Pulo ng mga Museo
Ang Pulo ng mga Museo (Aleman: Museumsinsel) ay isang complex ng mga museo sa hilagang bahagi ng Spree sa makasaysayang puso ng Berlin. Ito ay isa sa mga pinakabinibisitang pasyalan ng kabesera ng Alemanya at isa sa pinakamahalagang lugar ng museo sa Europa. Itinayo mula 1830 hanggang 1930 sa pamamagitan ng utos ng mga Haring Pruso ayon sa mga plano ng limang arkitekto, ang Pulo ng mga Museo ay itinalagang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1999. Binubuo ito ng Altes Museum, ang Neues Museum, ang Alte Nationalgalerie, ang Museo Bode, at ang Pergamonmuseum.[1] Dahil kasama sa Museum Island ang lahat ng Pulo ng Spree sa hilaga ng Unter den Linden, matatagpuan din ang Berliner Dom dito, malapit sa Lustgarten. Sa timog, makikita sa muling itinayong Palasyo ng Berlin ang museo Foro Humboldt at binuksan noong 2020. Mula noong muling pag-iisang Aleman, ang Pulo ng mga Museo ay itinayo muli at pinalawig ayon sa isang master plan.[2] Noong 2019, binuksan ang isang bagong sentro pambisita at galeriyang pansining, ang Galeriya James Simon.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Panorama na may Ilog Spree
-
Nahahawakang iskalang modelo ng Pulo ng mga Museo
-
Palasyo ng Berlin noong 2020
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Museumsinsel (Museum Island), Berlin UNESCO World Heritage Centre
- ↑ Masterplan Museumsinsel
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Museumsinsel (Museum Island), Berlin opisyal na website ng UNESCO
- Opisyal na website ng Museum Island (sa Ingles)
- Masterplan Ang kinabukasan ng Museo Island
- Museum Island Naka-arkibo 2022-07-06 sa Wayback Machine. — Interactive 360° panorama sa panahon ng Festival of Lights
- Isang Pambihirang Kuwento ng Tagumpay – ang Museo Island sa Berlin, artikulo sa website ng Goethe-Institut, Pebrero 2010 (sa Ingles)