Putakti
Putakti Wasp | |
---|---|
Isang eusosyal na putakti, Vespula germanica | |
Scientific classification | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
Orden: | Hymenoptera |
(walang ranggo): | Unicalcarida |
Suborden: | Apocrita |
Groups included | |
Cladistically included but traditionally excluded taxa | |
|
Ang putakti o wasp ay anumang insektong ng may masikip na balakang ng suborden na is any insect Apocrita ng orden na Hymenoptera na hindi bubuyog o langgam.. Hindi kabilang rito ang may malapad na balakang na sawflies (Symphyta) na kamukha ng mga putakti ngunit mula sa hiwalay na suborden. Ang mga putakti ay hindi bumubuo sa isang klado naisang kumpletong natural na pangkat na may isang ninuno dahil ang mga bubuyo at mga langgam ay malalim na nakasama sa loob ng mga putakti at nag-ebolb mula sa mga ninuno ng mga putakti. Ang mga putakti na kasapi ng kladong Aculeata ay may taglgay na tibo sa kanilang mga prey o mga biktima. Ang pinakakaraniwang mga putakti gaya ng mga yellowjacket at mga hornet ay nasa pamilyang Vespidae at eusosyal na sama samang namumuhay sa isang pugad na may reynand nangingitlog at mga trabahador na hindi lumilikha ng mga anak. Ang eusosyalidad ay pinapaboran ng hindi karaniwang sistemang haplodiploid ng sistema ng pagtukoy ng kasarian sa Hymenoptera dahil gumagawa rito sa mga kapatid na babae na eksepsiyonal na malapit na kamag-anak. Gayunpaman, ang karamihan ng mga putakti ay mga solitaryo o mapag-isa kung saan ang baawat matandang babae ay namumuhay at nanganganak ng independiyente. Ang mga babae ay karaniwang may ovipositor sa pangingitlog sa o malapit sa isang magpakukunan ng pagkain para sa larva bagaman sa Aculeata, ang ovipositor ay karaniwang binabago sa isang is tibo na ginamit para mabihag ang prey nitp. Maraming mga katungkulan ang mga putakti sa ekolohiya. Ang ilan ay mga predator o polinador upang pakainin ang kanilang sarili o magbigay pagkain sa kanilang pugar. Ang karamihan sa mga solitaryong putakti ay mga parasitoid na ngangahulugang nangingitlog sila sa ibang mga insekto at nagbibigay pagkain sa kanilang mga pugat sa gayong mga hosto. Hindi tulad ng mga tunay na parasito, ang mga larva ng putakti ay pumapatay sa kanilang mga hosto. Ang mga solitaryong putakti ay nagpaparasito sa halog ng mga pesteng insektong na gumagawa sa mga putakti na mahalaga sa hortikultura, pagkontrol ng peste ng mga espesye gaya ng whitefly sa mga kamatis at ibang mga pananim.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.