masyadong malaki sila para itago sa bulsa ng pantalon.
  • Pitakang ditiklop o bi-fold wallet: isang uri ng pitaka kung saan nakatiklop nang isang beses ang mga papel de bangko. Maaaring itago ang mga tarheta de taranta at mga tarhetang pagkakakilanlan nang pahalang o patayo.
  • Pitakang tatiklop o tri-fold wallet: isang pitaka na may dalawang tiklop, kung saan karaniwang nakatago nang patayo ang mga tarheta de taranta.
  • Pitakang pambulsa sa harap o front pocket wallet: isang lalagyan na walang kompartimento para sa pera at napakakaunting mga bulsa para sa mga tarheta. Kadalasan nakatiklop ang mga papel de bangko at nakatago sa isang kompartimento ng pitaka.
  • Pitakang klip ng pera o money clip wallet: katulad ng pitakang pambulsa sa laki subalit karaniwang nakakabit ang mga papel de bangko sa isang klip na pinapatibay ng malakas na balani.[5]
  • Pitakang mahaba o long wallet: mas malaking pitaka na karaniwang ipinapares sa pantalong maong na ikinakabit ng isang kadena, tali, o rendang katad. Nilalagay ang salaping papel nang patag, at kadalasang mayroong lukbutang pambarya ang mga pitakang mahaba. Pinabantog ng mga motorista upang trangkahan ang kanilang mga pitaka habang nakasakay sa motorsiklo, naging popular ang mga maliliit na natanikalang pitaka sa moda ng punk noong mga dekada 1970-'80 at noong unang bahagi ng dekada 1990 sa kilusan ng modang grunge pati na rin ang modang heavy metal. Popular ang mga pitakang mahaba sa mga kalalakihan sa mga bansa na gumagamit ng salapi tulad ng Hapon at kadalasang nagpapakita ng estetikang impluwensya ng Amerikanong Indiyano.
  • Pitakang pulseras o wallet band ay isang uri ng pitaka na gumagamit ng tuloy-tuloy na igkasing pulseras na gawa sa tela o goma upang protektahan ang mga tarheta at/o salapi. Naging lalong popular ang mga pitakang pulseras bilang paraan upang bawasan ang bigat ng pitakang tradisyunal.
  • Pulso-pitaka o wristlet: isang uri ng wallet na maaaring itali sa pulso upang mapanatiling libre ang mga kamay.
  • Pitakang panlalakbay o travel wallet: ginagamit ng mga biyahero upang dalhin ang mga mahahalagang papel nang magkakasama, tulad ng mga pasaporte, tiket, tarhetang panlulan, dayuhang pera, tseke ng manlalakbay, itineraryo, segurong panlalakbay, impormasyon sa pagpapareserba ng otel, at iba pang magkatulad na gamit.
  • Lalagyan ng ID/"Lagayan sa leeg" o ID case/"Neck pouch": mga manipis na lalagayan na gawa sa naylon o katad na mayroong mga kompartimentong plastik at naaaninag na idinisenyo upang humawak ng ID card. Kadalasang isinusuot sa leeg, at ang karamihan ay may dagdag na bulsa para humawak ng maliliit na mga bagay, kaya nagsisilbi rin sila bilang mga pitaka.
  • Pitakang sapatos o shoewallet: isang maliit na lukbutan na kalakip sa sapatos na nagsisilbi bilang pitaka lalo na para sa mga taong nag-eehersisyo
  • Pitakang digital o Digital wallet: isang file ng kompyuter para sa paghawak ng perang digital.
  • Ang pitakang pansalaping kripto o cryptocurrency wallet ay isang pitakang digital kung saan nakatago ang mga pribadong susi para sa mga salaping kripto tulad ng Bitcoin.
  • Ang pitakang hardwer o hardware wallet ay isang pitakang pansalaping kripto na ibinuo bilang isang hiwalay at pisikal na aparato na nagpapakilala sa may-ari, at nagpapahitulot sa may-ari na lumagda sa mga transaksyon sa online sa napakaprotektadong paraan.
  • Pitakang agapay o side by side wallet: hinihiwalay ang mga nilalaman sa dalawang salansan sa halip ng isa, kaya kalahati lamang ang kapal nito. Maaaring magawa ito sa napakanipis na tela. Patentado.[further explanation needed][kailangan ng sanggunian]
  • Pitakang L-Zip o L-Zip Wallet: isang hugis-parihaba na pitaka na may siper na tumatakbo sa magkabilang panig ng pitaka.
  • Panghawak ng tarheta de taranta o pitakang pantarheta de taranta (credit card holder o credit card wallet): isang hugis-parihaba na pitaka para sa mga tarheta de taranta.
  • Cardholder zip wallet: isang hugis-parihaba na pitaka na may siper para sa mga barya at panghawak ng tarheta de taranta.
  • Tsekbuk o checkbook: isang pitaka na nakahahawak ng mga tseke ng may karaniwang laki
  • Sobre: isang pitakang mahaba na magkatulad sa sobre na may pantakip
  • Pitakang awtomatiko o automatic wallet: isang pitakang may mekanismong nagpapalabas ng mga tarheta kapag napindot ang pindutan upang ipakita ang mga ito sa surtidong paraan.[6]
  • Pitakang pantaktika o tactical wallet: isang pitakang praktikal na mayroong panukat, maliit na lagari, kutsilyo at pambukas ng bote[7]
Logo ng Wave
  • RFID signal blocking wallet: Isang pitaka na gumagamit ng hawlang faraday sa paligid ng aparato na naglalaman ng pinaganang proximity sensing (karaniwang nagdadala ng Wave logo dito) credit at debit card na nakahahadlang sa mga signal ng NFC at RFID at sa gayon ay nakapoprotekta mula sa mga portable RFID reader na nakagagawa ng mga mapanlinlang na transaksyon na hindi sinasadya ng may-ari ng tarheta, hal. pag-skim ng RFID, atakeng riley, atake ng tagapamagitan.

