Pumunta sa nilalaman

Pterodactylus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pterodactylus
Temporal na saklaw: Early Tithonian,
150.8–148.5 Ma
Sub-adult type specimen of P. antiquus, Bavarian State Collection for Palaeontology and Geology
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Orden: Pterosauria
Suborden: Pterodactyloidea
Pamilya: Pterodactylidae
Sari: Pterodactylus
Cuvier, 1809
Tipo ng espesye
Pterodactylus antiquus
Species
Kasingkahulugan
Isang ispesimeng fossil na nasa Museong Bürgermeister Müller.
Muling binuo na hitsura ng isang buhay na pterodactyl.

Ang Pterodactylus (play /ˌtɛrəˈdæktɪləs/ TERR-ə-DAK-til-əs, mula sa Griyegong πτεροδάκτυλος, pterodaktulos, na nangangahulugang "daliring may pakpak" /ˌtɛrəˈdæktɨl/) ay isang sari o genus ng mga pterosaur, na ang mga kasapi ay tanyag na nakikilala bilang mga pterodactyl. Ito ang unang napangalanan at nakilala bilang mga reptilyang lumilipad. Ang mga labi ng posil nito ay pangunahing natatagpuan sa apog na Solnhofen ng Bavaria, Alemanya, na ipinepetsa sa hulihan ng Panahong Hurasiko (Jurassic) (maagang Tithoniano), na humigit-kumulang sa 150.8–148.5 milyong mga taon na ang nakalilipas,[2] bagaman mas maraming mga pragmentaryo o pira-pirasong mga labi ang nakilala mula sa iba pang mga lugar na nasa Europa at sa Aprika. Isa itong karniboro at marahil ay nandaragit ng mga isda at iba pang maliliit na mga hayop bilang pagkain. Katulad ng lahat ng mga pterosaur, ang mga pakpak ng Pterodactylus ay binubuo ng isang balat at ng isang balamban ng laman (membrano ng masel) na umaabot mula sa pinahaba nitong pang-apat na daliri hanggang sa panglikurang mga binti nito. Ito ay sinusuportahan sa loob ng katawan ng mga hiblang collagen at sa labas ng mga palupo na mayroong keratin (keratinoso).

Ang pangalan ng dinosaurong ito ay hinango mula sa Griyegong mga salitang pteron (πτερόν, na may kahulugang 'pakpak') at daktylos (δάκτυλος, na ang ibig sabihin ay 'daliri') at tumutukoy sa paraan kung paanong ang pakpak ay sinusuportahan ng isang malaking daliri.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fischer von Waldheim, J. G. 1813. Zoognosia tabulis synopticus illustrata, although usum praelectionum Academiae Imperalis Medico-Chirurgicae Mosquenis edita. 3rd edition, volume 1. 466 pages.
  2. Schweigert, G. (2007). "Ammonite biostratigraphy as a tool for dating Upper Jurassic lithographic limestones from South Germany – first results and open questions". Neues Jahrbuch für Geologie und Paläontologie – Abhandlungen. 245 (1): 117–125. doi:10.1127/0077-7749/2007/0245-0117.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.