Pumunta sa nilalaman

Lapastangang pananalita sa Tagalog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Putang ina)
Malaswang graffiti sa isang bantayog sa San Juan, Kalakhang Maynila. Nakasulat ang "Docdocos burat titi", na nagpapasaring na supot ang titi ni "Docdocos", na ipinagbabawal ng kultura sa mga binata sa Pilipinas.[1]:16

Ang lapastangang pananalita sa Tagalog ay maaaring tumukoy sa napakaraming uri ng mga alimura, alipusta, nakakasakit, mapanirang-puri, at ipinagbabawal na salita o kasabihan sa wikang Tagalog ng Pilipinas.[2] Dahil sa kultura ng Pilipinas, ang mga pananalita na waring maamo kapag isinalinwika sa Ingles ay maaaring makasakit sa iba; habang ang iilang kasabihang ikinasasakit ng mga nagsasalita ng Ingles ay waring maamo sa mga nagsasalita ng Tagalog. Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ay ang pamantayang rehistro ng Tagalog, kaya ginagamit minsan ang mga kataga gaya ng lapastangang pananalita sa Filipino at pagmumura sa Filipino.[3]

Sa kontekstong relihiyoso o pormal, tinatawag itong lapastangang pananalita o pag-alipusta/panlalait. Minsan, ginagamit ang salitang paghamak sa pormal na konteskto. Sa kontekstong kolokyal, ginagamit ang mga salitang mura at sumumpa.[4]

Dahil sa kasunod-sunod na kolonyal na pamamahala ng mga Kastila at Amerikano, may etimolohiya ang karamihan ng mga pag-aalipusta sa Tagalog sa lapastangang pananalita ng mga wikang Europeo.

Di-gaya ng Kanluraning kultura, kung saan hindi kailanmang katanggap-tanggap ang mga iilang salita sa lahat maliban sa mga pinakaimpormal na konteksto, sensitibo sa konteksto ang mga mura sa Tagalog: ang mga salitang itinuturing bilang bastos o nakakainsulto sa isang konteksto ay maaaring tanggapin sa ibang konteksto.[5][6]

Mga pigura na kilala sa mapang-alipusta o alimurang pananalita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang putang ina ay isang mura na kadalasang ginagamit na panlait o ekspresyon. Tinuturing ito na lapastangang pananalita na patungkol sa ina ng isang tao. Hango ang salitang puta mula sa Kastila na nangangahulugang isang babaeng mababa ang lipad o bayarang babae.

Maikling clip ng dating pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na nagsasalita ng mga mapang-alipustang salita.

Naging kilala ang katagang ito dahil sa madalas itong bigkasin ng dating pangulo at isa ring abogado na si Rodrigo Duterte sa kanyang mga salaysay na siyang naging laman ng kontrobersya, lalo na noong pabiro nitong murahin si Papa Francisco noong 2015.[7] Bukod dito, malimit ding sabihin ni Duterte ang mga pinagbabawal na salitang may kinalaman sa mga pagbabanta ng pagpatay o pagkitil ng buhay. Noong ika-24 ng Oktubre 2023, nasampahan ng kasong kriminal si Duterte dahil reklamong grave threats na inihain laban sa kanya ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro. Ito ay kaugnay sa paggamit ni Duterte ng bastos na pananalita at bantang pagpatay na ipinalabas sa programa ng SMNI na “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa.[8][9][10] Nagresulta din ito ng upang patawan ng MTRCB ng suspensyon ang naturang programa.[11]

Naging tanyag din ang dating abogado na si Larry Gadon sa kanyang mga pagmumura at malalaswang pananalita. Noong ika-28 ng Hunyo 2023, napagdesisyunan ng Korte Suprema na i-disbar si Larry Gadon dahil sa kanyang misoginistiko, sexista, mapang-abuso, at paulit-ulit na hindi mapagpigil na pananalita. Bumoto ang Korte Suprema ng 15-0 upang i-disbar si Larry Gadon. Ayon sa kanila, ang natagpuan nitong paksang video clip, kung saan siya ay nagmumura at nagbibigkas ng bastos na pananalita laban sa mamamahayag na si Raissa Robles ay "hindi maikakailang iskandalo na sinisiraan nito ang legal na propesyon."[12][13]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tan, Michael L. (2008). "Philippine Keywords in Sexuality" (PDF). University of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-17. Nakuha noong 2017-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "KWF Diksiyonaryong Filipino". kwfdiksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Laureta, Isabel (2015-08-18). "16 Totally Useful Filipino Swear Words And How To Use Them". BuzzFeed. Nakuha noong 2017-01-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. English, Leo James (2015). Tagalog-English Dictionary (ika-27 (na) edisyon). Quezon City: Kalayaan Press Mktg. Ent. Inc. (National Book Store). ISBN 978-9710844654.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Penalosa, Nina (2016-03-23). "When Bullying Follows You Home: Growing Up Chubby and Filipino". Wear Your Voice: Intersectional Feminist Media (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2017-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gueco, Nizza (2016-09-05). "We Hired A Native Tagalog Speaker: Here's What The Filipino Prez REALLY Said". Liberal America Magazine. Nakuha noong 2017-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. CBCP slams Duterte for cursing Pope Francis
  8. "Castro files grave threat complaint vs ex-Pres. Duterte". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-01-04. Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Ex-pres. Duterte denies threatening Rep. Castro's life". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-01-04. Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Ex-President Duterte threatens Castro again after court summons". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-01-04. Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Valderrama, Evangeline (2023-12-19). "MTRCB suspends 2 SMNI programs, including ex-President Duterte's". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Mangaluz, Jean (2023-06-28). "Larry Gadon disbarred by SC for profane remarks". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Supreme Court disbars Larry Gadon for cursing, profane language vs reporter". ABS-CBN News.