Nagtatampok ang karamihan sa mga pangunahing taga-disenyo ng mga pana-panahon at pangmatagalang koleksyon ng pitaka ng mga katad na itim at kayumanggi. Nagbebenta rin ang mga pangunahing tagatingi ng mararaming pagpipilian ng mga pitakang panlalaki kabilang ang mga may tatak at pitakang house-name.

Mga materyales

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katad o tela ang mga tradisyonal na materyal para sa mga pitaka, ngunit maaaring magamit ang mararaming iba pang materyales na nababaluktot at patag sa kanilang katha. Ginagamit ang mga hindi pinagtagpi ng mga tela tulad ng Tyvek, kung minsan kasama ang muling paggamit ng mga di-nababasang papel na nakalimbag sa materyal na iyon. Isinama ang mga pinagtagpi na metal, tulad ng pinong mesh na gawa sa tanso o aserong di-kinakalawang sa mga pitakang itinataguyod na mayroong ng mga katangian ng elektromagnetikong kalasag upang maprotektahan mula sa di-awtorisadong pag-scan ng mga naka-embed na NFC at RFID tag. Nagpapakita ang mga websayt pan-DIY tulad ng mga instruktable ng maraming mga proyekto para sa paggawa ng mga pitaka mula sa mga materyales tulad ng maong, Kevlar, o duct tape.

Mga pagkakaiba-ibang rehiyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang mga pitaka, lalo na sa Europa kung saan laganap ang mga barya na may mas malaking halaga, ay naglalaman ng isang kompartimentong lukbutang pambarya. May mga built-in clasps o banda ang ilang mga pitaka upang mapanatili itong sarado. Dahil karaniwang mas malaki ulad ng mga Europeong papel de bangko, tulad ng euro at pound kaysa sa mga Amerikanong papel de bangko, hindi sila kasya sa mga iilang maliit na mga Amerikanong pitaka.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Campbell, A. Y. (Abril 1931). "The Boy, the Grapes, and the Foxes". The Classical Quarterly. 25 (2): 91. JSTOR 637006.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wroth, Lawrence C. (Agosto 1954). "An Elizabethan Merchant and Man of Letters". Huntington Library Quarterly. 17 (4): 301–302. JSTOR 3816498.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mason, Otis T. (Enero 1889). "The Beginnings of the Carrying Industry". American Anthropologist. A2 (1): 21–46. doi:10.1525/aa.1889.2.1.02a00030.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cushing, Caroline E. W. (1832). "Letter XIV". Letters: Descriptive of Public Monuments, Scenery & Manners in France & Spain. Bol. 2. Newburyport, MA: Allen. OCLC 8401193. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-07. {{cite book}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Viosi RFID Men's Leather Magnetic Front Pocket Money Clip Wallet – Trusted Accessories". trustedaccessories.com. 23 Nobyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2018. Nakuha noong 1 Mayo 2018. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.flickwallets.com/ Naka-arkibo 2019-02-11 sa Wayback Machine. Automatic Wallets
  7. "The Best Luggage Brands Reviewed 2018". The Best Luggage Brands Reviewed 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2017. Nakuha noong 1 Mayo 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]